Madaling-araw na nung nakarating ako sa unit namin ni AJ. Pagpasok ko, nadatnan ko siyang natutulog sa may sofa. Hinintay siguro ako nito. Kaya pumasok ako sa kwarto namin tsaka ko kinuha yung isa niyang unan at yung kumot niya. Nakaupo yung position niya ng pagtulog kaya hiniga ko yung ulo niya sa unan tsaka ko siya kinumutan. Pumasok na din ako sa kwarto namin at natulog na.
Martir na ata ang tawag sakin. Pwede na ata akong sumunod sa pagiging santo kay Pedro Calungsod. Pero hindi naman ako ganun kabait para maging santo no. Sabi nga ng iba nasa loob daw ang kulo ko. Uhm hello, lahat naman ng tao nasa loob ang kulo, may iba nga lang na mas pinipili na maging open.
Isang dahilan kung bakit hindi ko ineentertain si AJ, bukod sa pagkagusto ko sa kanya, eh yung side niya na sobrang green na minsan hindi ko kayang i-take. Nagkagusto ako sa kaniya dahil sa maraming bagay. Oo nga’t match si AJ sa type ko pero ni minsan hindi siya sumagi sa isip ko nung sinasabi ko kay Aleli kung anong type ko sa lalaki kung magkataon. Coincidence lang siguro na parang dinedescribe ko si AJ nung time na yun. Pero dumating si Ken, at match din siya. Kaya let’s say na hindi talaga si AJ yun. Okay?
I wasn’t really mad at AJ. It just took me at least 2 weeks bago ko siya kausapin talaga. Well I had to do something! Hindi ko siya pwedeng kunsintihin na bawat pagkakamali niya mareresolbahan agad ng sorry. Hindi lahat ng bagay pwedeng idaan dun. Kaya dapat natuto na siya.
In two weeks’ time din, napalapit na talaga ako kay Ken. Madalas ko siyang samahan sa studio tuwing may practice sila at everytime na uuwi ako, hinahatid na niya ko. I can’t say no, he’s pushing it.
To be completely honest about my feelings, I admit that it really is hard being caught between two things. Well in my case, caught between two people. I can’t hurt any of them. Konsensya ko na lang yun kung mangyari man. Pareho silang worth sa time ko pero... gaano ba ako ka-worth sa lahat ng binibigay nila? Yun lang yung lagi kong naiisip.
Caught between two people... I have feelings for AJ and I have a crush on Ken. Well, feeling’s a strong word. It can either be love or hate. But in AJ’s case, it’s both. Wait... So that means, I have a “love-hate” relationship with AJ? That’s close enough to being in an “on-off” relationship! Oh my God.
BUT! But, Ken is being patient about everything. Patuloy pa din siya sa panunuyo at pagiging sweet sakin. Sa totoo lang, nabobother ako na parang wala man lang problema yung mga ka-grupo niya kapag nagpi-PDA na kami sa studio. I’ll talk to Ken about that.
It’s Friday! TGIF! Last school day of the week! May klase ako with Aleli and AJ today. Lunch break at nasa canteen kami para kumain. Habang naghihintay kami sa pila para makabili, naalala ko yung napag-usapan namin ni Aleli two weeks ago nung nag-away kami ni AJ.
“That reminds me! AJ, please stop stalking me online. Seriously, it’s creepy.” Sabi ko tapos natawa naman si Aleli, si AJ napakunot na lang ng noo tapos nagpout.
“Not cute.” Napailing si Aleli nung nagpout si AJ.
“Aww... Cute kaya!” sabi ko tsaka pinisil yung pisngi ni AJ. Eto naman AJ, tuwang tuwa.
“Cute daw ako sabi ng Baby Tan ko! Yes!” sabi niya, medyo napalakas kaya napagtinginan kami.
“Uy ang ingay mo! Wag mo kong tatawaging ganun kapag madaming tao...” sabi ko kay AJ tsaka ko siya sinuntok ng mahina sa braso.
BINABASA MO ANG
Reaching Out
Teen FictionSingle 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan naisip niya kung nababaliw na ba siya o normal lang talaga yun. Isang tanong ang magpapalinaw sa kanya ng lahat. Sumabay pa sa sakit ng ulo n...