Ilang araw na ang lumipas at maganda na ang takbo nang laro namin ni Loki. Best actor din kung maka act. Marami akong nakakaaway sa school, minsan nga ay nasa Juniors pa. Nakakainis. Di ko magawang pumatol kahit kating kati na akong pag susuntukin o pag babarilin sila. Ayokong ipatawag pa nila si tatay Azi. Hellow? May hiya din ako, noh? Simple lang naman akong gumanti, isang sapak ko lang ay hindi ko na sila nakikita, maliban sa mga college student na matagal na palang avid fan ni Loki.
Defokfok lang talaga! Gano'n ba talaga ka peymus ang punyetang lalaking yun?! Isang linggo na naman ang lumipas pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga banta sa buhay. Minsan nga ay gusto kong magsisi, kung bakit ko pa siya pinatulan. Tsk! Pero kapag kasi nasimulan ko na ay di na ako umaatras. Ako si Febby Adaña, kaya nga ako pinatapon ni itay dito para maiwasan ang mga banta sa buhay namin. Eh, hindi ko naman alam na hanggang dito ay magbabanta din pala sa buhay ko. Napaka exciting nang buhay ko, noh?
''My labs!''
Napatalon ako sa gulat. Pero nang masilayan kong si Loki pala iyon ay pilit akong ngumiti. Ni head to foot ko siya. Naka civilian siya ngayon. Anong meron?
''Sa'n ang punta mo? Bakit ang porma mo?''
Ngumisi siya sa tanong ko kaya biglang nag init ang pisngi ko. Bakit pa kasi ako nagtanong! Binalik ko ang sarili sa sink. Naghuhugas kasi ako nang kamay nang dumating siya, nasa dulo lang iyon nang school park.
''May audition ako ngayon --''
Nakunot ang noo ko. A-Ano daw? Gusto kong matawa. Hinarap ko siya at nginitian, sinipat ko pa ang kabouan niya. Blue v-neck shirt, ripped jeans and vans shoes. Naka wax din ang buhok niya paunta sa likod, newly shaved facial hair -- lip gloss. Wala namang bago.
''Nagpapatawa ka ba? Ang pangit mo kaya sa sout mong yan!''
Iminuwestra ko ang aking kamay sa hangin bago kinuha aking bag. Umakbay siya sa akin, di ko na sinaway, sanay naman na ako doon.
''Syempre joke lang. Go with me.''
Hinawakan niya ang kamay ko. Madalas niya namang ginagawa iyon. Dapat nga ay sanay na ako but this time is different. Its warm and electrifying. Agad kong iniwas ang kamay ko dito.
''Saan na naman ba ang gala mo? Sino na naman ba ang i-stalk natin?''
Gusto kong mainis. Kasi kapag ganitong nagya-yaya siya nang gala ay may ini-stalk lang pala siya, kasama ang barkada niyang mga patay gutom.
Kunwari ay sasama sila kay Loki para daw sa friendships quality time, pero yun pala nakiki-usyuso lang at magya-yaya nang kain. Last part si Loki lang din pala ang pagbabayarin nila. tapos, kunwari ay di ko alam na may chicks lang pala silang aabangan. Oh? At ano naman ang niyayamot mo? Naipilig ko ang aking ulo nang biglang nagtanong si konsensya.
''What? --Anong stalk? ''
''Ses!'' Akala neto di ko alam? tss!
Nahinto ako nang tumunog ang phone ko. Nang makitang si Allewa ang tumawag ay dumistansya ako sa lalaki pero nakasunod naman siya sa akin.
''oh, napatawag ka? -- Oh? --'' Nakasunod lang sa'kin si Loki. Wala akong ganang makipag usap ngayon. ''-- Allewa, hindi ko naman kilala ang mga nando'n --- may swimming?! -- anong oras ba? -- sege! – may kasama ako eh – artista. Haha! Oo, sa sobrang ganda talbog ang byuti ko! — Allewa, mga bata ang babantay ko doon — sege mauna ka na sasabay na ako kay kuya Gab. Okay, bye!''
Napangiti ako sa hangin. Makikita ko na naman kasi si kuya Gab. Dios ko! Kailangan ko nang two piece!
''Ay! Nga pala, my labs, may pupuntahan pala kami — '
''Sinong Gab nga pala yung tinutukoy mo?''
Nakunot ang noo niya, pero ang gwapo pa rin— walang 'ya yalaga— yung lip gloss sa lips niya natural na natural! Samantalang ang dry nang lips ko!
''Hoy — kulot, ano na? In love ka na ba sa akin? – ''
He snapped me out.
''Yudi! Sinong nainlove kanino?!''
Agad akong umiwas nang tingin sa kaniya at pilit binabantaan ang sarili. Di nga, bakit hindi niya rin naisip ang mag artista?
''Yung kuya Gabriel ko. Kakauwi lang kasi nolng napaka ganda at mabini niyang asawa, eh, may party pala taps may swimming pa. Aliwan kasi namin yun ni Allewa sa amin — ang mag swimming.''
''You mean — Gabriel Garth?? What the — watta co– incidence! — pinagtagpo talaga tayo nang tadhanan, my labs.''
Kumurap ako ng ilang beses nang kinuha niya ang aking at hinalikan iyon. Tumibok ang puso ko.
Pero nakataas ang kilay niya na tila isang unggoy na nanghihingi nang saging sa akin.
''Walang ya. Ang pangit mo —''
Tawa siya nang tawa. Sege na, sa oras na ito ay may nanalo na. Ginalingan eh!
''Hey! —''
Iniwan ko siya. Impakto ang pangit naman! Ang totoo bes? Umikot ang mata ko sa isang bahagi nang isip ko, si konsenya.
Kung sa cartoon character kasi, ako si Sakura nang Naruto. May nangugulo sa akin kapag ganitong nalilito ako, si konsensya.
''My loves! Go with me! – ''
Punyeta! Ang tigas din kasi nang isang 'to. Ang galing magpa fall! Pero yun lang, dapat sabayan ko ang deal na iyon. Sabayan ko ang pa fall effect niya. Kaya nakangiti akong humarap sa kaniya.
Ting!!
I have an idea!
''Okay! Sasama ako sa'yo sa isang kondisyon — buy me a swimsuit!''
Natigilan siya.
Mabugi nalang talaga at wala nang mga studyante sa gawi namin.
''Wh— what? Maliligo ka doon?''
''Loki, may pool party daw yung mga bagets doon. I don't wanna look like a probinsyana, so buy me one.''
''Swimsuit? Pwede namang shorts at shirts on nalang ah!''
''Ayoko. Gusto ko yung kita na halos yung dede ko tapos makikita din yung singit ko. Don't worry maputi naman eh, wanna see?''
Siya naman itong kumurap. Gusto kong matawa talaga pero pinigilan ko habang lumakad ako pabalik sa kaniya. Pinamungay ko pa talaga ang mga mata ko then sabay kagat nang labi.
Pero tumawa siya nang mahina. Kaya napatda ako.
''I saw it already. Noong gabing lasing ka? Ako kaya ang nagbihis sa'yo non! — and trust me – makulimlim. Yung parang nag aagaw na yung thunder and storm pero hindi naman siya umuulan kasi nga ang dry. Hahaha!''
Palakas nang palakas ang tawa niya. Putang ina! Talo na ako. Gusto ko na siyang barilin ngayon din.
''Ang bastos mong bading ka. Tss— iwasan ang sobrang tuwa, my labs – may wrinkles ka na.''
So he stopped from laughing. He quickly give a massage on his face.
I rolled my eye on him.
Hinding hindi ako mahuhulog sa isang tulad niyang puro retoke lang ang mukha. Punyeta! Ni wala ngang bahid nang pimples eh!
Edi siya na ang panalo!
''Fine! You win! Bibilhan na kita no'n! Yun lang ba?''
I grin.
Ako pala ang panalo eh!
— –
BINABASA MO ANG
A girl from nowhere -'On hold'
Narrativa generaleLord Loki Mendez, ang lalaking nobyo nang boung campus. GGSS, matalino at malaki ang katawan. Center of a girls attention. Lahat ay laglag panty sa isang ngiti lang. Pero bakit isang Febby Adaña na bagong salta sa school lang ang magtatapos sa pagi...