AWC: Alagang Cyanna (Part 2)

4.2K 87 0
                                    

Kinabukasan ay late akong nagising kaya naman hindi ko napagluto ng agahan si Drake. Imbis na walang gawin dahil di naman ako pupunta ngayon sa MBS ay naisipan ko nalang na hatiran siya ng lunch sa office niya mamaya total it's 10 o'clock pa naman kaya I still have time to prepare tsaka gusto ko ring bisitahin siya. Hmm, I'm making moves na talaga huh? Kinacareer ko na ang pagiging wifey ngayon😉 Anyway, let's stop it here dahil maliligo na muna ako bago magluto.

Nahirapan pa ako nung una kung anong susuotin ko but then pinili ko nalang yung komportable ako tsaka yung alam kong di makakabawas ng ganda ko😏 If you want to know my
outfit nasa taas lang siya☝😊

After makapagbihis at lahat na, bumaba na ako at tumungong kusina para ihanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto. I've decided na sinigang na baboy ang lulutuin ko for him, madali lang siya at isa sa mga paborito niya rin. Gumawa rin ako ng cookies tsaka cupcakes na din for his snack. I've made sure na masarap talaga ang mga ginawa ko. Tingnan lang natin kung di ka pa mahumaling sakin ulit, Drake. Gaya ng sabi ko kahapon, gagawin ko ang lahat for you.

Dahil sa walang naging problema sa pagluluto ko kaya natapos ko ito ng maayos at ngayon ay inilalagay ko na sa isang tupperware ang sinigang at sa isang maliit na plastic container naman ang cookies at cupcakes, nalagay ko na rin ang kanin sa lalagyan, dinamihan ko na dahil sasabayan ko siya sa pagkain at sigurado akong madami ang makakain niya later kaya nagdala na ako ng marami. Nilagay ko lang ang mga ito sa isang paperbag at ready to go na ako.

Matapos mailock ang bahay ay agad na akong pumunta sa garahe para sumakay sa kotse, pinatong ko lang sa passenger seat ang paperbag atsaka pinaandar na ang sasakyan palabas. Malaking tulong ang pagkakaroon namin ng hi-tech na gate dahil di na kailangan bumaba para buksan at sirhan awtomatikong bumubukas ito pagmay sasakyan na dumating isa man sa amin ni Drake at sumasara din pabalik. Buti nalang at may nag-imbento ng ganun!

After 15 mins of driving, nakarating na rin ako sa kompanya. Agad akong binati ni manong guard pagkapasok ko palang at nang nasa tapat na ako ng receptionist ay binati rin ako nito at ng iba pang empleyado sa loob. Kilala nila ako dati pa dahil sa naibalita ang kasal namin dalawa ni Drake noon at dahil na rin sa parehas maimpluwensya ang mga pamilya namin. Isa pa ay naipakilala na ako mismo ni Drake sa lahat ng nagtatrabaho dito bilang asawa niya. Sa lahat ng pagbati nila sa akin ay ginantihan ko lang ng tango at isang ngiti bago nagtuloy'tuloy sa elevator na magdadala sa akin sa floor kung saan ang office ni Drake. Dahil ako lang rin naman mag-isa ang nakasakay kaya mabilis ko lang narating ang opisina niya, sinalubong naman ako ng secretary niya.

'Good Noon po Mrs. Lagdameo'
Magalang na bati nito sakin

Tumango lang ako at tinanong siya kung nasa loob lang ba si Drake.

'Yes ma'am, nasa loob lang po si sir.'
Sagot naman nito

Okay, thank you.
Batid ko sabay ngiti sa kanya

Nginitian lang rin niya ako at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin si Drake na busy sa ginagawa sa mga papeles na nakalagay sa mesa niya dahilan upang di niya mapansin ang presensya ko. Tumikhim nalang ako para makuha ko ang atensyon niya.

Ehem.
Bungad ko na nakapagpataas ng ulo niya mula sa pagkakayuko

Gulat ang rumihestro sa gwapo niyang mukha ng makita ako. Well, sino bang hindi magugulat eh di naman ako nagagawi na dito sa opisina niya, ngayon lang ulit matapos ang matagal na panahon.

Ahm. Hi.
Sabi ko

What are you doing here?
Takang tanong niya sakin

I brought you lunch & snack tsaka binibisita kana rin.
Simpleng sagot ko habang may matamis na ngiti sa aking labi

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon