Chapter 3 - A Chance

153 4 2
                                    

[Media: Earth Pirapat as Ken]

Magkaklase pala kami sa madaming subject, nun ko lang nalaman. Wala kasi ako masyadong alam tungkol sa mga kaklase ko. And besides, I don't wanna get too attached sa kanila since irregular student ako which means na wala akong permanent section at iba-ibang course at year level ang mga nagiging kaklase ko. Magkasabay kaming naglunch ni Ken sa canteen. Ang sarap pala niyang kasama, lalo na kapag hindi umiiral ang pagka mahangin niya.

"What do you wanna eat? This is my treat." Sabi niya, and of course nakangiti siya.

"Ha? Nakakahiya naman Ken. Ako na magbabayad ng sakin." Sagot ko. Nahihiya naman kasi talaga ako. Hindi naman kami ganun magkakilala tapos ililibre na niya agad ako. Pero, feeling ko ang daming alam nito sakin. Joke, nag-assume na naman ako.

"Anong hiya-hiya. Wag ka na mahiya sakin, please. In fact, gusto ko masanay ka na." Kumindat siya, nanginig na naman ang mga tuhod ko. Ano ba naman yan. "I insist." Tuloy niya.

"Well, okay." Wala akong nagawa kundi ngumiti na lang. "But I'm not letting you do this often ha. As much as I want to save up some money, ayoko ng sinasanay ako na lagi akong nililibre." Tuloy ko naman.

"Whatever you say." Sagot niya at ngumiti na naman sakin.

Naiwan ako sa table na nakuha namin, at siya naman pumila para makabili ng kakainin namin. Hindi rin nagtagal nung bumalik siya dala yung pagkain namin. Nilapag niya sa table yung tray at nakita kong pareho kami ng pagkain. Hindi ko nga pala nasabi sa kaniya kung ano gusto ko. Pero ok lang, gusto ko din naman tong nabili niya eh. Tsaka libre naman niya to, kaya wala ako sa place para magrequest or magreklamo.

Nahinto ako sa pagkain kasi naalala ko na kailangan ko nga palang itext si Aleli para manghiram ng notes sa isang subject ko. Habang nagtetext ako, narealize ko na huminto din sa pagkain si Ken kaya napatingin ako sa kaniya. Yung expression ko parang nagtataka or something.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kaniya.

"Kumain ka muna kaya. Text nang text eh." Sagot niya. Medyo sumungit yung tono niya. Kaya napakunot na naman ako ng noo. "Sino ba kasi yang tinetext mo at papagalitan ko." Tuloy niya.

"Bakit mo naman gagawin yun?" sabi ko pero hindi ko siya tinitingnan at patuloy pa din ako sa pagtetext.

"Kasi naiinggit ako sa kaniya dahil kahit na may importante kang ginagawa, nakakapagbigay ka ng time sa kaniya." Napahinto ako sa pagtetext at tumingin ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sakin, alam kong umiiwas to.

"Ha? Ang selfish mo." Yun lang nasagot ko pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.

"Selfish na kung selfish pero gusto kita eh. Masisisi mo ba ko?" sabi niya. Hindi ko alam kung paano magrereact, matutuwa ba ako or what. Alam kong kinikilig ako kay Ken pero... Parang sobra naman ata to.

"Nagseselos ka ba?" tanong ko sa kaniya. Sagutin lang niya yun, aayos na mood ko.

"Pano kung oo? Alam kong wala ako sa lugar pero oo eh. Nagseselos ako. Naiinggit ako. Kasi kapag iba kasama mo, feeling ko malaya ka. You're not holding back. Hindi ka mukhang masungit. As a matter of fact, mukha kang laging masaya. Eh kapag ako? Lagi kang nakasimangot, most of the time sinusungitan mo ko. Pero ayokong tumigil sa pangungulit sayo. Kasi kapag tumigil ako, that means sumusuko na ko. I can't accept that. Lalo na pag dating sayo." Natahimik ako sa mga sinabi niya. Hindi ko na talaga alam. Naguguluhan na ko. Hindi ako makangiti. Deep inside natutuwa ako kasi alam kong hindi ako naga-assume.

"I'm giving you a chance, Ken. Prove yourself." Nginitian ko siya tsaka ako nagsimula ulit kumain. Pagtingin ko sa kaniya, nakangiti na din siya habang kumakain.

"Thank you, Tan. That means so much to me. I could kiss you!" nagulat ako sa sinabi niya. Kaya napatigil na naman ako sa pagkain at napatingin sa kaniya.

"Subukan mo lang, tatamaan ka sakin." Seryoso kong sagot.

"Eto naman. I didn't mean it that way. Expression lang yun." Ha? Ay, okay. Pahiya pa ko ng ¼.

"Ah ganun ba? Hehe." Napatawa na lang ako, kaya ganun din ginawa niya.

"Tsaka, may tama na naman ako sayo eh. What more can happen?" sabi niya. Lechugas tong taong to. Kinikilig na ko. Ayoko na.

"Whatever, Ken." Tinawanan ko na lang yung sinabi niya. Ayokong masyadong magpahalata na gusto ko. Syempre kailangan medyo magpahirap muna diba?

Natapos na kaming kumain, kaya nagstay muna kami sa rest area habang naghihintay ako ng time para sa next class ko. Wala nang klase si Ken pero nag-insist pa din siya na samahan daw niya ko until mag 1:30 ng hapon, which is yung time ng next class ko. Wala naman akong magagawa kundi pumayag eh.

"Tan, may dance practice ako mamaya dun sa studio sa may mall. Nandun kami from 2:00 P.M to 5:00 P.M. Can you come?" tanong niya sakin. Hindi ko alam na nagsasayaw pala to. Akala ko athlete lang siya tsaka puro angas.

"Sure. I'll drop by later." Nakangiti kong sagot sa kaniya. Sumasayaw din naman ako, hindi ko nga lang tine-take seriously kasi mas priority ko ngayon ang pag-aaral. Sabihin na lang natin na hobby ko siya, that's it.

"Thank you talaga ha." Sabi niya. Naramdaman kong tumama yung kamay niya sa kamay kong naka lapag sa space na nagpapagitan saming dalawa sa bench.

"Wala yun no. I'm willing to make time naman, for you to prove yourself." Sagot ko. Lumalambot na ata talaga ako dito sa taong to. Ayoko muna sana kasi hindi pa ako sigurado sa kaniya. Pero mahirap eh.

This time, hinawakan na niya talaga yung kamay ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung hahayan ko lang siya o ipapatanggal ko sa kaniya. Pero...

"Ken..." tawag ko sa kaniya.

"Oh?" sagot naman niya habang nakangiti sakin.

"Baka may makakita." Sabi ko. Nahihiya ako. Hindi dahil sa kaniya pero nahihiya ako kasi hindi ako sanay ng ganto. Hindi ako sanay na may ka-holding hands. Hello! 17 years na magulang, kapatid at best friend ko lang nakakahawak sa kamay ko tapos ngayon... Ano ba! Mahirap i-explain, okay?

"I get it. You're still not ready. Sorry, excited lang siguro ako." Inalis niya sa pagkakahawak yung kamay niya sa kamay ko. Understanding naman pala siya eh. Akala ko mahihirapan ako sa kaniya. Kaya ayun, nginitian ko na lang siya. "Uy, it's almost 1:30. Tara, hatid na kita sa room niyo." Change topic si Kuya. Haha! Pero, oo nga 1:30 na.

"You don't have to. But if you insist, but I know that you will, oh sige. Tara na." Nginitian ko siya tsaka kami naglakad papunta sa CBA building.

Nakarating na kami sa room ko, na nasa 4th floor pa ng building. Naghagadan lang kami, kasi ayaw ni Ken. Ewan ko dun sa lalaking yun. Hinatid lang niya ko sa may pinto ng room ng next class ko tsaka siya nagpaalam na pupunta na siya sa dance studio para sa practice ng grupo niya.

"Taaaaaan!" may bumati sakin pagkapasok na pagkapasok ko ng room. Niyakap niya ako tsaka ako inakabayan habang naglalakad kami papunta sa upuan namin.

Reaching OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon