21

795 45 9
                                    

Hot seat ako nang mag umaga na. Ni hindi pa nakapagpahinga ang cells ko sa mukha.

Alam kong hot ako, pero hindi naman ganito ka hot na pati ang ulo at dugo ko ay iinit!

Damn it!

Hindi pa ako handang matali sa isang babaeng may ganitong klaseng pamilya. I really wanna go home now.

''Lambert? Aba, big time ka dong! Pero di uubra ang gandang lalaki mo sa islang ito!''

''H-ha? Ganito ba kayo sa mga costumers niyo dito?''

Ngumisi siya nang parang hudas. Hudas si kuya pero mas hudas pa yata eto.

''Nagsisibak ka ba nang kahoy?"

That angry man asked na parang minamata ako. May hawak pa itong baril na mahaba. Hindi naman ako makasagot, oh god! Nag artista na nga lang sana ako eh! Hindi!

''No.''

''Erick! Erick! —''

Mula sa siwang nang pinto ay sumilip doon ang isang lalaki na maitim. Sumimangot ako.

''Meet this man, eto yung mapapangasawa ni Febby. Turuan mong magsibak at baka masibak ko ang mukha nito.''

''W-wait! Wait! Hindi nga kasi. Hindi ko naman nobya si Feb, we were just a school mates! —''

''Pag sure, dong! Oh, sisikat na ang araw, magsibak ka na!— Mahal! Hwag gamitin ang gasul, may magsisibak na nang kahoy!''

Umalis siya sa tabi ko, humugot ako nang isang malalim na paghinga. Nakakatakot naman din kasi yung barili niyang pagkahaba. I shook my head, nagsisisi ako kung bakit pa ako pumunta dito!

''Tara, magsibak ka na —''

Pinaningkitan ko nang mata yung lalaking Erick ang pangalan.

''Of course not! Madaling masugat ang kamay ko —''

''Choi, kung ikaw ang dahilan kung bakit umuwi nga si Febby, siguradong malaki atraso mo sa kaniya. So, if I were you — kung ayaw mong umuwi na may bala sa ulo, sumama ka na sa akin.''

Napakurap ako.

Kasalanan ko pa kung umuwi si Fabby?!tang ina! We just have a deal!

''Brad, hindi ko kaano ano si Febby —''

''Ses! Sabi ni Feb, magnobyo kayo! Dong, kung totoong lalaki ka, dapat hindi mo deni-deny ang tulad niyang walang katulad.''

Oh god! Nasaan na ba ang mga kaibigan ko! Sumasakit na yung mata ko kasi hindi pa ako natulog simula kagabi.

Tinulak tulak ako noon lalaki hanggang sa makalabas kami. Malaki yung bahay, it looks like an ancestral house.

Dumaan kami sa isang fountain na maliit tapos napapaligiran ito nang mga halamang wala sa garden ni mom. May mga bonsai din na mga puno. May mga puting bato na naka hilera sa hallway na dinadaanan namin.

Nakakamangha, siguro kung dito ako magpapalipas nang araw ay mawawala ang stress ko boung gabi.

Sa likod nang bahay ako dinala noong lalaki. Bagong sikat ang araw, dapat sana ay nag jo-jog na ako ngayon, bwesit naman kasi na Febby na yun, saan na ba siya? Sana ay tinutulungan niya akong makipag usap nang maayos sa ama niya sa negrong lalaking 'to.

Mabilis akong umiling. Hindi. Hindi ko gaagawin 'to. Ano sila, hilo?

''No! Where's Febby?!let me talk to that girl from nowhere! —''

''Aba! Choy! Wala ka sa lugar, hwag kang masyadong feeling gwapo! —''

''Hoy! Gwapo ako! Hwag mo akong iniinsulto! Mukha neto!''

''Ano suntukan nalang?!''

Itinaas niya ang manggas at akmang susuntukin ako. Oh my god!

Umatras ako.

''Erick! Stop that! —''

Agad akong pumalikod ni Feb. God! Anong klaseng tao ba sila?!

''Feb, hwag mo'kong pigilan or else —''

''Ang aga aga, Erick! Hwag mo ngang inaano 'tong boylet ko!''

Boylet?

''Sabi na eh! Sabi na talaga! Nobya mo pala tapos edi-deny mo? Tang ina!''

Nagtago na ako sa likod ni Febby.

Sinusumpa ko! Hinding hindi na ako babalik sa lugar na'to!

——

''Par, ba't naman tayo uuwi agad?  Nobya ko na iyong si Magnolia eh! ''

''Paiwan ka! Hindi mo alam kung paano ako tinorture nang mag anak na yan kagabi at kanila! Pakshit! Kung hindi pa ako nakatakbo ay hindi ako makakatakas sa negrong yun! P*ta! ''

Mabilis kong nilagay ang mga damit ko sa bag. Shit! This was the worst thing that happened into my life!

''Hindi, sasama ako. Uuwi na tayo.''

Tawa nang tawa si Rusty na handa na ang gamit. Si Piolo naman ay dabog nang dabog.

Nahintatakutan ako nang may marinig akong katok sa casitas namin. Gusto ko pang pigilan si Rusty nang pagbuksan niya iyon.

''Nasaan si Loki!? —''

Ang kaba ay napalitan nang takot. That voice again. Tumayo ang balahibo ko. Pinakiramdaman ko ang bawat hakbang na papalapit sa amin.

''Loki! — what do you think you're doing?!''

Galit ang tinging pinukol ko sa babae nang masiguradong wala itong dalang baril.

''God! Look, kung inaakala mo ay uubra sa akin yang sorry mo ay hindi! I'm totally fucked up, Febby!''

''Ang oa mo talaga. Tinatakot ka lang nang tatay ko! Tapos tumakbo ka agad.''

''Ah! Ewan! Basta uuwi na kami!''

Nilampasan ko siya.

Hindi ko na naman siya miss di ba? Wala naman kasing ganoon, sadyang gusto ko lang namang maningil sa deal namin noon. Pero wala, wala din naman pala akong mapapala!

''Okay! Defota! Mas maganda nga yun di ba? Sana — sana hindi na ako nahulog sa'yo! Sana hindi na kita minahal! — nagsisisi akong minahal pa kita! ang gago mo! Sana hindi na kita makikita ulit! Ang coward mo! At ang tanga ko! Ba't pa ako gumawa gawa nang deal na ako din naman pala ang talo! Bwesit! Go! At ayaw na kitang makita ulit! — I-I hate you.''

Sa huling pagkakataon ay sinampal niya at tumakbong umiiyak.

Di ako naka imik.

Natigalgal ako saka pumikit ng mariin.

Pakiramdam ko kasi ay naiwan yung kamay niya sa mukha ko. Sa sobrang sakit noon ay may lusang tumulo sa pisngi ko.

Hindi mawala sa isip ko ang mukha niyang puno nang luha.

Damn it!

Saan ba ako nasaktan? Sa sampal o sa sinabi niya?

**********

A girl from nowhere -'On hold'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon