AWC: Not So Ordinary Day

10.3K 161 0
                                    

Maaga akong nagising kaya naisipan kong ako ang maghahanda ng breakfast ngayong umaga. Dahan dahan akong bumangon para di magising si Drake, tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa'kin at tumayo na para mag ayos muna bago bumaba.

Sinabihan ko ang ilang kasambahay na ako ang magluluto, di naman sila pumalag at hinayaan nalang nila ako ang kumilos sa kusina. Tawagan ko nalang daw sila kung may kailangan ako. Tumango lang ako at umalis na rin sila.

Nagsimula na akong maghanda ng mga lulutuin ko ngayon. Naisipan kong gumawa ng pancake. Nagluto rin ako ng bacon, ham & scrambled egg at special fried rice para sa agahan namin. Tapos na rin ako sa pagtimpla ng kape namin pareho kaya hinanda ko na ang mesa at saktong pagkatapos ko ay bumaba na si Drake.

Let's eat?
Aya ko sa kanya ng makalapit na siya sa kinaroroonan ko.

Good morning.
Bati niya bago ako hinalikan sa sentido ko nang nakangiti at inalalayan akong umupo. 

Ngumiti lang din ako at nag umpisa ng kumain. Siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko, pinigilan ko nga kaso ayaw paawat kaya di nalang ako nagreklamo pa.

Ikaw nagluto nito lahat?

Hmm. Yeah.

Thanks.

Your welcome.

Mamaya sa dinner ako naman ang magluluto.

You sure?

Yes.

Okay, ikaw bahala.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain bago ko naisipang magtanong pagkaraan.

May pasok ka diba?

Oo.

Ba't parang di ka ata nagmamadali?
Napansin ko kasing malapit nang mag 8 pero di pa siya nakapang'opisina.

Di ako papasok ngayon.

Why?

Sasamahan kita buong araw.

You don't have to, Drake. Isa pa marami kang trabahong dapat gawin.

Pero gusto kong samahan ka ngayon, gusto kong makasama ka. Kaya please, let me?

Haynako, Drake. Ewan ko sa'yo.

Sige na, babe.

Hays. Bahala ka na nga.

Yes! Salamat, babe.

Stop calling me babe, Drake.

But why? Diba yan naman tawagan natin before.

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon