AWC: He's being distant

4K 93 2
                                    

Gaya ng sabi niya sa room namin (before) ako natulog at siya ay sa kabilang kwarto. Mabuti na rin tung setup para madali para sakin ang umiwas sa kanya. Maaga akong nagising gaya ng nakaugalian kaya ako na mismo ang nagluto ng mga pang almusal namin, di pa siya bumababa kaya ng matapos ako sa lahat ay kumain na rin ako at nagpasyang umakyat na after para maghanda na papuntang MBS. Madaling paghahanda lang ang aking ginawa, I just wore a Red Sleeveless Mock Neck Peplum Hem Burgundy Sheath dress matched with my Black Strappy Sandals Suede Stiletto and had my simple makeup on then I'm ready to go. Kinuha ko lang ang Prada bag ko sa ibabaw ng kama atsaka lumabas na agad ako sa kwarto.

Sakto lang ang pagdating ko sa MBS dahil nadatnan ko na agad ang mga staff ko na busy na sa kani'kanilang ginagawa kaya dumiretso na din ako sa loob ng opisina ko para simulan na ang mga panibagong disenyo na naisipan kong gawin. Mahigit kumulang apat na oras ko rin ginuhit ang lahat ng mga bagong set ng mga damit kaya nagdesisyon muna ako na magpahinga saglit bago magpatuloy pa sa iba ko pang gagawin. It took me 2 hours to take a short nap and after, I decided to have my lunch dahil pasado alas dose na rin. Naging busy na ulit ako pagkatapos.

Isang katok ang nakapagpatigil sa aking ginagawa ngunit di agad ako nagsalita rito kaya naman hinintay ko munang magsalita ang kung sino mang nasa labas ngayon.

'Miss Cy, si Chloe po ito.' Pagbibigay alam nito

Come in, Chloe.

'Good afternoon po Miss Cy, I just want to tell you po na ngayon niyo po kailangang puntahan ang telahan po natin dahil sa may mga hindi pa po dumating na kagamitan'. Magalang nitong pahayag

Ooh, I almost forgot. Thank you, for reminding me Chloe. Pupunta ako ngayon dun, I just have to finish this first. Sagot ko sa kanya atsaka ngumiti

Okay po, Miss Cy. I'll go ahead na po.
Pagpapaalam nito

Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya bago nagpatuloy sa aking ginagawa kanina.

After everything been settled, lumabas na din ako sa opisina ko at pumunta na sa telahan ng MBS. Di naman yun masyadong malayo, maybe it would took me 15 mins drive to be there. Mabuti nalang at natapos ko nang maaga ang lahat ng kailangan kong matapos dahil maaga rin ako makakapunta dun.

Ilang sandali lang naman ang nilagi ko sa telahan dahil kinausap ko lang ang tagapangalaga roon patungkol sa mga na delayed na tela at nang masiguro na maidedeliver din ito ngayong linggo ay umalis na rin ako para umuwi na.

It's been a very tiring day for me pero okay lang naman dahil passion ko ito ang magdisenyo ng mga damit at iba pang kasuotan ng tao. Pagkarating ko sa bahay ay agad na akong naglinis ng katawan upang makapagpahinga man lang kahit saglit.

Drake's Side

Pagkagising na pagkagising ko kaninang umaga ay wala na akong naabutang Cyanna sa bahay tanging mga niluto lang niyang agahan ang nadatnan ko sa dining area. Masakit para sa akin ang ganito kaming dalawa pero maybe tama lang rin 'to a space from each other. Naging busy ako sa opisina kaya ginabi na akong makauwi sa bahay, alam kong nandito na siya dahil sa nakabukas na lahat ng ilaw kaya pinasya ko nalang na dumiretso sa tinutuluyan kong kwarto upang magbihis at makapagluto na rin dahil tingin ko wala pang nakahain sa mesa dahil sa pagod din ito at nagpapahinga sa silid niya.

Mabilis lang ako nakapagluto ng hapunan namin, dalawang putahe lang, pork adobo at four season. Mabuti nalang talaga at may alam rin ako pagdating sa pagluluto para may katuwang si Cyanna kahit papano. Agad ko nang hinanda ang mga ito sa dining table atsaka pinasyang puntahan nalang ito para imbitahang kumain na ngunit bago palang ako makaakyat ng hagdan ay natanaw ko na itong pababa.

Let's eat, nakahanda na ang mesa. Anyaya ko sakanya

You cooked?

Yes.

I'm sorry nakatulog kasi ako di ko na namalayan pa ang oras gabi na pala di tuloy ako nakapagluto. Batid niya

It's okay, alam kong pagod ka kaya no worries I can cook naman.

Kahit na, alam ko ring pagod ka. Babawi nalang ako sa susunod. Saad niya naman

Okay. Plain kong sagot

Cyanna's Side

Pareho kaming tahimik habang kumakain nang hapunan, tila walang may gustong mag-umpisa ng usapan. Wala rin naman akong maisip na sasabihin kaya nanatili nalang akong tahimik at marahil ganoon rin siya kaya hanggang sa matapos kami ay wala paring ni isang nagsalita.

Ako na mismo ang nagligpit ng mga kinain namin total siya naman ang nagluto kaya ako nalang ang magliligpit at maghuhugas ng pinggan. Di naman na siya kumontra kaya nagawa ko agad, nakita ko lang itong papuntang sala para siguro manuod ng palabas sa telebisyon. Ako naman ay malapit ng matapos sa paghuhugas. Inayos ko na rin ang mga hinugasan ko at inilagay ito sa tamang lalagyan pagkatapos ay sinigurado ko munang malinis na ang kitchen bago nagpasyang umakyat na pabalik. Nang nasa silid na ako ay napaisip ako at ang naisip ko ay si Drake. Nababaguhan ako sa kanyang kinikilos dahil di siya ganun dati, na tatahimik lang. Because the Drake I've known was talkative & makulit pero ngayong gabi ay hindi siya ganun. I'm thinking that maybe it's because of what happened yesterday during our talk. Siguro nga umiiwas na rin siya sa akin dahil sa mga sinabi ko na malabo na ang maging kami ulit. Nasaktan ko siya at nalulungkot ako sa isiping iyon ngunit ito siguro ang makakabuti sa aming dalawa sa ngayon. Ang umiwas sa isa't isa.



🌸🌸🌸🌸

"Di porket umiiwas wala ng pagmamahal. Minsan ito ang kailangan para puso'y protektahan at maiwasan ang mas lalong masaktan"

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon