[Media: New Thitipoom as Tan]
Kasalukuyan kaming nasa field ng school namin, nanunuod ng mga football players na nagpa-practice nang tinanong ako ng kaibigan ko ng isang tanong na kahit kailan hindi ko pa naisip.
"Dude, kung magkakagusto ka sa kapwa mo lalaki... Anong hahanapin mo sa kaniya?" tanong niya. I admit, I was surprised.
"Ha? What do you mean?"sa totoo lang, hindi ko talaga siya naintindihan.
"Slow mo, panira ng moment. Sabi ko... Teka nga. I-justify natin. Anong type mo sa lalaki? I mean, kung magkakaron ka man ng gusto sa kapwa mo. Seryoso ha. Kapag di ka nakasagot, ililibre mo ko." Sagot niya sakin. Mukhang mapapasubo ako dito ah. Sige na nga, sasagutin ko na.
"Well... For one, he must be taller than me. Money's a must, so check that. The looks are... let's just say hindi siya optional nor a must. Siguro, bonus na lang yun. Since the personality wins me over naman, I'd love it if he has a sense of humor. Not too less and not too much, yung tama lang. He has to be smart din no! A ride is optional." Sagot ko. Natawa siya, kaya napakunot ang noo ko. Sarap sapakin nito ah. Kung di ko lang to kaibigan eh.
"Dude! Type pa lang yan ah! Ang demanding mo naman. Kaya NGSB ka eh. Kahit nga siguro boyfriend mahihirapan ka maghanap!" tawa siya nang tawa. Konti na lang hihilahin ko na buhok nito eh. Baliw talaga.
"Aba! Eh ikaw tong nagtanong, sumagot lang ako. Alam mo namang mataas ang standards ko sa mga bagay-bagay." Natawa na din ako, kaya pareho kaming mukhang tanga doon sa field.
Ako nga pala si Tan Andre Bernardo, 17 years old at isang Business Administration student. Sa totoo lang, nun ko lang naisip ang mga type type na yan, dahil wala naman talaga yan sa mga priorities ko. Pero since natanong na ng bestfriend ko, nag-isip na ko.
Speaking of bestfriend, siya nga pala si Marianne Aleli Castro. Mas matanda siya sakin ng isang taon at isa din siyang Business Administration student tulad ko. Sa sobrang close namin, halos lahat ng nakakakita saming dalawa aakalain magsyota kami. Pero hindi talaga, kaya pinagtatawanan na lang namin sila. Minsan nga napagtripan namin yung mga kaklase namin sa isang subject na pareho naming kinukuha at pinaniwala namin silang kami talaga, edi ayun nauto namin sila. Nakakatawa kaya yung araw na yun. Kaya kapag nakikita nila ako sa labas ng room nila, sasabihan agad nila ako na palabas na daw si Aleli, etc. Nakakatuwa no? Hahaha!
So ayun nga. Mula nung tinanong niya ko nun kanina, hindi na ko mapakali. Nagsimula sa pasulyap-sulyap hanggang sa marealize ko na halos maikot na ng paningin ko yung buong field ng school. Hindi naman sa nagmamadali pero, oo aaminin ko madaming cute, madaming match sa type ko na matangkad, cute, gwapo, mukhang mayaman, pero parang ang hirap naman kung ganun lang yung pagbabasehan ko diba?
Habang nanunuod ako ng game at nagfafangay naman tong si Aleli sa mga koreano niya, oo fangay kasi aakalain mong bakla sa sobrang ganda niya at sa mga galaw niya, may nakatayong lalaki sa di kalayuan samin. Hindi ko alam kung nakita siya ni Aleli pero ako oo. All eyes! Jusko Lord! Anong kasalanan ko sa iyo at pinapahirapan mo ko ng ganito! Nakatingin siya sakin at nakangiti. Nginitian ko din siya pero nawala yun nung dumapo ang tingin ko sa katawan niya. Lechugas! Hindi ko na kaya to. Gwapo, matangkad, at maputing hindi pilit.
"Looking so hot, I think that I might fall..." napabulong ako ng lyrics ng isang kanta. Lumapit siya samin at umupo sa tabi ko.
"Ano sabi mo?" tinanggal ni Aleli yung isang earphone at nagtanong sakin. Pasalamat ako't nakuha ko ang atensyon nito kahit saglit.
"Wala. Tuloy mo lang yan." Sagot ko tsaka ko nilagay ulit sa tenga niya yung earphone.
"Sige. Uy, dun lang ako kila Kathy ah." Sabi niya at naglakad papunta sa iba naming mga kaibigan, sa may rest area na nilagay para sa mga studyanteng walang klase.
Paglingon ko, nakita ko nakatingin pa rin yung lalaki sakin at nakangiti. Kaya napakunot noo ko at tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kunwari di ako namamatay deep inside.
"Hindi ka ba napapagod sa pag-ngiti? Kanina ka pa ah." Sabi ko sa kanya. Kunwari di ako affected sa ngiti niya. Dadaan ako sa simbahan bago umuwi. Ang dami ko na atang kasalanan. Nasungitan ko pa to. Mag bagong buhay na kaya ako. Pakabait na ko haha!
"Ikaw, hindi ka ba napapagod?" tingnan mo to, tinanong ko na nga tanong din ang sinagot sakin. Sarap upakan nito ah.
"Ha, bakit naman? Eh kita mong naka-upo ako." Lalo tuloy kumunot noo ko. Gustong-gusto ko na siyang sipain eh. Nababadtrip na ko.
"Eh kasi kanina ka pa nakatingin sa gwapo kong mukha at maganda kong katawan." Nilapat niya yung kamay niya sa parte ng katawan kung saan makikita ang abs tsaka siya tumawa.
"Ang kapal din naman ng mukha mo no? Sinisira mong araw ko. Ayos ka na sana eh. Bwisit ka lang pala talaga." Sinimulan ko nang ayusin ang gamit ko ng padabog at naglagay ng earphones sa tenga ko nang bigla niya kong pigilan. Tiningnan ko siya ng masama kaya binitiwan niya ko. Sabi nga nila, nakakatakot daw ako tumingin ng masama kaya daw minsan ang first impression sakin ay masungit. Hindi naman ako ganun eh, sadyang cold lang talaga ang labas ko minsan. Short-tempered din ako kaya mabilis akong ma-bad mood.
"Uy teka. Joke lang naman. Sorry na oh. Ako nga pala si Ken Anthony Co. You're Tan, right?" Pacute niyang sabi at ngumiti ulit siya sakin. Hindi ko alam kung anong problema nito at panay ang ngiti.
"Yes, I'm Tan..." sagot ko sa kaniya. Hindi pa din ako ngumingiti kasi badtrip pa din ako.
"I know. Magkaklase tayo sa P.E class dati." Gagong to. Alam naman pala, nagtanong pa.
"Ahh... Di ko matandaan." Sagot ko sa kaniya. Medyo matipid, alam ko. Pero nagpapawala lang ako ng inis. Mamaya lang wala na yun no.
"That's because I didn't approach you back then." Sabi niya. Nakatingin na siya sa mga ibang naglalaro sa field. Pero nakangiti pa din.
"Obviously." Matipid kong sagot. Syempre nga naman, pano ko siya makikilala kung hindi niya ko kinausap ever, until now no.
"Kahit na gustong gusto kong magpaturo sayo nung routine na tinuro ni Ma'am. Kahit na gustong gusto kong makipag-kaibigan sayo. Kahit na..." napatingin siya sakin. Hindi na siya nakangiti. Yung normal na itsura na lang ng isang tao kapag hindi sila nakangiti or nakasimangot.
"Kahit na ano? Bakit hindi mo ko in-apporoach kung gustong gusto mo naman pala." Sagot ko. Pag-uwi ko hahanapin ko P.E class pictures ko.
"Natakot kasi akong baka i-reject mo ko." Sagot niya tsaka siya ngumiti ulit.
"Reject agad? Hindi ba pwedeng pumayag muna kong turuan kita? Hindi naman kasi ako masungit eh. Siguro nagpadala ka sa mga naririnig mo. Major turn off." Sabi ko tyaka ako tumayo at pumunta sa mga kaibigan ko ng hindi nagpapaalam sa kaniya.
Pag-upo ko sa tabi ng mga kaibigan ko, napatingin ako sa kinuupuan namin kanina. Nandun pa din siya. Napansin ko lang na nagkakamot siya ng ulo at effortless ang pagkakaupo. Yung facial expression niya, di maipinta. Di din nagtagal eh tumayo na siya at umalis. Nakasama na din ako sa pinag-uusapan ng mga kaibigan ko kaya nawala na siya sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Reaching Out
Teen FictionSingle 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan naisip niya kung nababaliw na ba siya o normal lang talaga yun. Isang tanong ang magpapalinaw sa kanya ng lahat. Sumabay pa sa sakit ng ulo n...