Agad akong naghanap nang CR sa campus. With out opening my mouth. Puch! Pagkatapos ba naman akong sabihan nang me tingga ang ngipin ko ay kontodo ang tawa niya tapos ay umalis.
Hwag lang talaga mag krus ang landas namin or else i'm gonna shot his down there. Ang kapal nang mukha niya, lakas makapang asar!
Nang masiguradong malinis na ang ngipin ko ay nag ngingitngit ang loob na hinanap ko na ang deans office.
--
''Ito, may uniform dito miss Adaña, may locker din bawat estudyante dito. Pribado ang school na ito kaya safe ang bawat gamit na ilalagay mo sa locker. Bawal ang bisyo dito, halos lahat nang estudyante ay nasa mataas ang estado nang buhay. Hindi ko alam kung saan ka galing na lugar, hindi kasi nakasulat sa enrollment record mo but since you are enrolled and fully payed na ang mga fee's mo ay alam kong galing ka sa isang mayamang pamilya.''
Nayayamot na ako. Hindi din naman kasi importante ang ang mga bilin nang head. Puro pasikat lang naman ang mga sinasabi niya about sa school na ito. Hayst!
''Engineering ka pala, late na rin ang pagpasok mo. But as your records says, top student ka, I'm sure makakahabol ka naman. You can go and change your uniform.''
Hindi na ako nagtanong pa. Padabog akong nagmartsa palabas nang opisina nang butete na yun. Nakakainis, ang akala ko ay free uniform ang schools dito sa Maynila pero hindi! Hindi ko maiisout ang mga pantalon na pasalubong ni kuya Gabby, ang crush ko.
Nang mahanap ko ang sariling locker ay may susi na din doon. Nilagay ko doon ang gamit ko pati na rin ang beastfriend ko, my Taurus PT22 pistol. Mukha lang laruan iyon, kulay pink at gold na pinaghalo. Gawa iyon ni tito Jude na para lang talaga sa akin, halos naman kaming lahat ay meron no'n. Pero lahat naman ay licensed kaya walang problema kung dadalhin ko man ito kahit saan. Kailangan daw namin iyon sabi ni itay, dati daw kasing may banta sa buhay nilang lahat dahil sa uri nang trabaho nila, baka daw kasi pati kami ay damay sa bantang iyon. Pero, so far wala naman nang nangugulo sa amin. Retired secret agent kasi sila, CIA.
Napatingin ako sa sarili nang maisout ko na ang uniform. Checkered iyon at lampas tuhod, habang puting blouse naman ang sout ko sa taas na may linings sa dulo nang collar. Ang pangit naman! walang taste! College student ako but i looked like in grades school! Itinali ko ang buhok ko pataas sa sobrang inis. Bakit ba kasi dito pa ako ni - enroll ni tatay Azi!
''Woah! Bagong student? -- Hi! I'm Bealyn.''
Braces, high lighted hair, chandelier ear rings. Nagtayuan ang balahibo ko sa babaeng nasa harap ko. Bakit ang iksi nang uniform niya?Akala ko ba strikto ang school na 'to? Akma kong tatanggapin ang kamay niyang nakalahad nang bigla niya ito. She waved at me instead at dumeretso sa locker niya. Napamaang ako. What the world!? Sinundan ko siya at inis na kinuha ang kamay niya. I shake my hand to hers na sobrang lakas.
''Ouch! -- Stop it!''
Nang makitang naiiyak na ito ay saka ko lang binitiwan. Pinandilatan ko siya nang mata at kinweluhan.
''Nice meeting you!''
''Oh my God!'' ani niya.
Defokfok! unang araw ko tapos babastusin niya lang ako? Suntukan nalang kaya kami?
--
''Oy! Bes!! Classmate pala tayo?!''
Napapalakpak ako sa hangin nang may kakilala ako sa classroom. Pero nag iwas ito nang tingin sa akin at kapwa sila lumayo nang mga barkada niya, yung mga lalaking nagvideo.
Lumapit ako sa kanila at pinalo siya sa pwet. Bigla ko kasing naalala yung 'tingga' term niya sa ngipin ko.
''Shit! Shit! Will you please go away from me?''
Halos pabulong niyang sigaw sa akin.
''Hoy miss! Yung phone ko bayaran mo!'' Sigaw naman nung isa habang nakaturo sa mukha ko pero nang tingnan ko naman siya at agad din itong nag iwas.
May narinig akong nagbubulungang mga kaklase ko din. May iba pang iniirapanako. Bah, gusto ko na dito. Ngumisi ako saka inakbayan si Bes.
''Bes, perstaym ko dito -- ''
''Bes?? Magkakilala kayo, Loki?''
''Ofcourse not! -- Get off your hands, miss.''
''Hoy!! Babae! Hwag mo ngang hawakan si Loki!'' Babae 1.
''Kanina ka pa hawak nang hawak kay Loki, ah?!'' Babae 2.
''Tsaka, sabi niyang lubayan mo na siya!'' Babae 3.
Napa angat agad ako nang kilay sa kanila. Kinuha ko ang juicy fruit gum sa bulsa ko at sinubo. Pampawala stress. Lahat sila maarte at maiiksi ang palda. Pwede pala yun?
Ngumisi ako sa kanila, sa inis ko ay hinila ko ang kwelyo ni Bes at hinalikan siya sa harap nilang lahat.
Natigilan silang lahat. Nanlaki ang mga mata at tila nagslow motion ang huli.
''Hwag kang maarte Bes, amoy juicy fruit ang bunganga ko. Wala nang tingga iyan.'' Bulong ko sa kaniyang nang di siya umimik.
''Oh my!! No!''
May humila agad sa buhok ko pagkalipas nang ilang sandali. Pero syempre hinuli ko agad ang kamay niya binaliktad iyon. Nang may kamay na namang papalapit sa mukha ko ay agad ko iyong tinampal nang malakas. Inunahan ko rin ang paang akmang sisipa sa tuhod ko. Mabilis kong inabot ang mga buhok nila at pinagbuhok iyon.
Lahat sila ay napaupo sa sahig nang boung lakas ko iyong hilahin pababa.
''Aw !!''
''Oh my!''
''Mommy!!''
''Mga yudefota kayong lahat! Don't mess with me or else sobra pa dito ang gagawin ko!'' Sabi ko sabay itong binitawan.
''Isusumbong ka namin sa dean!!'' Sigaw nila na halos mangiyak ngiyak na.
''Okay, go ahead -- o kayo? Gusto niyo nang gulo?!''
Nag iwas naman silang lahat sa akin. Mga chismosa eh. Hinarap ko si Bes, nakanganga lang ito na parang ayaw pang maniwala sa nangyari at sa ginawa ko kanina.
''W-Who are you?''
''Ano ka ba? Nagkita na tayo sa restaurant kagabi! Tas nagpakilala na ako kanina, Febby Adaña.'' Ngumiti ako.
Nawala kasi ang lakas nang makapoging dating niya. Edi, tahimik siya ngayon? Bading na'to.
''Why did you kissed me? Paano kung may sakit ka?! Shit! -- ''
''Kuh, bago ba yun dito? Sa amin kasi walang malisya 'yon. You're gay naman and chicks ako, wala sa 'kin yun.''
''Walang 'ya naman oh! Ni hindi ako nagpapahalik sa kahit na sino, tapos ngayon ay basta basta ka nalang nanghahalik? Ghad! Infront of my people pa naman! Alam mo bang lahat nang iyon at nagkakandarapa sa kagwapohan ko? -- Look, alam ko namang nag ga-gwapohan ka sa akin but i don't give you the rights to touch me!''
He was panting. Ginulo niya pa ang buhok niya. Tahimik naman ang mga kasamahan niyang lalaki.
''I am Lord Loki Mendez and nobody go near me unless gusto ko.''
Gusto kong mangiti. Defota, ang gwapo niya pala talaga, huh. Nanliliit kasi ang mga niya kapag galit. Gumagalaw din ang panga niya kapag nagsasalita.
''Tapos?'' Tanong ko pang nakatitig lang sa kaniya.
Hindi siya ang tipo nang taong magugustuhan ko pero alam kong siya yung lalaking masarap asarin. Katuwaan.
''You're not my type so, get a way away from me.'' Mariin niyang sabi.
Ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya. Tinitigan ko ang mata niya, siguro kasi do'n ako unang na attract sa sinasabi niyang kagwapohan niya.
''Ghad!not my face! Ano ba! Get off your filthy hands on my face! Ano ba!''
''Stay still o babarilin kita.''
----
BINABASA MO ANG
A girl from nowhere -'On hold'
Ficción GeneralLord Loki Mendez, ang lalaking nobyo nang boung campus. GGSS, matalino at malaki ang katawan. Center of a girls attention. Lahat ay laglag panty sa isang ngiti lang. Pero bakit isang Febby Adaña na bagong salta sa school lang ang magtatapos sa pagi...