''She have a gun, Loki! Tas, binasag niya ang iphone 6 ko! -- tang ina this! Globe plan yun ni mommy!''
''Shut up, Piolo! Mayaman ka pero kung maka pagsigaw ka nang plan pinagmamalaki mo pa! Utang yun for tagalog! Bobo! Ano na Loki?''
Bahagya kong naipilig ang aking ulo sa mga sinasabi nila. Na kaya daw sila tumakbo at dahil may nakasukbit daw na baril ang babae sa bewang nito. Ayoko pa ngang maniwala, bawal kasi nito sa school namin. Well, lahat naman nang bawal at pwede dito. Sinasabi lang nang dean yun pero di rin naman nila naipapatupad.
''Tas nakakatakot yung mata niya, Loki. Pero pre, ang ganda niya para siyang si Marimar!''
''Ah! Hindi, pangit kaya siya! Inapakan niya ang iPhone ko --- ''
''Oy! Bes!! Classmate pala tayo?!''
I think the world stopped. Biglang nagtayuan ang balahibo ko. Agad akong nag iwas nang tingin, Ghad! Why she's here?! Stalker siya! Alam ko na'to eh! Magiging she's one of those weirdo's na maghahabol sa muscles at kagwapohan ko!
Lalo akong nangilabot nang maramdaman ko ang presenya niyang papalapit sa akin.
What she did next makes my ego turned off.
Pinalo niya ang pwet ko.
--
Agad ko siyang hinila papalayo sa lugar na yun nang makahuma ako sa gulong ginawa niya sa classroom. Kilala ko si Grizelda, Pinky at Riyana ang mga babaeng walang pahinga, oh not that --- i mean, sila yung mga babaeng ginagawa ang lahat para lang maagaw ang atensyon ko. Pero ang babaeng ito na bago palang ay hinalikan ako without a doubt.
''Oy Bes! Saan mo'ko dadalhin?!''
''Stop calling that! Sobra ka na! Wala akong pakialam kung may baril ka, meron din ako nu'n! --''
''Oh? Talaga? Anong model? Shit! Kaya pala eh! May sense ako na magkakasundo tayo! Patingin ang baril mo, Bes.''
Sa sobrang tuwa niya sa sinabi ko ay tinapik niya ako sa balikat. Aw! Ang bigat pala talaga nang kamay niya!
Teka, baril? Wala naman talaga ako nu'n --t-teka, feeling close nang isang 'to ah?
''Look, wala akong interest sayo, isa pa, itigil mo na yang katatawag mo nang bes sa akin. You weren't my best friend or either a friend.''
Ngumiti ito kaya lumabas ang pantay at magaganda niyang ngipin.
''Kuh! Ikaw naman ---''
''Ops! Don't even try to lay your hands on me, again.''
Bahagya akong lumayo nang akma siyang akbayan ulit ako. Hinimas ko ang mukha ko, ayaw kong ma stress. Shit! Kailangan ko na naman yatang magpa facial!
''Tsk! Tsk! Hayst! Ang daming feeling dito sa Maynila!''
Sigaw niyang tumingala sa langit habang ngumunguya nang gum. Napataas ang kilay ko na tinignan siya. Anong ibig niyang sabihin?
Nang ibalik niya ang tingin niya sa akin ay may ngisi sa labi niya. Pinalubo niya pa ang chewing gum at pinaputok. Ilang beses niya iyong ginawa habang lumalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
A girl from nowhere -'On hold'
General FictionLord Loki Mendez, ang lalaking nobyo nang boung campus. GGSS, matalino at malaki ang katawan. Center of a girls attention. Lahat ay laglag panty sa isang ngiti lang. Pero bakit isang Febby Adaña na bagong salta sa school lang ang magtatapos sa pagi...