Chapter 5 - PDA

121 3 2
                                    

[Media: New and Earth as Tan and Ken]

Umalis na ako ng school at dumiretso sa mall para puntahan si Ken sa dance studio. Hindi ko first time dun kasi madalas din kami dun dati ni Aleli. Hindi pa nga lang ako nababalik dun, until now. Pumasok lang ako sa loob at ayun, nakita ko siyang nagsasayaw. Wow. Magaling siya ha. Nahiya tuloy ang tagong dance skills ko. Lalo tuloy nagtago. Hindi rin nagtagal nung nakita niya ko. Lumapit siya tsaka niya ko niyakap. Niyakap. Niyakap niya ko. In public. Whaaaaaat.

"Wag kang mag-alala. Closed to. Walang ibang nakakakita kundi yung mga nasa loob lang." Bulong niya sakin.

"O... Okay." Yun lang yung nasabi ko kasi na-speechless talaga ako. Ano ba to. Unexpected naman masyado.

"Namiss agad kita!" excited niyang nasabi sakin.

"Weh? Agad agad? Eh parang one and a half hour nga lang tayo nagkahiwalay eh." Natatawa kong sagot sa kaniya.

"Eh syempre naman no. Gusto ko lagi kitang kasama." Pasweet niyang bulong sakin.

"Huuuu. Oo na. Oh sige, baka naaabala ko practice niyo." Paalam ko sa kaniya.

"You're leaving already? Wait for me, please?" paki-usap niya. Ang cute naman talaga nito. Sige na nga.

"Okay, fine. Pero bababa muna ko kasi kelangan kong bumili ng panregalo. I'll be back." Nginitian ko siya tsaka ako lumabas ng studio.

Let's see. Ano bang maganda pang regalo... Madami na naman siyang damit, puno din ng dvd yung lalagyan namin, pangit naman kung pagkain lang... Ah! Alam ko na!

Pumunta ako sa bookstore para ibili siya ng libro. Wala sa hobbies list niya ang magbasa kaya mapipilitan siya. Di ako matatanggihan nun no. Binilhan ko siya ng dalawang libro, isang self-help at isang fiction. Syempre yung personal favorite ko yung sa fiction. Para mas maappreciate niya. Malakas ako dun eh. Nag-ikot pa ulit ako para maghanap ng maidadagdag na regalo, and fortunately nakahanap ako.

Pagkabili ko, bumalik agad ako sa studio para tingnan si Ken. Hindi ko napansin na almost 2 hours din pala akong nag-iikot sa mall. Pagdating ko sa studio, nakita ko na nagpapahinga na si Ken sa gilid kaya nilapitan ko na siya.

"Hi. Kamusta?" tanong ko habang paupo ako sa tabi niya.

"Kapagod eh. Buti na lang nanjan ka." Sabi niya sabay kindat sakin.

"Yiiieh. Arte mo, Ken. Joke! Haha!" tawa ko sa kaniya.

"Yeah, right. Anyway, did you get everything?" tanong niya sakin habang nakatingin sa mga pinamili ko.

"Yep." Sagot ko sa kanya. "Wait. That reminds me. Bibili pa nga pala ko ng cake." Tuloy ko nung naalala ko na at least ibili si birthday boy ng cake. Late na nga akong uuwi, wala pa kong dalang pagkain. Baka palayasin ako ng wala sa oras nun.

"Sino ba yang maswerteng taong yan? On second thought, wag mo na sabihin. Baka masaktan lang ako." Pinunansan niya yung mata niya, para namang may tumulong luha. Pwede nang mag-artista.

"Arte mo talaga. Tara na nga." Pinisil ko yung pisngi niya tsaka ako tumayo.

Nag-alok siya na siya na daw yung magdadala ng mga pinamili ko pero kalahati lang yung binigay ko. Kahit na sinabi kong "prove yourself" at alam kong dapat ko siyang pahirapan ng slight, syempre nahihiya din ako. Kaya kalahati sa kaniya, kalahati sakin.

"Tan, we should eat dinner first." Sabi niya sakin.

"We will, kung mapapangako mo na hindi mo ako ililibre." Sagot ko naman sa kaniya. Hello, kailangan kong sabihin yun. Kahit na nasa type ko ang "may pera", ayoko ng lagi akong pinagkakagastusan.

Reaching OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon