AWC: First Night Of Being Together Again

11.6K 220 0
                                    

Pagkatapos ni Cyanna lumabas sa banyo ay ako ang pumalit sa kanya. Mabilis lang ang pagligo ko dahil di naman ako masyado pinawis kanina kaya ayos lang.

Sa paglabas ko ay wala ang asawa ko sa kwarto kaya nagmadali ako sa pagbibihis para hanapin ito. Papalabas na sana ako ng pinto nang maisipan ko na baka nasa may veranda lang at nagpapahangin. Agad naman akong naglakad patungo roon at di nga ako nagkamali dahil andun ito, nakatalikod.

Dahan dahan akong nagtungo sa kinaroroonan nito at yumakap mula sa likuran dahilan para magulat at manigas ito sa kinatatayuan.

"Drake.."

"Hmm?" Maang-maangan ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Niyayakap ka."

"Alam ko pero bakit?" Takang tanong nito sa akin.

"Sshh.. Hayaan mo lang ako, okay? I miss you so much." Bulong ko sa kanya.

Hindi naman na ito nagreklamo pa at nanatiling tahimik nalang.

"Hindi mo ba ako namiss?"

Di ito sumagot kaya nagsalita muli ako.

"Babe," Pagtawag ko.

"Tsk. Hindi."

"Kahit minsan?"

"Oo." Diretsahan nitong sagot na nagpakirot sa aking puso.

"Bakit naman?"

"Ewan."

"Wala talaga kahit konti manlang?" Pangungulit ko pa.

"Wala."

Sakit.

Dahil sa sagot ng huli ay unti unti kong tinanggal ang pagkakayakap sa rito.

"Sige, matulog na tayo."

Nag-umpisa na akong maglakad nang hinawakan nito ang aking kamay kaya natigil ang paghakbang ko sana at dumapo ang mga mata ko sa kamay naming dalawa.

"Oo, na." Naguluhan naman ako sa sinabi nito kaya napakunot ang aking noo.

"Oo na. Namiss din kita." Mahinang pahayag nito ngunit kahit ganun di parin nakaligtas sa pandinig ko ang mga iyon.

"Ano?" Kunwari hindi ko narinig.

"Sabi ko wala."

"Okay." Naglakad na uli ako kaya lang napahinto ulit dahil sa binanggit nito.

"Aishh. Sabi ko namiss din kita. Ayan siguro naman narinig mun----" Di ko na ito pinatapos sa pagsasalita at agad sinunggaban ang labi nito. I gave her a sweet and passionate kiss. Nagulat ito sa ginawa ko pero kalaunan ay gumanti rin sa aking halik.

"I miss you so much.." Sabi ko pagkatapos kung bumitaw sa paghalik rito.

Nakatitig lang ako sa mga mata nito nang sinabi ko yun habang nakahawak naman ang isang kamay ko sa pisngi nito.

"I miss you too.." Sambit naman nito na may kasamang ngiti.

"You don't know how happy I am right now."

"Drake, marami nang nagbago. Baka hindi ako ang rason kung bakit ka masaya ngayon. Baka mali ka lang---"

"No. I know what I am talking about at alam ko ring ikaw talaga ang dahilan ng kaligayahan kong ito, wala nang iba pa."

"Pero alam natin pareho na ang kung ano tayo ngayon ay iba sa kung anong meron tayo noon. At hindi na ulit maibabalik ang dati." Saad nito sabay iwas ng tingin.

"I know. Pero I still have a chance to explain naman right? Please let me explain everything back then and let me prove to you that I can turn things better this time than before, just give me a chance and trust me. Okay?" Hayag ko rito nang may pagsusumamo

Hindi ito sumagot kaya kinabahan ako.

"Cyanna.."

"I'll try, Drake. But I can't promise that I can give you a chance and trust you again that easily afterall that had happened." Tugon nito na tinanguan ko

"I understand. I can wait if that's what it takes for me to have a chance on proving myself to you, but I will still explain to you all the things that happened in the past."

Isang tipid na ngiti lang ang naging sagot ko kay Drake bago siya inayang pumasok na sa loob upang matulog.

Nakatalikod ako sa kanya habang nakahiga samantalang siya naman ay nakayakap sa bewang ko sa likod. Hindi ko na pinuna ang pagkakayakap niya, hinayaan ko nalang para makatulog na rin.

"Good night, babe." Bulong niya na nagpataas ng balahibo ko dahil sa hininga niyang tumatama sa balat ko.

"Good night." Sambit ko bago tuluyang nagpatangay sa antok.

Masaya ako sa nangyayari ngayon saming dalawa ng asawa ko. Alam kong mahirap para sa kanya na maging ganito lalo na't di naman madali kalimutan ang nangyari sa nakaraan pero gagawin ko ang lahat para mabalik ang dati naming magandang pagsasama. Ipapaliwanag ko ang mga nangyari noon at sana pagkatapos ng pagpapaliwanag ko ay may maganda itong kalalabasan. Mahal ko si Cyanna pero di pa ito sapat para bumalik agad kami sa dati. Alam ko kaya para sa kanya handa akong maghintay para maging maayos ulit kami. Susuyuin ko siya ng paulit'ulit kung kinakailangan.

Dahil sa mga naisip ko ay napangiti ako at napatingin sa asawa kong mahimbing na natutulog sa aking tabi.

"I love you, babe. Mula noon hanggang ngayon." Mahinang sabi ko rito.

Alam kong di iyon narinig dahil tulog na ito pero di bale na basta nasabi ko ang aking nararamdaman, solve na ako.

After that, nakatulog na rin ako habang yakap-yakap ang aking asawa.

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon