AWC: Awkwardness

3.8K 82 0
                                    

Drake's POV

      Isang linggo na rin ang dumaan na hindi kami masyadong nag-iimikan ni Cyanna. Sinusubukan ko rin ang ilayo muna ang sarili ko sa kanya, space kumbaga. Gabi na rin ako kung makauwi sa bahay namin dahil sa parati akong busy sa kompanya lalo na't nagpaplano na naman kaming magbukas ng panibagong branch ng aming hotel sa may Quezon City. Sa opisina na rin ako kumakain ng agahan dahil sa mga kaliwa't kanan kong meetings. Kaya di ko nakakain ang mga niluto ni Cyanna kada umaga, I know na nagtataka siya kung bakit di na ako kumakain ng agahan sa bahay dahil sa pagkakaalam niya sa akin ay ako yung taong di umaalis ng di nakakain o wala man lang laman ang tiyan. Maybe she's probably thinking na umiiwas ako sa kanya which is half true naman kasi umiiwas nga ako but not to the point na pati effort niya sa paghahanda ng makakain sadyang di ko na talaga magagawa yung nakasanayan ko dati dahil sa mas lalong nagiging marami ang ginagawa kong trabaho pero nakakatulong din ito para ilayo muna ang sarili ko sa mga bagay na makakapagbigay lang sa akin ng maling pag-asa. I love her. I really do kaya natitiis ko ang ganito kahit mahirap kinakaya ko dahil alam kong ito ang gusto niya.

-   -   -   -

      Maaga na naman akong nagising kaya maaga na naman akong papasok sa kompanya. Ganito na palagi ang routine ko every morning, sa opisina na nga ako kumakain ng breakfast dahil sa maraming kailangan gawin na tila di matapos'tapos. Nadatnan ko na naman si Cyanna na naghahanda na ng mesa. Aalis na sana ako kaso tinawag niya pangalan ko kaya napahinto ako't nilingon siya.

Ahmm. Kain ka muna. 
Mahina niyang saad ngunit narinig ko parin naman

Hindi na, nagmamadali kasi ako.
Tanging sagot ko nalang

Ganun ba?
May himig lungkot niyang sabi

Tumango lang ako at nag-umpisa na ulit maglakad.

Teka!
Pigil niya na ikinalingon ko uli

Ah, ano. Magbaon ka nalang, maghahanda lang ako sandali.
Dugtong niya

Wag na Cy, sa opisina nalang.
Pagtanggi ko

No! Sandali lang 'to.
Sigaw niya na nakapagpataas ng kilay ko

You don't have to do that, Cy. I can manage myself.
Pahayag ko naman

I know. But, palagi ka nalang sa opisina nag-aagahan. Alam kong umiiwas ka sa akin pero pati ba naman sa pagkain dito sa bahay iiwas ka rin? C'mon Drake --

What are you talking about?
Takang tanong ko sa mga sinasabi niya

Don't deny it, umiiwas ka diba? I can sense it.

Oo! Umiiwas nga ako. Happy?! But it doesn't mean na pati pagkain dito sa bahay ay iniiwasan ko dahil hindi yun totoo. Marami akong trabaho sa opisina, kaya maaga akong umaalis dahil sa marami rin akong meetings na kailangan puntahan. We are planning to have another branch of hotel at Quezon City kaya madalas gabi na ako umuuwi. Hindi ko 'to sinasadya kung yan ang iniisip mo. Umiiwas nga ako at alam kong iyon ang gusto mo.
Galit kong pahayag

I'm sorry.

I'll go ahead.
Paalam ko nalang

Wait, ito baon mo.
Pigil niya sa akin habang inaabot ang isang paper bag kung saan niya nilagay ang pagkain

Thanks.

Nasa may pinto na ako nang magsalita ulit siya.

I'm sorry, Drake.

Di na ako nagsalita pa at piniling umalis nalang nang tuluyan.

Nakarating pa rin ako sa kompanya ng maaga kahit na medyo inabot ako ng traffic. Tinapos ko munang pirmahan yung mga di ko natapos kahapon atsaka nagdesisyon na kumain na muna ng agahan bago umpisahan pa ang ibang trabaho.
Halos hindi na ako kumain ng tanghalian dahil sa tambak na mga papeles sa mesa ko. Gutom at pagod ang naramdaman ko pagkatapos ng board meeting na naganap kaya I asked my secretary to buy me food to eat kahit pang snack lang just to feed my stomach. Ginawa rin naman agad ni France ang sinabi ko kaya't nag-antay lang ako ng ilang minuto sa loob ng opisina ko.

8:30 nang gabi na ako nakauwi kaya't inakala kong nasa kwarto na si Cyanna pagdating ko ngunit naabutan ko ito sa sala nanunood ng isang palabas. Marahil napansin niya ang pagbukas ko ng pintuan kaya lumingon ito sa gawi ko. Tinignan niya lang ako saglit saka binalik uli ang atensiyon sa kanyang pinapanood. Tinungo ko na rin ang hagdan para pumunta muna sa kwarto at magbihis.

Kumain ka muna.
Biglang saad ni Cyanna sa akin habang ang mga mata ay nasa tv nakatuon

Bihis lang ako.

Okay.
Batid niya habang tumatango

Nagquick shower lang ako at nagbihis na din ng pantulog tsaka naisipang bumaba para kumain ng hapunan. Dumiretso na ako sa kusina at naghanda na para kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng pumasok si Cyanna para kumuha ng juice sa ref. Inaya ko itong kumain pero tumanggi siya.

Tapos na ako kanina.
Maikling sagot niya na ikinatango ko lang

Pagkatapos nun ay lumabas na siya at naiwan ako sa may kusina na kumakain. I don't know why pero palagay ko ay nasasaktan siya sa pag-iwas na ginagawa ko sa kanya. Maybe I'm assuming or what. Ewan.

Tinapos ko lang ang pagkain tsaka umakyat na ulit para magpahinga na. Hindi ko na siya naabutan pa sa may sala marahil umakyat na rin ito at natulog.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at nahiga sa kama habang iniisip ang nangyari kaninang umaga.

Cyanna's POV

      Dapat masaya ako dahil hindi ako mahihirapang umiwas na kay Drake dahil ito mismo ay umiiwas din sa akin ngunit di ganun ang naramdaman ko kanina matapos niyang kumpirmahin na iniiwasan nga niya ako. Tila ang bigat sa pakiramdam ko at hindi ako nasisiyahan. Ang gulo. Di ko na alam.

      Natulog nalang ako at pilit kinalimutan ang nangyaring usapan namin kaninang umaga. Pagod din ako dahil marami rin akong inasikaso kanina sa opisina, isa pa ay nag-umpisa na din kanina ang photoshoot ko para sa isang commercial na gagawin. Bukas naman ay isang endorsement ng bagong perfume na gawa ng isang sikat na perfume company ang gagawin ko. Kaya halos hindi na rin ako makakain ng maayos pagdating sa MBS, bumabawi nalang ako sa agahan kaya palagi akong nagluluto bago umalis ng bahay. Matapos lang lahat ng mga nakasched kung appointments tsaka gawin sa MBS ay magtitake muna ako ng short vacation para makapagrelax man lang kahit papano at para na rin makapag-isip'isip. Mabuti rin siguro kung lumayo muna ako para makaiwas sa awkwardness na pumapalibot sa paligid sa tuwing nasa iisang lugar lang kami ni Drake katulad nalang sa naging usapan namin kanina. Halatang pareho kaming di komportable sa isa't isa.

Mabuti na nga lang at busy rin ako para kahit papano man lang ay di ko maisip ang mga bagay'bagay patungkol sa aming dalawa. Pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon naming ito. Siguro magandang ideya kung magbakasyon muna ang isa sa amin para makapag-isip ng mga susunod na gagawin. Akala ko sa pagbabalik ko ay madali nalang tapusin ang lahat sa amin dahil sa matagal na rin na panahon ang lumipas ngunit hindi pala dahil sa puntong ito alam ko, nararamdaman ko pareho lang kaming nasasaktan. Minsan naisip ko na mas mabuti siguro kung hindi ako bumalik at pinagpatuloy ko nalang ang buhay ko sa ibang bansa. Pero alam kong kahit gaano pa katagal bago ako bumalik ay kailangan pa din namin ng closure at ganito pa rin ang mangyayari sa amin. Hindi ko maitatanggi na minsan naiisip ko rin na kung hindi sana nangyari yun dati siguro ngayon masaya kaming dalawa kasama ang mga anak namin na noon pa namin pangarap magkaroon. Siguro natupad na ang pangarap namin na magkaroon ng masaya at kompletong pamilya ngunit may mga bagay na kahit di mo gustong mangyari ay nangyayari talaga. Mahirap, masakit pero sa huli kailangan mong magpakatatag at indahin ang lahat hanggang sa tuluyan na itong mawala. Naniniwala akong sa huli mananaig parin ang kasiyahan laban sa kalungkutan. Kailangan lang siguro muna naming pagdaanan ang mga ito sa ngayon para makamit namin ang kaligayahan na gusto namin. Sana nga at matagumpay namin itong malampasan pareho.






🌸🌸🌸🌸

"Hangga't may pag-ibig, may pag-asa"

     

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon