Chapter 2 - Starting a Friendship

219 7 10
                                    

[Media: Earth Pirapat as Ken]

Kung hindi puno, cleaning in progess. Yun lagi ang status ng mga CR sa school namin. Kaya no choice na naman ako kundi sa GYM CR pumunta. Actually, I like it here. Malinis siya most of the time, regardless of the fact na CR siya sa GYM. Nanalamin ako, naglagay ng konting polbo, nag-ayos ng buhok and nagspray ng pabango. Since nasa GYM ang location nito, iba ang itsura ng CR na to sa ibang mga CR dito sa school. Mas malaki at may mga bench dito kaya free to tambay every time ang mga studyante. Pero this time, I'm alone. Well, at least that's what I know.

Nasa kabilang side ako ng CR since nandun yung salamin at cubicles at sa isang side naman yung mga bench at yung pinto, nang narinig kong may nagsara ng pinto. I didn't mind kasi sanay na ko dahil ginagamit ito ng football players. After doing my business, I decided to go out na. Pero nung palabas na sana ako, napatigil ako sa nakita ko.

"Uhm. Hi, Tan?" bati niya sakin. Wala siyang suot kundi yung boxers lang niya.

"Hi din... Ken." Sagot ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Bakit ayaw mo kong tingnan... Nakakalungkot naman." Sabi niya. Hindi ko alam kung anong itsura nya or kahit yung ginagawa niya pero ang alam ko, pacute pa din yung tono niya.

"Tingnan mo nga yang itsura mo. Try mong magsuot ng damit at pants baka tingnan pa kita." Sagot ko sa kanya. Kinuha ko yung Rayban ko at sinuot ito tsaka ako naglakad palabas.

After a few minutes, narinig ko siyang tinatawag ako. Kaya nilingon ko. Masama na nga ang first impression niya sakin, pasasamain ko pa ba lalo. Bihis na siya, and boy... he looks so adorbs and so cool. Ayan? Erase erase!

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya. Tinanggal ko na din yung sunglasses na suot ko kasi medyo rude sa part nya kung nakatakip yun sa mukha ko.

"I just wanna say sorry for everything that happened today. Sa pagiging mahangin ko kanina, and dun sa unexpected meeting natin sa CR. Promise I wasn't doing anything bad in there. Nagbibihis lang ako kasi pawis na pawis yung football uniform ko." Paliwanag niya. Deep inside natatawa ko kasi ang cute niya. Nagsosorry eh wala naman siyang ginawang mali. Well, bukod dun sa pagiging mahangin niya.

"Ok lang. Tsaka may sinabi ba kong may ginagawa kang masama sa CR kanina? Ikaw ha. Guilty ka." Natawa na talaga ako kasi di ko na talaga mapigilan. Ang sama naman ng tabas ng mukha ng isang to. Sobrang cute hindi ko kinakaya. Wait, I meant that in a good way ah.

"Wala nga! Tan naman eh." Ayan na. Nagpout na ang loko. Sabi na eh. I am so done. Namatay na ata ako.

"Ken naman ehhh." Panggagaya ko sa kaniya na naging dahilan ng pag tawa niya.

"Ang cute mo!" pisil nya sa pisngi ko.

"Aray naman! Hmp. Ewan ko sayo. Jan ka na nga." Kumunot na naman noo ko tsaka ko siya iniwan.

"At least let me take you home!" sigaw niya sakin.

Medyo nainsulto ako sa use of words niya. Kaya kahit alam ko kung ano ibig sabihin nun, aawayin ko siya. Kaya bumalik ako sa harap niya. [Insert evil laugh here]

"Hoy, Ken Anthony Co. Hindi ako 'martilyo, pako, ano tunog' na tipo ng tao. Kaya kung hindi ka na makapagpigil, magsolo ka na lang!" sagot ko sa kaniya habang sinasamaan ko siya ng tingin.

"That's not what I meant... I'm sorry." Umiwas siya ng tingin. Pero bumalik ulit yung tingin niya sakin at ngumiti, "Sabihin mo nga ulit pangalan ko." Request niya.

"Ken Anthony Co." Sagot ko.

"Ken Anthony mo?" bigla siya tumawa nang tumawa, ako naman nainis na kaya sinipa ko siya.

Reaching OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon