2 'Meet Febby'

2K 87 5
                                    

''Allewa, ang sabi nang tatay mo, samahan mo muna akong gumala. Ano ka, perstaym ko dito sa Maynila. Paano kung mawala ako dito?''

''Feb, malaki kana. Panigurado, walang magkakamaling anuhin ka dito. Kaya mo naman ang sarili mo, ah! Kumain ka nang marami, may swimming lessons pa ako. Byers!''

''Yudifokfok! Hwag mo nga akong iwanan dito! Woy!''

Napa stomp nalang ako nang feet sa sobrang inis sa kinakapatid ko nang bigla itong nagtatakbo palayo sa restaurant kung saan ako naka dine - in ngayon. Pang Pinoy Restaurant. Nakaka inis! Unang beses kong gumala mula ng dumating ako kahapon.

Di ko pa dala ang armas ko. May alam naman ako sa karate pero iba pa rin kasi talaga kapag andyan ang Caliber ko.

Marami pa naman sana akong inorder. Sa probinsya kasi namin puros ganoon lang yung mga ganoon na foods kaya marami na ang inorder, ang akala ko din kasi sabay talaga kaming kakain nang punyetang shokoy na 'yon! Pero yudefota! Sinamahan lang pala ako nang unggoy na yun tapos iiwan din pala! Humanda talaga siya kay tatay Azi!

''Hi good afternoon! Here's your order. Three rice, beef steak, chicken tinola, special pritong tilapia, chicken inasal and special canton for side dish, with large coke. --- ikaw lang ba ang kakain niyan?''

Nagitla ako nang may magsalita na sa harap ko. Oo, yun ang mga order ko pero dapat ba talagang itanong kung ako lang kakain? Pake neto?

Nag angat ako nang tingin at boung landi na ngumisi.

''Partly, yes. Onti nga lang 'to. Paki mo ba?''

Ang sarap tusukin nang mata niya. Kung makangiti naman siya, parang ano. Tss! Kala mo naman sobrang gwapo.

Nilantakan ko agad ang steak. Si inay din masarap magluto nang ganito. Iyon daw kasi ang pinaka obra niya ang beef steak. Doon din daw kasi sa luto niya nainlove si itay. Nang dahil sa steak ni inay.

Ilang sandali pa ay natigilan ako sa pagkain. Nasa punto na ako nang sarap na sarap eh, pero di pa pala umalis yung lalaki. Lalaking may dimple at malalim ang mata, matangos ang ilong at sobrang puti.

Laklak gluta, pre?

Sinimangutan ko siya.

''Wala na akong order, umalis ka na.''

Napahiya tuloy kaya nagwalk out.

Bakit ba dito sa Metro maraming gwapo pero mga juding pala? Malamang gwapo din ang hanap nang isang yun! Duh, di ko sila type noh? Gusto ko kasi sa lalaki dapat malaki mata, pango at kulot pero macho naman.

Ang sabi kasi sa kanta ni Andrew E. ay 'Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay'. Pinoy tayo eh, dapat we love our own.

Ilang sandali pa ay naubos ko lahat nang inorder.

''oh? Akalain mo yun?'' napangiti pa ako habang nag to -toothpick.

Nang sumenyas ako sa isang babae nang chit pero ang lalaking nakakainis naman ang lumapit sa akin.

''Bill mo, miss.''

Bah, akala neto, don't me. Ang bading mo kayang tingnan! Kung makangiti nga kasi ay mukha siyang, ano. Todo kung magpa cute. Mapang akit na naman na ngiti ulit ang binigay ko sa kaniya. Edi, star struck ka?

''Ang sarap no'ng steak niyo dito, wala sa amin yun. -- eto bayad ko. Keep the change.'' joke, marami sa amin nun kaya!

Kinindatan ko na siya nang makatayo ako. Isinout ko din ang sumbrero kong galing States. Pasalubong kasi ito ni kuya Gabby. Siya lang talaga ang pinaka crush ko sa lahat nang kalalakihan sa grupo ni itay. Medyo moreno kasi ito at macho. Ang kaso ay maliit ang mata nito at matangos ang ilong.

A girl from nowhere -'On hold'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon