''Feb —''
Kaya pala ang daming nakiki usyoso sa labas. Kaya pala iba ang ngiti ni inay habang kausap ang bisita namin. Naka hawaiian shorts at sando lang siya habang may hawak ng kumpol na rosas.
''John Lloyd.. ''
Tila nawala ang sabik at tibok ng puso ko. Anong ginagawa niya dito? Nagbreak na kami. I was just being fair sa relasyon namin. Ang sabi kasi ay sila na talaga ni Angel, okay lang naman alteast quits lang kami.
Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nandito siya ngayon. Ano nalang ang sasabihi ng publiko sa kaniya?
''Kumusta?'' Aniyang may ngiti pa rin sa mukha.
Bakit ang gwapo niya pa rin? Kung gwapo siya sa tv ay doble naman sa personal. Pero yun nga hindi na siya ang tinitibok ng puso ko.
Nang mag-excuse si inay ay pumwesto ako sa harap niya.
''Umupo ka. Anong meron?''
''May shoot kami dito. Kumusta? Galit ka pa ba?''
Sumimangot ako saka umiling.
''Anong movie? Tsaka, baka may nakasunod sa'yo dito bahay.''
Tahimik lang si Lloydi, ni hindi siya ganon ka showy. Pero sadyang malakas ang appeal niya tapos magaling talaga siyang umarte. Ewan ko nga kung bakit naging mag best friends sila ni Allewa, eh —napaka chickboy ng isang yun.
''Para sa'yo pala.''
''Naa-abala kapa. Salamat."
Tinanggap ko ng nakangiti ang rosas na dala niya.
''Kasama ko si Gelai —''
Okay. Okay, oo na. Talunan na nga ako sa pustahan namin ni Loki at ngayon mas lalo ko lang naramdamang ginawa lang akong second choice ni Lloydi. Ang sakit.
''Feb, I'm sorry for —''
''Lloydi, okay na ako. See? I'm totally moved on. Anyway, salamat at napili ng production niyo ang isla namin. May gagawin pa pala ako, ginagawa pa yung bagong caliber ko. ''
I smiled at him, sweet. Ayokong magmukha na talaga kawawa sa harap niya. Tumayo na ako at nagpatiunang naglakad.
"Nagi-guilty ako, Feb. Ginawa mo pang huminto sa pag aaral dahil sa akin.''
''Lloyd, hindi naman iyon dahil sa'yo. Dahil sa akin, dahil ito ang gusto ko. Disisyon ko ang huminto, may mga pinagdaanan din akong hindi ko nasabi sa'yo —''
I heard him sigh.
Nagpaalam na rin siya sa huli. Ang sabi niya sa X-Men's Hotel and Restaurant lang naman daw sila naka check in. Tatlo lang naman ang hotel sa islang 'to at lahat ng iyon ay sa mga tito ko. Wala naman akong pakialam. Gusto kong pumunta ng shooting range, magliliwaliw ako.
Mamaya din ay luluwas ako ng syudad. Gagala ako, gusto kong makalimot. Gusto kong magsaya.
Nang lumabas ako ng bahay ay wala na doon yung mga taong nakasilip sa bahay namin. Eh, may dumalaw na artista, edi sikat na rin kami nito? Tss!
Namimis ko na si Leyale, pati si Allewa. Pero pagtatyagaan ko n muna ang mga kaibigan kong narito.
''Tito! Hihiram ako ng yate, mamaya!''
Isa iyon sa mga tito ko, daddy ni Erick, kabarkada ni itay. Siguro ay magsu-surfing ito dahil mag dala dala siyang surfing board at topless siya. Nang mag thumbs up siya sa akin ay lalo akong napangiti. Maganda naman kasi ang panahon, maaliwalas.
___
''Loki, hot ka, gwapo pa. Kung tutuusin ay walang panama si John Lloyd sayo. Bakit kung i-stalk mo yan ay parang nababading ka, pre?''
BINABASA MO ANG
A girl from nowhere -'On hold'
General FictionLord Loki Mendez, ang lalaking nobyo nang boung campus. GGSS, matalino at malaki ang katawan. Center of a girls attention. Lahat ay laglag panty sa isang ngiti lang. Pero bakit isang Febby Adaña na bagong salta sa school lang ang magtatapos sa pagi...