MALAYA KA NA

20 2 0
                                        

Kamusta ka na?
Masaya ka na ba?
Naaalala mo pa ba
Noong una tayong nagkakilala?

Malayo ka, pero nilapitan kita
Ay hindi pala, lumapit pala tayo sa isa't isa
Nang dahil sa parehong interes nating dal'wa
Tayo ay nagkakilala.

Kwentuhan, tawanan, sigawan
Yan ang madalas nating galawan
Walang ibig sabihin noong una pa lang
Pero bakit ganon? Gusto ko ang magkausap ay tayo lang?

Ito na ba ang simula?
Pag-ibig na nga ba?
Ito ba ang sisira sa ating samahan?
Sana'y hindi, sana hindi nga mawakasan, pagkakaibigan

Tinuring kitang parang kapatid
Ikaw ang sandalan sa tuwing may hinanakit
Tayo ang magkausap sa tuwi-tuwina
Ikaw at ako parang tayo na.

Pero hanggang saan ba ang 'para'?
Hanggang panaginip na nga lang ba?
Dahil ikaw, ikaw na minahal ko na
Pero sumuko ka at umiwas pa nga.

Ano bang nagawa ko?
Hindi ko na nga ipinaalam ang saloobin ko
Pero bakit ganon? Iniwan mo pa rin ako?
Ano ang sagot mo, sa lahat ng tanong ko?

Ah, kaya naman pala
May bago ka ng kakilala
Hindi mo naman agad sinabi
Para nararamdaman ko ay naisantabi

Akala ko pareho tayo
Mahal kita, mahal mo 'ko?
Base sa pinapakita mo
Na may halaga din ako sa'yo

Bakit ganon? Bakit ngayon pa?
Ngayon ka pa nagmahal ng iba?
Kung kelan mahal na din kita?
Diba sabi mo noon 'gusto kita'?

Asaan na? Naglaho na ba?
Wala na ba talagang pag-asa?
Ako na lang ba ang kakapit sa ating dalawa?
Ang hirap, ang sakit sakit pala.

Noong nakita kita, sa piling ng iba na masaya
Parang tinutusok itong aking puso
Sa kanya ka na ba talaga liligaya?
Wala na bang natitirang ako dyan sa puso mo?

Matagal akong kumpit sa'yo
Isa? Dalawa? O walong buwan pa nga ata
Biruin mo yon? Haha, habang ako'y umaasa ikaw masaya na
Paano ba maalis iyang pangalan mo sa puso ko?

Mapaglaro talaga ang tadhana
Kung kelan mahal mo na, saka ka pa iiwanan
Hindi na lalalaban dahil pagod na
Pero kakapit pa rin at ikaw ay aasahan

Akala ko tama ang desisyon ko
Na hindi na ipaalam sayo ang saloobin ko
Pero bakit ganon? Dapat ba'y nalaman mo?
Na ako, ako na kaibigan mo, ay nagmanahal sa'yo?

Pero huli, oo huli na
Masaya ka na
Guguluhin pa ba kita?
Ako na ang magpaparaya

Handa akong alisin ka dito sa puso't isip ko
Handa akong isara na ang pag-asa ko sayo
Dahil alam wala na
Wala ng magagawa pa ang sasabihin ko sayo

Kaya kahit hindi mo man madinig o mabasa ito
Ikaw, aking matalik na kaibigan ay minsan kong minahal
Pero ngayon, kahit mahal pa kita, palalayain ko na
Palalayain ko na ang sarili ko

Dahil masaya ka na
Dapat masaya na din ako
Kaya, mahal pinapalaya na kita
Mahal, malaya ka na.

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon