Months passed, hindi pa din nagsasawa si Ken na surpresahin at pasayahin ako sa bawat bagay na ginagawa niya. Napatunayan niya sakin na hindi ako nagkamali sa pagpili sa kaniya. Valentine’s Day ngayon at nasa school kami pareho. In fact, magkasama kami ngayon sa isang subject at katabi ko siya.
Nakikinig ako sa Prof at nagsusulat ng notes nang may ilagay siyang papel sa ibabaw ng notebook ko. Binasa ko yung laman at hindi siya nabigo sa gusto niyang mangyari. Kinilig ako. Kainis naman to eh. Namumula ako baka makita ko ni Sir mapagalitan pa ko.
“I will love you forever.
Happy Valentine’s Day, my baby.”
Napangiti ulit ako habang binabasa ko ulit yung sulat niya sa kapirasong papel na pinilas niya sa notebook niya. Kahit walang ka-effort effort yung papel, sumobra naman sa ka-sweetan yung message na laman nun. Kaya lalo akong nahuhulog sa taong to. Kumuha ako ng isang pirasong papel sa notepad ko at nagsulat ng sagot sa kaniya.
“Every day is Valentine’s Day when I’m with you.
I’ll love you in every single way I can think of.
Happy Valentine’s Day too, my baby.”
Napangiti ako, satisfied sa sinulat ko. Tiniklop ko yung papel tsaka ko nilapag sa desk niya. Kinuha naman niya agad iyon at binasa. Halata sa mukha niya na masaya siya kasi nakangiti at namumula siya tulad ng reaction ko kanina habang binabasa ko yung sulat niya.
Nung saktong lumabas yung Prof namin, nag-lean siya sa tabi ko tsaka nilapit yung bibig niya sa tenga ko. Naramdaman ko yung paghinga niya na medyo nakakiliti sakin.
“I have a surprise for you later.” Bulong niya sabay kindat nung nakatingin na ko sa kaniya.
“Ano?” tanong ko. Na-curious na ko eh.
“Surprise nga diba? You’ll find out later, baby.” Kindat ulit niya. Konti na lang dudukutin ko na mata nito. Ang gwapo kasi... haaaay.
“Is it safe?” tanong ko ulit. Sorry haaa? Di ko kasi talaga mapigilan magtanong.
“Safe na safe. Bumili nga ako ng protection kanina sa Convenience Store eh.” Seryosong sagot niya.
“Ha?! Ano sabi mo?” hindi ko alam kung namali lang ba ako ng rinig o ano eh.
“Walaaaa. Basta hihintayin kita sa labas ng room mo sa last subject mo tapos tuloy na tayo dun sa secret place.” Sagot niya sakin. Ang galing naman nito. Napatahimik niya ko. Siya pa lang ata yung taong nakatiis sa pangungulit ko.
BINABASA MO ANG
Reaching Out
Ficção AdolescenteSingle 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan naisip niya kung nababaliw na ba siya o normal lang talaga yun. Isang tanong ang magpapalinaw sa kanya ng lahat. Sumabay pa sa sakit ng ulo n...