PARU-PARO AT BULAKLAK

30 0 0
                                    

Ako'y nasa isang halamanan
Na di mawari kung saan
Maraming bulaklak na makikita
Sa kanan man o sa kaliwa pa.

Ako'y bukod tangi sa mga naririto
Hindi dahil sa ganda at taglay na bango
Kundi dahil sa kakaibang anyo
At kakaibang amoy ko.

Maraming paru paro ang umaaligid
Ngunit sa aki'y wala kahit sa gilid
Ako'y nilalayuan
At iyan ay aking nakasanayan.

Sa magagandang bulaklak
Ako'y nagagalak
Subalit may inggit
Na pilit sumisingit.

Bakit ako'y kakaiba?
Bakit ako'y di tulad nila?
Mga tanong ay naglalaro
Sa isipa'y hindi maglaho.

Ngunit dumating ang araw
Na nagpabago sa aking galaw
May umihip na hangin
Na tila nagbibilin.

Na may darating din
Na para sa akin
At ako'y di nabigo
Dahil may paru parong dumapo.

Ako'y nagulat, nagalak at natuwa
Sapagkat araw ay dumating na
Ang araw na ikatutuwa
Na sakin ay may pumansin, di nabalewala.

Ngunit tulad ng dati
May katanungan ako parati
Bakit ako?
Bakit sakin ika'y dumapo?

Pilit inisip ang mga sagot
Ngunit wala akong nahugot
Isinantabi pansamantala
Ang katanungan sa tuwina.

Ako'y iyong tinanong
"Kamusta ka sa iyong pagkaburyong?
Masyado bang natagalan ang pagdating ko?
Ngunit salamat at ako'y nahintay mo."

Mga sagot ay di ko alam
Ngunit may naramdamang kakaibang pakiramdam
Bago ito para sa akin
At di ko malaman ang ibig sabihin.

Sa aking pagamumuni
Ako'y napangiti
Na di lahat ng mga mata
Ganda, rilag at rikit ang nakikita.

Hindi lahat ay nadadala sa bango
Salamat sa iyo
Dahil ito'y napagtanto
Ika'y paru paro na sa aki'y sasamyo.

Pinakita mo sa akin ang ganda ko
Pati na rin ang aking tunay na bango
Salamat sa iyo
Aking paru paro.

Tinanggap mo ako
Sa aking kakaibang anyo
At amoy na tinataglay ko
Ikaw ang namulat sa mga mata ko.

Ako'y bulaklak mo
At ika'y paru paro ko
Sa bawat lipad mo
Sa akin ang dako mo.

Aking paru paro, salamat sa iyo
Nakita ang aking halaga sa hardin na ito
Na ako'y nababagay sa mga naririto
At iyon ay dahil sa pagdating mo.

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon