PASENSYA NA

15 2 0
                                        

Sa paglipas ng mga araw

Pag-ibig ko'y di nalusaw

Mga mata ang naging tanaw

Sa mumunting mga ilaw.

Akala ko'y kumukupas

Ngunit lalong tumaas

Mga luhang naglandas

Na parang walang wakas.

Ang pag-ibig, kumukupas

Ang mga luha'y lumalandas

Ang gabi ay naging tanaw

Sa tahimik na pag-ayaw.

Puso ay di maturuan

Kung kanino dapat maramdaman

Ito'y kusa at agaran

Walang may alam ng hangganan.

Puso ay napapagod

Nalilito, lumilimot

Sa araw na pag-ikot ay natapos

Pasensya na, sa atin, lahat ay nagwakas na.

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon