AWC: Pictures

1.6K 45 3
                                    

Nasa bahay lang ako ngayon kaya naisipan kong dalhan si Drake ng lunch. Nagluto ako ng afritada at lumpiang shanghai para sa kanya. Naisipan ko ring gumawa ng cupcakes as dessert.

Bago palang naman nag'alas dyes kaya matatapos ko ito ng hindi pa tanghalian.

After I prepared all the ingredients, I started cooking. Buti nalang may nabili akong giniling na karne noong pumunta kaming S&R kaya pwede akong gumawa ng lumpia. Mabilis lang rin naman gumawa kaya nailuto ko rin ito sa isa pang kawali. Medyo mahina lang ang apoy para hindi masunog agad ang wrapper. Nang makapagluto ng sampu ay pinatay ko na din ang apoy. Konting minuto nalang naman at maluluto na din ang afritada kaya hinalo'halo ko muna ang mga sangkap sa gagawin kong cupcakes.

After 3 minutes luto na ang afritada. Inoff ko na ang stove at hinayaan na muna ang ulam dun sa nilutuan ko. Sinimulan ko naman nang ilagay ang mga nakamixed ng ingredients ng cupcakes sa lalagyan saka pinasok sa oven. Nagset ako ng time kaya pwede ko siyang iwanan.

I went upstairs to take a bath and to prepare as well.

Napaliguan ko naman na si Cyke kanina kaya bibihisan ko nalang pagkatapos ko.

Madali lang akong natapos at nagbihis rin agad.

I wore a pale pink Zara dress na below the knee na pinaresan ko ng pulang sapatos. I did my makeup and curled the lower part of my hair. Nilugay ko lang ang buhok. Nagsuot na ako ng maroon na earrings to complete my look saka nagpabango. Nilagay ko na muna lahat ng dadalhin kong gamit sa maroon na LV sling bag ko bago ko kinuha sa crib si Cyke at binihisan.

Naka black polo ito na may magandang disenyo na ininsert ko sa puting shorts. Itim na sapatos naman ang suot nito sa paa. Inayos ko muna ang buhok nito bago sinukbit ang sling bag sa balikat.

Kinuha ko ang paper bag sa may sala kung saan ko nilagay ang mga pagkain. Naisipan ko rin kasing doon na din kami kumain ni Cyke para sabay kami sa daddy niya.

Palabas na kami ng bahay ng makatanggap ako ng email sa phone ko. I stopped on my track when I saw what was the email all about. I gritted my teeth knowing the sender of it. Kahit kailan talaga.

Imbis na manatili nalang sa bahay at wag nang ituloy pa ang lakad ay hindi ko ginawa. I made my decision already kaya pupuntahan ko pa din si Drake.

Hindi na ako gaya ng dati na basta'basta nalang nagdedesisyon ng di iniisip ang ilang bagay.

Pumunta agad kami ng garahe at sumakay sa Genesis G70 na nakaparada roon. I made sure na maayos si Cyke sa likod bago umikot at pumasok sa driver's seat.

Kalmado lang akong nagmamaneho patungo sa kompanya. After minutes of driving ay pinark ko na sa basement ang kotse saka bumaba kasama si Cyke. We rode an elevator that will bring us directly to the floor where the office of Drake is located.

Mabilis lang din kami nakarating at binati kami agad ng kanyang secretary nang makita kami nito.

Is he inside?
Tanong ko rito ng nakangiti

Yes, mam.
Sagot nito

Bago pumasok ay tinignan ko muna ang suot na relo at nalamang 12NN na.

You should eat your lunch. It's already 12. Saad ko pa sa secretary nito bago ko buksan ang pinto

He nodded at me.

I knocked three times before opening the door.

Pagpasok ko ay siyang taas ng mukha ng asawa ko.

I gave him a smile and held one of Cyke's hand to wave at him. I saw him smiled with what I did.

Tumayo siya at sinalubong kami. He gave me a quick kiss in the lips before giving our son a kiss on the forehead.

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon