May kaibigan ako na syang nagkwento nito
Marahil iniisip nyo na ako mismo ito
Ngunit nagkakamali kayo
Dahil totoong sa kanyang istorya ito
Maniwala man kayo sa hindi
Sa intindihin nyo man o isawalang tabi
Mahalaga'y maisulat ko itong kanyang nadarama
Nadarama? O ang kanya mismong istorya
Umpisahan natin sa simulang-simula
Sa pinag-ugatan ng sakit at saya nya
Kung saan siya tumawa at umiyak
Kung saan nakadama siya ng lungkot at galak
Balikan natin ang nakaraan
Kung saan silang dalawa ay matalik pang magkaibigan
Kung saan sa kanilang dalawa lang umiikot ang lahat
Basta magkasama silang dalawa, masaya kahit sa kaibigan ay salat
Nagsasayang parang mga bata
Nag-uusap kahit walang pag-uusapan
Walang ibang nakikita kundi ang isa't isa
Sa kanilang dalawa, pagkakaibigan ay walang hangganan
Akala ng lahat ay 'sila'
Akala ng lahat ay sila na ang para sa isa't isa
Palaging magkausap, magkatawanan, magka-chat at magkasama
Sila nga ba hanggang huli?
Matutulad ba ang kwento nila sa karamihan sa mga kwento sa wattpad?
O may ibang twist na mangyayari sa kanya?
Ipagpatuloy natin ang kanyang kwento
Sa lahat ng kanilang naririnig na 'Uy! Kayo na ba?'
Ang tangi lang nilang sagot ay 'Ewan' o kaya ay 'Di ah!'
Pero makikita mo sa kanilang mga mata ang kinang
Ang saya sa tuwing sila'y nagkakaksama
Sa tuwing kinukulit sila
Tanging ngiti at pagtawa lamang ang kanilang sagot
Ano nga ba sila?
Kung may 'sila' nga bang talaga
Ang saya sigurong sabihin nila na 'Oo kami na.'
Subalit hindi umabot hanggang doon
Sapagkat ang namamagitan lang sa kanila ay 'M.U'
Na sa iba ay 'Malanding Ugnayan' lamang
Pero ano nga ba talaga?
Kung ang pakikinggan ay pananaw ng iba
Sila na. Oo sila na
Ngunit sa kanilang dalawa ay walang namamagitang 'sila'
Dahil may mahal na iba ang isa sa kanila
Samantalang ang isa ay umaasa na sana sya na lang
Ang sakit pakinggan diba?
Na habang ang isa ay masayang nagmamahal ang isa ay palihim na nasasaktan
Oo. Ang istoryang ito ay ang kanyang palihim na pagmamahal
Pagmamahal sa tinuring na nyang 'bestfriend'

BINABASA MO ANG
Unsaid Words
RandomMga kaechosan lamang ito ni otor. Hahahaha. Feel free to vote and comment mga bebe labs! Hehez. More on tula ata to? Ahaha. Basta. Peace out~