[Media: Derek Klena as Sebastian Carson]
Seb was just standing there.
"My God, Seb. You reek of alcohol!" amoy na amoy sya. "What are you doing here, anyway? You did quite a good job ignoring me earlier."
"I wasn't-" sininok sya. Lasing nga. "Agh. I wasn't ignoring you."
Hinawakan nya ko sa balikat gamit yung parehong kamay nya tsaka nya ko tinulak papasok. Nasa gitna kami ng kwarto na nakatingin lang sa isa't isa.
"Tan, I'm-" may sasabihin sana sya. Akala ko masusurprise ako pero oo nga nasurprise ako.
SUMUKA SYA SA HARAP KO.
WALANGYA KA SEBASTIAN.
ANG SARAP MONG BUGBUGIN PERO DAHIL WALA KA NANG MALAY, WALA AKONG CHOICE KUNDI ASIKASUHIN KA.
Ihiniga ko sya sa kama ko. Tumawag ako sa housekeeping at nagrequest na magpadala ng maglilinis ng suka ni Seb at ng palanggana at towel na din para malinis ko tong gagong to. Hindi din nagtagal nung dumating yung naglilinis at naayos yung kwarto ulit. Hindi na din amoy suka. Talaga tong si Seb. Di na nagbago. Hinihintay ko din matapos yung housekeeping bago ko nilinis si Seb.
Nung umalis na sya. Sinimulan ko nang punasan si Seb. Start sa mukha, which is kailangan kasi puro suka talaga sya. Kadiri. Pero syempre tiis. Kaibigan ko to. When I was done, Napatingin ako sa damit nya. No choice ako. Kailangan ko palang tanggalin to. Dinahandahan ko yung pagbukas ng polo nya. Nung nasa gitnang butones na ko, hinawakan niya yung kamay ko.
"Seb, bear with me. I need to clean you up. You got puke all over me and the floor." I touched his face with my free hand.
Tumango naman siya. Sya na mismo yung naghubad ng polo nya. I sighed. I guess I do have to do this. Napatingin ako sa katawan nya, maganda naman. But ugh. CONTROL TAN!
Binilisan ko pag punas sa katawan nya tsaka ko sya tinakpan ng kumot. Pumunta ko sa banyo para sarili ko naman linisin ko. Nakakainis naman tong si Seb eh. Iinom inom tapos ako papahirapan. Anong problema nito.
Hindi ko tinabihan si Seb. Sa sofa ako natulog and surprisingly, hindi ako nakatulog. Usually kahit saan nakakatulog ako.
It's past 2AM but I'm still awake with nothing to do but read a book.
"Tan?" narinig ko. Napalingon ako kay Seb. "Why are you there? Why are you still awake?"
"I can't sleep." I smiled at him. Kahit medyo asar pa din ako.
BINABASA MO ANG
Reaching Out
Teen FictionSingle 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan naisip niya kung nababaliw na ba siya o normal lang talaga yun. Isang tanong ang magpapalinaw sa kanya ng lahat. Sumabay pa sa sakit ng ulo n...