AWC: Baby

4.4K 102 7
                                    

Hi to, valrenzo & chiarinamae👋
This one's for you guys😊 Hope ya enjoy! Keep on reading.

Drake's POV

Walang kasing saya ang nararamdaman ko ngayon. Wala na akong mahihiling pa bukod sa sana maging masaya kami mag-asawa kapiling ang aming anghel hanggang sa huli. Napupuno ng tuwa ang puso ko ngayon dahil sa regalong inibigay sa akin lalo na't sa asawa ko ng Panginoon. Hanggang sa sandaling ito ay hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong ama.

Kanina ng nasa loob pa kami ng OR habang hawak'hawak ko ang anak namin matapos itong linisin ng mga nurse at doctor na umattend sa panganganak ng asawa ko ay hindi ko mapigilan ang mapaluha nalang matapos kong masilayan ang mukha nitong kay gandang titigan. Kahit kailan hindi ko malilimutan itong araw na ito. Habang nasa bisig ko ang anak namin ay hindi ko maiwasang tignan ang dahilan kung bakit may isang munting anghel ako ngayong hawak. Maganda na ito noon pero mas lalo atang gumanda ngayong isa na itong ina. Lalong nadagdagan ang pagmamahal na meron ako para sa kanya ng mabuntis siya at tumindi ng iniluwal niya ang anak namin dalawa. Sa ngayon sobrang umaapaw ang kaligayahan na meron ako at alam kong ganoon rin ang asawa ko.

Dahil sa matinding pagod ay nakatulog ito matapos masulyapan ang anak namin ng ilagay ito sandali sa may dibdib niya. Nakita ko ang kislap ng pagmamahal na bumalatay sa maganda nitong mga mata ng tignan ang naging bunga sa aming pag-iibigan. Isang matamis na ngiti ang nakaukit sa mapupula nitong labi habang unti'unting ginupo ng antok.

Bago paman ito nalipat sa isang private room ay nilinis muna ito ng ilang nurses habang ako naman ay nakabantay lang sa tabi nito. Kinuha muna ang anak namin at dinala sa NICU para masigurong walang kahit na anong problema sa bata pero mamaya ay pwede rin itong dalhin na sa room na ookupahin ng asawa niya.

Natawagan na rin niya ang mga magulang nilang dalawa ni Cyanna para ipaalam rito na nanganak na ang asawa. Pati mga kaibigan nilang dalawa ay tapos na rin niyang tawagan. Batid niya ang saya sa boses ng mga magulang niya pati na rin ng kanyang mga in-laws ng marinig ang ibinalita niya kanina.

Really? Oohh.. Can't wait to see my apo. Congrats, son!
Saad ng ina niya

His mommy Tahlia knows that he really want to have a child with Cyanna kaya naman labis ang lungkot na nadarama nito before ng malaman na umalis ang asawa niya at nagpaplano ng makipaghiwalay sa kanya. Hindi naman ito nagalit kay Cyanna bagkus siya pa ang pinagalitan at tinanong kung ano ang nangyari kaya naman dahil gusto rin niyang may malabasan ng nararamdaman kaya ikwinento niya sa kanyang ina. Nagalit ito noong una pero kalaunan ay sinabihan din siyang mas mabuti daw munang hayaan niya si Cyanna para makapag-isip at kung matatagalan ay dun daw siya dapat gumawa ng hakbang. Kaya ganun ang ginawa niya. Ang mommy Shaye naman ni Cyanna ay inintindi ang sitwasyon nilang mag-asawa at sinabihan lang siya na pag-usapan nilang dalawa ang problema para maayos dahil lahat daw ng problema o hindi pagkakaintindihan ng mag-asawa ay nadadaan daw sa isang maayos at mabuting usapan. Dahil dun ay medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil akala niya magagalit na sa kanya ang pamilya ng asawa ngunit naging maintindihin ang mga ito sa sitwasyon nila na lubos niyang ikinaginhawa.

Thanks, mom.

Anyway, bibisita kami riyan ng daddy mo.
Pagbibigay-alam nito

That's good to hear, mom. Matutuwa ang asawa ko panigurado.
Sabi niya

Me too, son. I missed Cyanna matagal'tagal rin kami hindi nagkita dalawa.
Wika ng ina

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon