16

1.2K 60 2
                                    

Everything went well. Three months had passed really fast.

Maganda na yung sa akin ni Loki, syempre lahat ng 'to ay puro pakotang tao lang lang. Minsan ay may mga ipini flirt syang mga studyante pero hindi naman ako apektado. Hinahayaan ko lang siyang ganoon. Ayoko kasing masanay. Gusto kong limitahan ang sarili.

Masarap kasama si Loki. Ni hindi ako nakakaramdam ng bored kapag nasa tabi ko siya. Minsan nga lang ay may mga nakaakaharap o nakakatanggap ako ng threats galing sa kung sino sino sa school. Hindi naman ako natatakot sa kanila, ang masama nga lang ay baka umabot pa sa puntong papatulan ko sila edi, kawawa naman.

May usapan kami ni Loki ngayon, ang sabi niya ay ililibre niya ako ng dinner. Umuulan pa naman. Okay lang, hindi rin naman kami nagkita kanina, kesyo may problema daw sa bahay nila. Ang hirap sa lalaking 'yon kasi ay sobrang honest — eh sa, hindi naman na kailangan iyon. We we're just fooling around lang naman eh, no big deal.

''God! I'm so sorry— medyo malakas na kasi yung ulan. — hi?''

Bahagyang napa angat ang kilay ko nang lingunin ko siya. Tanging jacket niya lang yung nakapatong sa ulo niya.

''Alam mo namang malakas yung ulan eh.''

Dinukot ko yung panyo sa bag ko at pinunasan siya sa mukha.

''— what if magkakasakit ka?''

''Edi, mas maganda— may mag aalaga naman di ba, may labs?''

Kumurap ako. Hindi ko alam na nakatingin lang pala siya sa akin. Parang lahat ng bawat galaw niya ay parang nag slow motion sa paningin ko. Nag tagpo ang mata namin. Malamlam iyon at tila may itinatagong problema.

Agad kong ibinaba ang aking kamay at binigay na sa kaniya ang panyo. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito?! May ngisi ang mukha niyang yumukod sa akin. Mas lalong dumagundong ang kakaibang kaba sa dibdib ko.

''Nahuhulog  ka na ba sa akin, Febby? Aminin mo na.'' Aniyang kinindatan pa ako.

Napalitan ng kung anong inis ang naramdaman ko. Kaya ngumiti na din ako, nang aakit. Bahagya ko pang hinawakan ang pisngi niya at lumapit pa ako sa kaniyang mukha.

''Loki, ibahin mo ako sa mga babae mo. At kung mangyayari man yun, ikaw mismo ang unang makakaalam, Loki.''

Kinuha ko ang payong na baon ko at iniwan siya doon. 

''May labs! Ang lamig naman ng panahon pero ang init ng ulo mo? Kasi ba dahil, hot ako? Coz I'm hot baby?''

Kinurot ko nga. Sumabay siya sa akin. Kinuha niya yung payong sa akin saka kami lumakad.

''Kaya nga sigiro bumabagyo eh, kasi nandito ka.''

Tumawa kaming dalawa.

We ended up on a coffee room. Ang lakas na talaga kasi nang ulan. Habang napapatingin ako sa labas ay naiisip ko si John Lloyd, hindi pa rin kami nagkikita tapos nakita ko pa yung trailer ng A Second Chance. Naiinggit ako. He can't even show me in the public na nobya na ako.

''Hey, mukhang mas malaki yung problema mo sa akin ah?''

I snorted. Humigop ako ng kape at niyakap ang sarili. Nang tingnan ko siya nang maigi ay doon ko napansin na may problema nga siya. May namomoong eye bags sa ilalim ng mata niya. Ilang araw din siyang hindi napasok sa klase namin, nag alala tuloy ako sa mama niya.

''May problema ka ba? Pumapangit ka kasi, eh.''

Agad siyang ngumiti ng malawak. Ang galing niya talaga, sa mga papogi moves. Tapos biglang nawala ang ngiting yun. May lungkot akong nababanaag sa mata niya.

''Hindi pa rin umuuwi si kuya. I feel so sad to ate Weinna. Ni hindi siya nakakatulog kasi iyak ng iyak si baby Ron. — hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. ''

He let out a hard sigh.

Ayokong sabayan ang lungkot niya. Ayokong madamay sa stress na nararamdaman niya ngayon. Wala namang kami. Pero bakit pati ako ay may lungkot na rin?

''Loki, may mga bagay na kahit anong pilit nating pasukin ay hindi pwede. May sariling desisyon na ang kuya mo, may choices naman si ate Weinna di ba? But she choose to live with you kasi alam niyang hindi niyo siya pababayaan. — siguro kailangan lang muna nang time ng kuya mo para makapag isip.''

Humigop ako ng kape. Katulad nalang sa relasyon namin ni John Lloyd, minsan nga ay gusto kong kumain nalang nang Magic flakes para may magic na bigla nalang magbabago ang lahat at sa akin na naka sentro ang buhay niya. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? He made his own decisions at wala akong ibang choice kundi ang piliing sumaya nalang sa mga plano niya sa buhay.

''Yeah right. Ang lakas pa rin ng ulan.''

Alas dyes na nang gabi, palakas ng palakas naman yung ulan. Nang magsara na ang coffee shop ay sa kotse na muna kami nagstay. Parehas kaming tahimik ni Loki, nasa malalim na pag iisip siya habang ako ay katext ko si Allewa. Ang sabi niya ay nasa Siargao siya ngayon. Wala naman na akong iba ang maisip na pwedeng sumundo sa akin. Si itay Azi ay nasa Batangas kasama si inay Leya.

We were stuck on a car park. I turned the radio on.

(— bumabaha na rin ang South Osmeña at Quezon Boulevard. Mag ingat po tayo sa pag mamaneho mga igan!)

I sigh.

Sa palagay ko ay dito na kami matutulog ngayon.

''I'm so sorry hindi natuloy ang dinner natin at mukhang dito na muna tayo saglit.''

Matamlay si Loki. Hindi ako sanay na ganoon siya.

''Ano ka ba? Okay lang, busog pa naman din ako. Paano naman ikaw, kumain ka na ba?''

I ask with a worried tone, totoo namang nag aalala ako sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin nang gumalaw siya ay natigilan ako. Bigla niya kasing inihiga ang kaniyang ulo sa balikat ko. Pakiramdam ko ay humina ang paghinga ko. I should not feel this way pero malakas ang kabog ng dibdib ko eh.

''Let me stay for a while, Febby. I'm so sad — please.''

I let him. Hindi ko alam kung natutulog ba siya o nag iisip lang. Seryoso si Loki. Kailangan niya ng karamay.

Ilang sandali ay humugot siy ng hininga at umayos.

''Kailangan ko talagang kausapin na si kuya. Na eestress na ang gandang lalaki ko sa kanoya. Kapag siya hindi na tumigil sa kakaiwas kay ate humanda siya!''

I blinked in fourth times.

May sanib ba ang lalaking to? Hinampas ko nga! Nasa seryosong moment na rin ako eh!

''Aray! Shaks naman!''

He laughed. Pinitik ko nga yung noo niya.

''Umuulan na nga, iniinis mo pa ako! Barilin kaya kita?''

I crossed my arms. Umirap ako sa kaniya. Punyetang lalaki talaga!

Iniba niya yung tugtug sa stereo. Yung Werk werk werk ni Rihanna ba yun tapos sinabayan niya iyon with matching sayaw pa. Ewan. Mukha siyang buwang talaga!

''Hey! Sing with me!''

Napangiti nalang ako sa itsura niya. Ang gwapong unggoy sumasayaw! So i sing dance with him nalang kasi hindi ko naman alam yung kanta. Tawa lang ako ng tawa habang pinapapangit niya yung mukha niya.

I really had fan.

Napunuan nang pangyayaring iyon ang pagkamis ko sa kaniya. I will missed him.

Nang matigil kami ay kapwa kami hinihingal na dalawa habang nasa  mukha pa rin yung ngiti.

''I'm going to miss you....''

I whispered.

''—don't say that, Febby..''

Talo na ba ako sa larong to?

I am falling into him.

Sanay naman na ako sa mga larong ganito pero bakit parang mas kirot akong nararamdaman ngayon?

— —

A girl from nowhere -'On hold'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon