"I can't believe you guys started without me!" may narinig akong nagsalita as I was picking out some sushi. Napatingin ako at nabitawan ko yung caterpillar roll na kinuha ko with my chopsticks.
"AJ..." yun na lang yung nasabi ko habang tinitingnan ko yung lalaking nakatingin sakin.
"What's up, Bernardo?" he said and casually sat beside me. BAKIT BA WALANG TUMABI SAKIN KANINA?!
Pinandilatan ko si Ken at Aleli. Na napangiti na lang ng pilit. Mamaya tong dalawang to sakin.
To: (Group) Ken Pangit, Best Aleli
We'll talk later!!!
Napansin ko na pareho nilang tiningnan yung mga cellphone nila kaya alam kong nakuha nila yung message at nagkatinginan silang dalawa. Tama yan, kabahan kayo. Nako.
"Talk about what?" narinig kong sinabi ni AJ. Napalingon ako sa kanya tsaka ko sya tiningnan ng masama.
"It's none of your business, Santos." I said and sipped my Manhattan.
"Chill, I was just asking." natawa sya at umupo ng pa-chill. Yung braso nya naramdaman kong pinatong nya sa sandalan ng inuupan ko.
Sinenyasan ko si Aleli na umalis kami. Tumayo ako at sumunod naman sya. Sumunod din si Ken samin. Dumiretso kami sa bar at dun umupo muna. Dala ko yung Manhattan na inorder ko kanina.
"So, sinong mageexplain sakin kung bakit nandito si AJ?" tanong ko sa kanilang dalawa. Then I finished my Manhattan off. Kinuha naman agad ng bartender yung glass. "I'll take a Cosmo." sabi ko sa bartender.
"Uhm..." simula ni Ken.
"Uhm what?" I eagerly asked.
"Tan... AJ is still part of the group. Remember, I told you na everyone is coming." Aleli explained.
Huh... Oo nga no. Ako pala yung wala sa lugar ako pa yug galit. Geez, Tan. Take a chill pill. Everyone has moved on and AJ seems like a new person na. 10 minutes with me and he hasn't uttered a single perverted word.
"Give him a chance, Tan." sabi ni Ken. "You gave me one." tuloy nya.
"It's unfair if you don't." sulsol naman ni Aleli.
"I guess so. Everyone does deserve a second chance." sabi ko sa kanila tsaka ko inubos yung cosmo na binigay ng bartender ng isang inuman lang. That was so good! "Mojito, please." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reaching Out
Teen FictionSingle 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan naisip niya kung nababaliw na ba siya o normal lang talaga yun. Isang tanong ang magpapalinaw sa kanya ng lahat. Sumabay pa sa sakit ng ulo n...