''Bakit? Ilang buwan pa nga lang mula ng pasukan ay uuwi ka na agad?! Buntis ka ba? —''
''Of course not ,tatay! Namimis ko lang sina inay at itay. Tsaka, hindi ko po talaga gusto dito —''
''Bakit nga?!''
Kahit si nanay Yela ay nagtatanong na rin.
Ano ba kasi ang magndang dahilan? Wala. Wala naman talaga, gusto ko lang lumayo, may isang salita ako at kapag sinabi ko ay ginagawa ko talaga.
Yun nga, talo ako sa usapan namin ni Loki. I fall, alam ko yun eh. Tumitibok ang puso ko kapag nandyan siya. Totoo na yung naradamdaman kong selos kapag may kausap siyang ibang babae. Hinahanap hanap ko na siya, di pa nga nag iisang oras ay namimis ko na siya.
I sigh.
Mahal ko na siya. Ako si Febby Adaña ay may minamahal ng iba kahit hindi pwede dahil may John Lloyd na ako.
Nasa ganoong tagpos kami ng biglang dumating si Allewa. Nagsalubong agad ang kilay nito habang nasa akin ang tingin.
''Nyare? —''
''Uuwi na si Febby —''
''B-bakit? Buntis ka?''
Sarap ding barilin ng isang 'to. Inirapan ko siya. Sumimangot ako at hinarap si tatay Azi.
''Tay, nahihirapan po akong mag adjust dito 'tsaka nga po, missko na ang parents ko.''
''Hindi ka na pwede mag transfer ng school.''
Tumungo ako. Alam ko namaan iyon. Okay lang naman, hindi naman tumatakbo ang mga paaralan eh.
''Ano na naman ba ang tumatakbo sa kokote mo, Febby? Ano nalang ang sasabihin ng nga magulang mo sa nanay at tatay ko? – mag isip ka nga.''
Si Allewa iyon. Seryoso ang mukha niya at nasa akin lang ang tingin.
''Ihh, desisyon ko naman ito. Hindi naman magagalit sina itay at inay.''
Narinig kong humugot ng hininga ang mga magulang ni Allewa.
''Siya, hindi naman namin pwedeng pigilan ka ng sapilitan. Kailan ka ba, magbabyahe?''
Gusto kong mapa yes! Pero nalulungkot naman ako.
''Tay! Pumapayag kayo agad?! Paano kung buntis yan?—''
Hindi na ako nakatiis ay tumayo ako at pinitik ko siya sa noo.
''Yudefokfok ka. Hindi nga ako buntis. —Tay, nay! Salamat po! Magliligpit lang po ako.''
Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Alam kong nakasunod sa akin si Allewa at alam kong hindi niya ako titigilan.
''Yung lalaking 'yun ba ang dahilan, Febby?! Alam ba ni Lloyd ang pinagsasabi mo?! — Febby!! ''
Sinara ko nga ang pinto. Pabagsak pa yun. Bwesit! Lalo akong nakokonsesya eh! Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Nag unahan agad ang luha ko sa pagtulo. Nakakainis! Napakasinungaling kong babae!
''Open the door, Febby! I'll tell you —''
''Allewa! Tumigil ka na nga! Kumain ka na doon! ''
Narinig ko namang sinaway siya ni nanay kaya nang lumaon ay hindi na rin ito kumakatok.
Napakatahimik. Nasa Training pa kasi ng taekwando si Leyale. Lalo akong nalulungkot. Huling gabi ko na 'to dito at hindi ko na mikikita ulit si Loki. It made me feel so sad.
Aalis ako dahil talo ako sa pustahan namin. Fine! Tinatanggap ko naman iyon pero ang di ko lang kasi halos mapaniwalaan ako hindi ako basta basta nahuhulog sa isang tao. Sa isang taong sobrang gwapo—oh scratch that, feeling gwapo pala. Tapos nobyo ko pa talaga ang isang sikat na actor.
BINABASA MO ANG
A girl from nowhere -'On hold'
General FictionLord Loki Mendez, ang lalaking nobyo nang boung campus. GGSS, matalino at malaki ang katawan. Center of a girls attention. Lahat ay laglag panty sa isang ngiti lang. Pero bakit isang Febby Adaña na bagong salta sa school lang ang magtatapos sa pagi...