[Media: Fon Sananthachat as Aleli]
Pagkabukas ko ng pinto, sinalubong agad ako ni AJ na nakangiti. Mukhang may toyo tong lokong to. Kainis. Kaya ayun, my palm to his face. Tsaka ako tumuloy sa kwarto namin at nahiga sa kama ko. One room, two beds. Ganun ang drama namin ni AJ. Buti na lang talaga. Nakita ko siyang sumilip sa pinto kaya tumyo ako tsaka ko binalibag ng unan yung pinto tsaka ko siya sinigawan.
"Go away, AJ." Sigaw ko sa kaniya.
"Anong go away eh kwarto ko din yan!" pasigaw niyang sagot sakin sa may labas ng kwarto.
"K! Wag kang papasok, magbibihis ako." Sigaw ko ulit habang naghahanap ng damit sa cabinet ko.
"Okay! Hehe!" sagot niya. Ay putek, alam ko na mangyayari.
"Hoy! Alam ko yang tawang yan! Tantanan mo ko, AJ." Sabi ko habang mabilis na nagbibihis. Mahirap na baka pumasok pa to.
Pagkabihis ko, inilabas ko ng box yung cake na nabili ko tsaka ko sinindihan yung mga kandila. Sumilip muna ko sa labas para i-check kung nasa labas pa siya ng kwarto. Wala na, narinig ko siya sa kusina kaya kinuha ko yung cake at lumabas na ng kwarto. Nagdahan-dahan akong pumunta sa kusina habang buhat yung cake.
"Happy Birthday, AJ!" bati ko sa kaniya, full smile. Yung hindi pilit. Binaba ko yung cake sa lamesa tsaka inabot yung regalo ko sa kanya.
"Wow! Thank you, Baby Tan!" sagot niya tsaka niya ko niyakap ng mahigpit.
"Buksan mo na yan." Sabi ko sabay turo sa regalo na binigay ko sa kaniya.
"Nice idea, I like it." Sagot niya tsaka niya ko hinila papunta sa sala. Hawak niya sa isang kamay yung mga regalo at sa isa yung kamay ko. For a second, hindi ako nagalit sa kaniya. I didn't hold back. Siguro kasi sanay na ko sa kaniya since almost 2 years na kaming magkasama sa bahay.
Masayang binuksan ni AJ yung mga paperbag ng regalo ko sa kaniya. Inuna niya yung mga libro, sunod yung isa pa. Akala ko hindi niya magugustuhan yung libro, di ko inexpect na matutuwa siya dun. Tapos yung isa ko pang regalo... Well...
"Pano mo nalaman size ko?" seryoso niyang tanong sakin. Medyo kinabahan ako. Anong isasagot ko? Haaay.
"Lucky guess... I guess?" kinakabahan kong sagot.
"You didn't go through my stuff, right?" tanong ulit niya sakin. What's wrong with going through his stuff? Well, a lot of things.
"Hindi kaya! I bought that the last minute na. I wasn't really sure about the books kasi, so I bought that..." nahihiya kong sagot sa kaniya. Hindi yata ako makatingin ng diretso. Grabe.
"Tan, look at me. It's okay. I like it. In fact, I love it. Thank you for all of this." Sabi niya tsaka niya ko nginitian. Sa mga oras na yun, naalala ko yung AJ na nakilala ko dati. Yung AJ na nagpapalambot sakin.
"I'm glad you do." Sagot ko.
Hindi ko namalayan na hinahawakan ko na pala yung pisngi niya at magkalapit na yung mga mukha namin sa isa't isa.
"Tan, can I do this? Please? Hindi ko na talaga kayang pigilan sarili ko." Pabulong niyang tanong sakin. Ang bango ng hininga grabe!
Napabuntong-hininga na lang ako tsaka ako tumango. Wala nang paligoy-ligoy pa, go agad siya. Sabi nga ng Globe, "Go lang ng go!".
Hinalikan niya ko sa labi.
Hindi ko alam kung pano magrereact sa ganung sitwasyon pero hinayaan ko na lang siya. Hindi ko alam kung anong naisip ko't hinayaan ko siyang gawin yun. Pero sabi ko nga, desisyon ko yun at hindi niya ko pinilit. Hindi ako pumayag dahil lang birthday niya. Pumayag ako kasi... Okay fine aamin na ko. Pumayag ako kasi may konti akong feelings kay AJ. Oo nga't lagi ko siyang sinusungitan, pero that's just my way of keeping things. Naisip ko kasi na baka maging awkward sa aming dalawa kung malaman niya na may something ako sa kaniya, kaya tinago ko na lang and acted like a cold person.
BINABASA MO ANG
Reaching Out
Genç KurguSingle 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan naisip niya kung nababaliw na ba siya o normal lang talaga yun. Isang tanong ang magpapalinaw sa kanya ng lahat. Sumabay pa sa sakit ng ulo n...