-TAN-
"Evan tinatanong pa ba yan?" narinig kong may nagsabi...
WHAT THE FOOK?
Nakatayo si AJ sa pinto. Tapos si Aleli biglang sumulpot sa likod nya, kumakaway pa. Kaloka. Tumayo din si Evan na masama yung tingin kay AJ.
Naglakad palapit kay AJ si Evan at nagtitigan silang dalawa. Medyo matindi kaya lumayo si Aleli at tumabi sakin. "Aron James." sabi niya. "Evan." naman sagot ni AJ.
"What's happening?" tanong ni Aleli sakin. I just shrugged, because after all these years wala pa din akong alam sa kung anong namamagitan kay Evan at AJ.
Tuloy pa din sila sa pagtitigan. Tapos... tapos... Nagyakapan sila habang tumatawa! Ha?! Anong nangyayari?!
"Guys, sorry kung ngayon ko lang sasabihin. Pero pinsan ko talag tong si AJ." pag-amin ni Evan samin. Magkaakbay sila sa isa't isa.
"And you didn't tell me that because?" tanong ko sa kanya. Nakataas yung isang kilay ko. Sumasakit ulo ko lalo sa mga to. Jusko!
"Mom and Evan's mom are sisters." sagot ni AJ. "That's why we don't have the same surnames." pagpapaliwanag nya.
"So you knew, that Tita died pero you didn't tell me?" tanong ko kay Evan, nakataas pa din yung kilay ko. Medyo inis na ko.
"I really want to, Tan! But AJ asked me not to tell you." sagot nito. Napatingin ako kay AJ, medyo masama yung tingin ko.
"And you told me you want me to know but you just don't know what to say?" tanong ko. Sasagot sana si AJ pero di ko sya pinatuloy. "Pero all this time alam pala ni Evan and he's dying to tell me?"
"Yeah, but Tan-" sasagot sana ulit sya pero di niya naituloy kasi sinampal ko sya. Nakita kong nagulat siya at nakatingin siya sakin na hawak yung pisngi nya na sinampal ko.
"Hindi lang ako malakas sumuntok, kaya ko din manpal. Tandaan niyo to. Don't push me." sabi ko tsaka ako nag walk-out. "Aleli let's go." tawag ko dito.
"Ha? Ah! Yes!" sagot ni Aleli tsaka siya sumunod sakin sa paglalakad papuntang kusina.
Naabutan namin si Ginny na kakatapos lang magtimpla ng juice sa pitsel. Humingin ako ng tubig, juice ang ginawa. Kaya pala ang tagal bumalik. Kumuha ako ng baso tsaka ako kumuha ng juice. Hinanap ko na din yung medicine box kasi sooooobrang sakit ng ulo ko. Pero nung tumayo ako, biglang nagdilim ulit yung paligid...
- - -
BINABASA MO ANG
Reaching Out
Teen FictionSingle 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan naisip niya kung nababaliw na ba siya o normal lang talaga yun. Isang tanong ang magpapalinaw sa kanya ng lahat. Sumabay pa sa sakit ng ulo n...