AWC: Continuation of Iwas Operation

4.1K 87 0
                                    

Gumising ako ng maaga para makaiwas na naman kay Drake. Dahil marunong naman ako magluto ay ako na ang naghanda ng iaalmusal ko pati na rin sa kanya. Simpleng agahan lang naman, pancake w/ maple syrup on the top, bacon, sunny side'up at ginisang kanin. Nagtimpla na rin ako ng orange juice kung sakaling di niya bet magkape ngayon. So, yan tapos na ako kaya inayos ko na lahat sa mesa at mauuna ng kumain para makaalis ako kaagad.

Mabilis lang naman akong kumain sakto at di pa siya nagigising kaya susulitin ko 'to. Pagkatapos kong iligpit ang aking pinagkainan ay umakyat na ako sa taas para maligo at makapagbihis na rin. I need to be in the office early kahit di naman. Alam niyo na para makaiwas nga. Matapos lahat ay nagmadali na akong umalis.

Naging maganda naman ang takbo ng araw ko lalo na ang pag iwas ko sa kanya kaya masaya ako so far.

Bandang 3pm ng makatanggap ako ng text galing sa kanya na nagsasabing may pupuntahan daw kami, tinanong ko kung saan sabi niya surprise daw kaya naman nagdahilan ako na di ako pupwede dahil may mga tatapusin ako but sadly, nagpumilit siya kaya pumayag na rin ako baka kasi makahalata kung ang dami kong dahilan na sasabihin di bale iiwas pa rin ako pero yung slight lang para alam niyo na😉

So, ayun sinundo niya ako sa MBS at iniwan ko nalang ang dala kong kotse kanina sa may parking lot ng area.

Tahimik lang ako habang nilalakbay namin ang patungo sa lugar kung san kami pupunta na di ko alam. Ganun lang ang byahe namin tahimik ako habang nakatanaw sa may bintana at siya naman ay seryoso sa pagmamaneho. Pero sadya yatang ayaw niya ng tahimik na byahe kaya,

Ba't ang aga mo kanina? Di mo man lang ako ginising. Nagtatampo niyang sabi

May kailangan kasi akong tapusin ng maaga sa office tsaka I need to make another set of new designs for this upcoming month. Pagsisinungaling ko naman

Kahit na, you should've atleast wake me up. I hate to wake up in the morning kung san wala kana sa tabi ko.

Okay, sorry. Plain kong sagot

Promise? Parang bata niyang tanong

I can't promise, Drake.

Why is that? Nakapout niyang sabi

Stop pouting Drake, you're not a kid anymore di bagay sayo.

I won't stop doing it unless you promise. Pagmamatigas niya

Drake. May himig galit na saad ko sa kanya

No.

Bahala ka diyan. Balewala kong pahayag

Nasa ganoon akong moment ng hawakan niya bigla ang kaliwa kong kamay na nasa lap ko lang, sa bigla ay napalingon ako sa kanya.

Please, babe? I know childish siya but sana naman pagbigyan mo ako. Malungkot niyang saad

Mataman ko siyang tinignan at ng makita kong seryoso din talaga siya ay tumango na rin ako.

Really?

Oo, na.

Yes! Thank you, babe. I love you. Masayang sabi niya sabay halik ng mabilis sa aking labi

Ako naman ngayon ay naiwang tulala dahil sa halik na 'yon, nagising lang ako ng marinig ko siyang sumasabay sa kanta na ngayon ay pumailanlang sa stereo ng sasakyan, di ko man lang namalayan na nagpatugtog na pala siya.

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya tinangka ko ng bumitaw ngunit hinihigpitan lang niya. In the end, hinayaan ko nalang rin.

Matagal ang naging byahe namin, kalaunan ay tila pamilyar sa akin ang daan kung saan kami tutungo. Di nalang ako umimik at hinintay na makarating kami para dun ko siya tatanungin.

Nang makarating kami ay agad siyang bumaba para pagbuksan ako. Nang makalabas at makita ang lugar ay napatingin ako sa kanya na masayang tinatanaw ang paligid.

Drake. Tawag ko

Yes, babe?  Sagot niya na nanatiling nakatalikod sa akin kaya lumapit ako sa kanya at tumabi

Ba't tayo andito?

Ayaw mo ba?  Tila nag-aalala niyang tanong

No, I was just thinking of a reason why we're here.

May naaalala kaba? Diba dito tayo unang nagdate kasi mahilig ka sa mga Sunflower at ng malaman ko iyon ay naghanap ako ng lugar kung saan may mga tanim na ganun kaya ng mahanap ko ito ay dito kita dinala para sa unang labas natin dalawa bilang tayo. Naaalala mo paba lahat ng yun, yung mga tawa natin, kulitan at kung anu-anong pinag-uusapan ng araw na iyon? Dahil sa akin malinaw pa ang lahat at kahit kailan nakatatak na yun sa isipan ko.

How could I ever forget that one kung isa iyon sa mga masasayang sandali nating dalawa? Isa yun sa dapat tinitreasure & that's what I want to do to treasure it forever. Nakangiti kong pahayag sa kanya habang inaalala ang mga sandaling iyon.

Kaya dinala kita dito para balikan ang mga yun at ulitin natin ngayon. Batid niya na nilingon ako

Ulitin?

Yes, I want to do it again here babe. A date with you.

Seriously, Drake?

I'm dead serious, babe.

Dahil sa sagot niya ay natahimik ako at di na nagsalita ulit.

Paano ko siya maiiwasan ngayon kung ganun ang gusto niyang mangyari? Maybe I should talk to him about what I want between us. Kailangan kong mag ipon ng lakas ng loob para klarohin sa kanya kung ano kami at pag usapan na ang nangyari sa nakaraan.

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon