Chapter 14 - Start With Something

41 1 0
                                    

Simula nung umalis ako sa SEU, sinusubukan na kong kontakin ni AJ. Si Ken naman nagsimula nung araw na binalik ko sa kanya yung mga dati nyang regalo sakin. Pero ayun, hindi ko sila pinapansin. Si Aleli nga lang ata kadalasan yung nakakausap ko. Nakakausap ko din naman sila Kathy, Mara, Adrian at yung iba pa naming kaklase. Di nga lang kasing dalas ng pag-uusap namin ni Aleli.

*ding!*

Oh look, another text from Ken.

*tweet tweet*

Oh now, another tweet from AJ.

Inuna kong tingnan yung text ni Ken.

From: Don’t Answer Me

                      Tan, please hear me out. I want you back.

 

 

Next, yung tweet naman ni AJ.

AJ Santos

@heyitsAJ

I’m really sorry @sunTANnedskin. Please come back.

 

Sawang sawa na ko. Hindi ba ko pwedeng mabuhay na hindi kinukulit ng dalawang to? Kaya ayun, tulad ng lagi kong ginagawa hindi ko na lang ulit sila pinansin. Hindi naman sa bitter ako or what. Pero yun lang talaga magagawa ko para madistansya yung sarili ko hanggang sa araw na kaya ko na talaga sila harapin.

Nasa may poolside kami ni Ginny nung biglang may nagsalita.

“There’s a party tonight at my friend’s house. Invite as many people as possible daw eh. So, what do you think? Do you wanna go?” Nakita namin si Kevin na papalapit samin.

“We’ll be there.” Sagot ko, sabay balik sa pagkakahiga tsaka pumikit ulit.

“We will?” tanong ni Ginny.

“Yep.” Sagot ko.

“Nice! But, seriously guys. Bakit di nyo ko ininvite dito?” sabi ni Kevin habang umuupo sa tabi ko.

“Gusto mo magswimming? Go lang!” sabi ko sabay ngiti sa kanya.

“Nah. I’d rather sit beside you.” Sagot ni Kevin. Napatingin samin si Ginny na nakataas yung isang kilay.

“Problema mo?” edi tinaasan ko din sya ng kilay.

“Sweet nyo kasi. Nakakahiya naman sakin.” I rolled my eyes.

“Ganun talaga, Ginny.” Sabi ni Kevin. Nagwink naman tong loko.

“Hay nako. Tigilan nyo nga akong dalawa ha. “ tumayo ako tsaka pumasok sa loob ng bahay.

As much as I like Kevin, hindi pa ko ready. Tsaka hello, kakakilala lang namin. Baka mamaya pinagtitripan lang ako nun. Kaya for now, sakay trip lang muna. Mahirap na umasa. Diba? Diba?

Oo, naka move on na ko kay Ken. Pero ayoko pa din maging involve physically and emotionally to someone hangga’t sure ako na may mapapala ako.

Ilang weeks na din nakalipas nung nagstart yung klase. I’m adjusting well naman. In fact, parang naka adjust na nga ako eh. I like everyone here, so far wala pa kong nakakainisan. Tapos na din ang klase ko for today kaya eto pauwi na.

I was waiting in line para sa jeep nung nakita ako ng kaibigan ko na taga dun din sa subdivision namin. Sa sobrang layo ng pagitan namin, pinasingit na lang niya ko sa pila kaya ayun instead na abutin ako ng ilang oras sa paghihintay ng masasakyang jeep nasakay ako sa jeep na sasakyan nila. The travel time is almost 1 hour. Sa loob ng isang oras na yun, daldalan lang kami nang daldalan ng tungkol sa kung anu-ano.

Malapit na kami sa babaan ng jeep sa may tapat ng subdivision namin nung may pumara. Tiningnan ko lang kung sino pero di din naman nagmamatter kasi isa lang kakilala ko dun sa jeep at kasama ko pa. AT DAHIL SA MAHABA KONG LEGS... BOOM AYUN! Nagkatamaan kami ng tuhod. Nakasandal naman ako kaya I didn’t see why at kung paano nangyari yun. Nagsorry ako pero nung pagkababa nya tiningnan nya ko and to be honest, hindi ko alam kung ngumiti ba sya o sinamaan ako ng tingin. Pero parang sinamaan nga ata ako ng tingin. Damn.

“Lagot ka.” Tukso ni Diane sakin habang tumatawa.

“Nagsorry naman ako eh!” sagot ko sa kanya.

Nung nakababa kami ni Diane ng jeep, naghiwalay din agad kami sa magkaiba kami ng phase pero hindi sya kalayuan sa entrance kaya hindi na din kami nag tricycle. Sayang pera, conserve energy, exercise! Haha!

Nawala na din sa isip ko yung mga nangyari kanina. 

Reaching OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon