What does she think she's doin'? anong iniiyak - iyak nya ngayon?
''N-naging mabait naman ako sa kaniya -- but it wasn't enough para maging okay ang relasyon namin.''
Ngumawa siya nang malakas. Hindi ko alam ang gusto niyang palabasin. Basta nang makapasok kami sa office ni tita ay nagsimula na siyang umiyak.
''Wha-What?!''
''Totoo naman di ba? Kaya ako lumipat nang school dahil nandito ka, di ba? Tapos -- tapos, may karomansa ka lang pala dito! May kahalikan ka!''
Napanganga ako nang tuluyan. Anong ibig niyang sabihin?
Isang malakas na hampas sa balikat ang sumunod na naramdaman ko.
''Aw! --''
''Walang hiya kang bata ka! Isusumbong na kita sa papa mo! -- Niloko mo na, Sinakal mo pa! Aba! Ang tinde!''
''Tita! Hindi totoo ang pinagsasabi niya! -- Tita naman, you know me. Hindi ako ganoong --- Aray!''
Binatukan niya ulit ako. Mas masakit ang ngayon. Namumuro na talaga ang babaeng kulot na'to! Bakit niya ba talaga ako ginaganito? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nagawang kasalan sa kaniya. Infact, siya nga itong may mga ginagawang masakit sa 'kin, di ba? God, why is it happening to me? Palagay ko nga mayroon na akong wrinkles agad sa mukha.
''I know you well! Kaya nga dito ako pinagtrabaho nang ama mo para mas mabantayan kayong magkapatid! Marami na akong report na natatanggap dahil iniiwan mong luhaan! Bakit hindi mo gayahin si Thor, Loki?''
Lalo akong nangalit. Lalo akong nakaramdam nang galit. Dahil sa mga pinagsasabi nang babaeng 'to ay kinikompara na naman ulit ako kay kuya. Mas gwapo naman kasi ako kesa sa kaniya kaya ganoon nalang ang pag kabuang ng mga babae sa akin. Kasalanan ko ba yun? Ang magkandarapa silang mag uunahang makuha ang atensyon ko? Hindi naman ako exo, kpop o sino mang sikat na artista.
''Tita, trust me. Hindi ko kilala ang babae'ng yan.''
Umiling - iling ako. Lakas ding makadrama nang babae'ng to! Iyak kung iyak! Pucha!
''Ikaw -- miss?''
''Adaña -- Febby Adaña.''
''Miss Adaña, halatang bago ka nga dito. Bakit hindi mo naisout yung uniporme mo?''
''Si Bes -- I mean si L-Loki lang po talaga muna ang sadya ko dito, Maam. Pero siguro ito na ang huling pagkikita namin. K-kahit may n-nangyari na sa amin ay kakalimutan ko nalang --''
''What?!''
''Ano?!''
Ngumawa ulit siya. Napatayo na ako sa sobrang inis. She's really a mess! May nangyari? Walang hiya naman oh! Gusto ko nang sumuko sa acting nang babae'ng ito. Grabe! Grabe talaga!
''Lord Loki! --'' isang sapak na naman ang binigay sa kin ulit ni tita.
''Tita naman!''
''Tapos, di ba sabi mo sa akin Loki, papakasalan mo ako? Sabi mo, right after we graduate, you will marry me? I hate you!''
Bigla siyang tumayo at humarap sa akin. Isang malutong na sampal ang pinakawalan niya sa gwapo kong mukha. Nag init agad ang pisngi ko. Halos uminog ang mundo ko sa sampal na iyon. Puno nang luha ang kaniyang mukha. Halos hindi pa siya makahinga dahil sa sobrang hibik na ginagawa niya. Best Actress goes to..
BINABASA MO ANG
A girl from nowhere -'On hold'
Ficção GeralLord Loki Mendez, ang lalaking nobyo nang boung campus. GGSS, matalino at malaki ang katawan. Center of a girls attention. Lahat ay laglag panty sa isang ngiti lang. Pero bakit isang Febby Adaña na bagong salta sa school lang ang magtatapos sa pagi...