We are sad. Nakulong ang kapatid ko pagkalabas niya sa ospital. Iyak ng iyak si mama, galit na galit naman si papa sa kaniya. I don't know the whole story pero alam kong hindi niya kayang pumatay ng tao.
I sigh. Life's must go on.
Parehas na kaming sakit ng ulo sa parents namin. Gusto kong mahiya. Pero wala eh, hindi ko kayang iwan ngayon si mama. Hindi ko rin gustong magtampo kay kuya pero wala eh, napakarami niyang sinaktan ngayon.
At dahil stress ako ay kailangan kong tawagan si Feb. I miss her. I was about to dial her num but Aeron cried. Mabilis akong lumapit dito at kinarga siya.
''Ron..''
''D-Dada!..da!''
''Hey! Si tito pogi ito! Gwapo di nga lang macho! Wala si dada, kaya ako lang muna ang kakarga sa'yo.''
Pero lalong umiyak si Ron, masakit sa tenga. Hindi ko nga lubos maisip kung papaanong naalagaan ni ate Weinna ang mga 'to, when she's still that beautiful. Kapag ako siguro, lulukot na yung wrinkles ko sa noo, oh my god! Ni hindi ko kayang e-imagine yun!
''Oy, bakit umiiyak ang baby ko?''
Kakaligo lang ni ate at mabilis niyang kinuha si Ron sa akin. I smiled at her, she's really strong. Yun bang, maiiisip mo nalang na kung mag aasawa man ako gusto kong katulad niya talaga.
Mabait. Maalaga sa mga bata. Maganda. Matalino. Kaso nga lang, tss, si kuya kasi eh.
''Thank you, Loki.''
''No worries. Ate, gusto mo ba ng face spa? Libre kita. ''
Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Basta gusto kong e-comfort siya. Tumawa siya ng mahina.
''Bakit ang pangit ko na ba masyado?''
''No! Of course not! Wala lang gusto ko lang e-treat kita.''
''Hwag na. Wala na akong time para dyan. Look at the kids, makukulit sila dapat bantay sarado sila, lalo na si Dem.''
Nagpaalam na siya at umakyat sa kwarto nila. Dito na ulit sila. Sabi ni mama, gusto niyang makita ang kambal araw araw. Para naman daw mawala ang stress ni mama. Si papa naman ay sobrang mahal niya yung dalawa.
Wala na silang love sa akin. Gusto ko ngang maiinggit, pero shit, nakakadiri naman kung ginaganoon pa nila ako ngayong ang tanda ko na. I laughed at myself.
-----
''Ihhh! Hindi ka nga kasi tumawag kagabi!''
''Mahal, sorry na. Kasi nga maaga akong natulog, tapos yung eye bags ko lumalaki na. Di ba nga babalik ka na dito, edi dapat gwapo ako nun. ''
''Eh, anong nangyari? Gumwapo ka nga ba?''
Malakas akong tumawa. Alas nwebe na nang magising ako kinabukasan. Eh sa nakalimutan ko ba namang tawagan ang mahal ko.
''Oo, naman!yung one hundred percent na pogi looks ko, naging one hundred thousand percent na, mahal!''
Narinig kong humagikhik si Feb sa kabilang linya.
''Edi, wala na talagang panama si John Lloyd niyan?''
''Talaga!''
''Loki, ikaw na muna ang magbukas ng tindahan. Masakit ang ulo ko.''
''Bye muna mahal, nandyan ang reyna. LYSM!''
Mabilis kong sinalubong si mama at niyakap siya ng mahigpit. I want her feel that I am still here.
BINABASA MO ANG
A girl from nowhere -'On hold'
General FictionLord Loki Mendez, ang lalaking nobyo nang boung campus. GGSS, matalino at malaki ang katawan. Center of a girls attention. Lahat ay laglag panty sa isang ngiti lang. Pero bakit isang Febby Adaña na bagong salta sa school lang ang magtatapos sa pagi...