24

1K 38 6
                                    

Luluwas ako ng Maynila.

Nandoon din naman kasi sina tito Erick, kapapanganak lang ni tita Jean, Wolverine ang pangalan. Ang cute nga kasi, Marvels family na talaga sila. Parang si Lord Loki ko, pati yung kuya niyang si Lord Thor. Hanep maka comics eh.

Excited na akong makita yung baby nila. Buti nalang at pumayag si tatay na lumuwas ako. I-su-surpresa ko si mahal. Ang tagal ko na siyang hindi nakita. Sana namis niya rin ako katulad nung pagkamis ko sa kaniya. Pati na rin yung nga batang kinukwento niya.

Buti nalang talaga at malapait ng magbakasyon eh, pwede na akong mag skip sa school.

Si Magnolia ang kasama ko, yung pinsan kong may gintong buhok. Gintong kutis at pati accessories. Pati na rin ipin ginto rin, joke lang. Maganda naman si Magnolia, kaso inggetera tapos ang arte, kala mo naman maganda.

Nang lumapag kami ng airport ay taas pa rin ang noon niyang maglakad. Ganda eh, mukhang ano. Hindi ako dumikit sa kaniya baka kako mapagkamalan akong chaperone.

Sa aura niyang parang reyna sa ginto eh, habang ako ay big shirt, shorts at boots lang ang sout ay talagang mapagkamalan akong alalay nito.

''Febby, go get our things please.''

Kumurap ako saka lumingon sa paligid. Wow ha! Ang daming nakatingin sa kaniya. Ang arte talaga! May British accent pa yung pananalita ng maldita. Umirap ako at kinuha ang bag niya at ibinagsak sa harap niya.

''Aw! Oh my god! My toes! My knees! Febby! —''

''Tumahimik ka nga or else babarilin kita.''

Arte neto.

Umiling iling ako at iniwan ang maarteng susu sa loob. Dinukot ko ang phone sa bulsa at dinayal ang numero ni mahal.

Napakagat ako ng labi, dito kasi kami nagsimula sa Maynila.

Kaaway ang tingin namin sa isa'-isa. Hindi niya alam na nandito ako, sana naman ay masurpresa ko ang loko. Pero nairita ako dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko.

----

''Eh, bakit nga kasi sa kotse ko?! Piolo naman eh! Linisin mo talaga yung kotse ko!''

Iritang irita ako sa mga bastos na ginawang motel ang kawawa kong kotse! Hindi pa rin magising yubg babaeng nakilala niya daw sa bar kagabi. Nasa kotse ko pa rin. Ang walang hiya! Dinala niya pa talaga sa parking space yung kotse!

''Lasing nga kasi ako, Loki. Sorry na nga. Init ng ulo neto, ang pangit mo tuloy.''

Pinanliitan ko siya ng mata. Kapal ng mukha ng isang to talaga! Sa lahat talaga, siya pa itong may lakas ng loob na sabihan ako ng pangit!

''Umalis ka nga dito! Walang libre ngayon! Itapon mo yung babaeng nasa kotse ko pa hanggang ngayon! Pucha.''

''Par naman, hwag ka namang ganyan. Patulog muna dito, onting time lang. Napagod ako talaga, hanggang umaga ba naman eh. Amoy duga pa ako, oh!''

Tinapunan ko nga ng basahan. Kakabukas ko lang ng tindahan tapos sinundan pala ako dito!

''Ang kapal ng apogs mo! —''

Iniwan ko na siya at inintertain yung mga dumadating pa na mga customers. Ayaw ko talagang ma stress!

Pero nahinto ako ng may pumasok na tila ba celebrity ang dating, may kasama pang body guards. Pero hindi ako makagalaw, kilala ko siya, hindi naman siya artista pero —

''Hey, Mendez. How's your sister in law?''

Naningkit ang mata ko sa kaniya.

''Philip Aquino..''

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A girl from nowhere -'On hold'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon