Basta, lasing na lasing ako kagabi. And i just woke up with Febby on my side. Ang nakakainis lang ay wala akong maalala kagabi! Shit!
Malakas ang hilik niya. May laway pang tutulo ulit galing sa gilid nang kaniyang labi. May mumunting bituing tuyo na sa sulok nang kaniyang mata.
Disgusting, shet!
''Hoy! Gising!''
Mabilis siyang lumipad at tila sundalong nakasilip mula sa gilid nang kama. Nanliliit ang mga mata — may hawak siya. Maliit na kutsilyo. Agad akong napatayo nang tuwid. Oh my god!
''Yudefota! Anong trip ba naman to, Loki?!'' Aniyang tumayo na at ibinalik ang maliit na kutsilyo sa gilid nang kama.
She's not an ordinary girl!
Hindi lang siya basta bastang stalker o may gusto sa akin! Sa simula palang ay pansin ko na siya! Nagpunas siya nang mukha, disgusting talaga! Amazona siya! Dahan dahan akong lumapit sa pinto.
''S- Sege maylabs – matulog ka na muna ulit.''
Binuksan ko ang pinto at lumabas naman. Pero siya ko namang pagka kita kay Tashia. Yung kasambahay nina tita Youmie na best friend ni mama. Nakatingin ito sa dereksyon kung nasaan si Thiago na may kayakap na chicks.
I get it. Nagseselos si Tashia.
''Tashia! My labs! God! Ang ganda mo talaga lalo na sa umaga! Nag lipstick ka pa, how did know that I'm here?''
Mahinang sabi ko tapos ay sumilip muna ako sa loob. Natulog nga ulit si amozona. Lumapit akong kunwari ay hindi ko nakita sina T. Nasa kanila pa rin ang tingin ni Tash.
''Oh, nandyan ka pala Ago? Goodmorning! --- Tashia mahal, Di ba sabi ko doon na tayo sa labas magkita Tashia, aking irog?''
Biglang nagsalubong ang kilay niya sa akin. Kinindatan ko siya.
''Stop that, Almasan!!''
Napalingon ako agad kay Thiago nang tumahol ito. Kahit kailan talaga mas gwapo pa rin ako sa kaniya.
''Tashia! Bakit makalat ang kwarto ko?! Linisan mo ito ngayon din!!''
I sigh. Alam ko na naman yung mga patutsaring ganyan ni Thiago. Nagseselos na din siya. Gwapo nga kasi ako.
''Ow-- si Thiago, our barking dog. Wala akong Panama, Gods siya, Lord lang ako.'' Kumindat at ngumisi ako kay Tash.
Hinila ko siya palabas nang bahay at wala akong pakialam kung magselos man nang sobra si Thiago.
Agad na inikot ni Tash ang kaniyang kamay sa braso ko.
''Salamat, bunso. Kumusta ka na?''
Napangiti ako. Si Tash ang naging sumbungan ko noon. Ang kaso nga ay bilaan ako noon ni Thiago na kung hindi ko lalayuan si Tash ay susugatan niya ang mukha ko. Edi, syempre lumayo na ako - mahirap na kapag damay ang mukha ko.
''Isang taon at kalahati nga lang ang tanda mo sa akin – scratch that 'bunso' term na nga.''
Humagikhik siya.
''Anyway, Congratulations. Kina papa kana magtrabaho. Tanggap ka agad doon.''
''Syempre naman. Ang kaso naunang mag offer si sir Shiba. — siya sege, Loki. Marami pa akong ililigpit.''
Hinarap ko muna siya at hinalikan sa noo. Ni tap ko na din ang balikat niya.
''Maghanap ka na nang iba — hindi deserve si T para sa'yo.''
Ngumiti lang siya sa akin saka tumalikod na.
Siguro kung mag aasawa ako, gusto ko yung tulad ni Tashia. Napakabait, down to earth, responsable at — sexy. Nangisi ako sa huli. Ewan ko nga kung bakit nag iinarte pa si Thiago. Total package na kaya si Tashia!
BINABASA MO ANG
A girl from nowhere -'On hold'
Fiksi UmumLord Loki Mendez, ang lalaking nobyo nang boung campus. GGSS, matalino at malaki ang katawan. Center of a girls attention. Lahat ay laglag panty sa isang ngiti lang. Pero bakit isang Febby Adaña na bagong salta sa school lang ang magtatapos sa pagi...