AWC: Sweet Gestures

4.8K 99 1
                                    

Halos hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa sobrang antok ko pa. Pinaidlip lang ako ni Drake kagabi ng isang oras at makalipas ay nagising rin dahil sa ginagawa niyang paghalik'halik sa likod ng tenga ko at sa mga kamay nitong naglulumikot sa pagkababae ko. Di ko mabilang kung nakailang rounds pa kami kagabi hanggang kaninang madaling araw basta't ang alam ko lang ay pasado alas kuwatro na kami natapos dala ng pagod at matinding antok ay tumigil na rin si Drake sa ginagawa. Tinupad nga nito ang sinabi kagabi na babawi siya sa limang taon na nasayang dahil sa halos hindi ito tumigil hanggang sa napagod na ito at nakatulog. Napangiti nalang ako ng maalala ko ang masarap at puno ng pagmamahal na pinagsaluhan naming dalawa kagabi pati kanina. Talaga nga namang hayop pagdating sa sex ang asawa ko at proud ako dahil ako lang ang nakakaranas o makakaranas ng iyon mula sa kanya.

Nakapikit pa rin ang mga mata ko ng maramdaman kong gumalaw ito sa tabi ko at hinigpitan pa lalo ang pagkakayapos sa akin. Umikot ako paharap rito at yumakap sa matipuno nitong dibdib. Ramdam ko ang parehong hubad namin na katawan sa ilalim ng comforter at lalo na ang gising na gising na pagkalalaki nito na nakadikit sa may kaliwang hita ko (morning erection ika nga). Hindi ko nalang binigyan pa ito ng pansin at natulog nalang ulit.

Mga pasado alas dose na ako nagising ng maramdaman kong kumukulo na ang aking tiyan dahil sa gutom. Unti'unti akong bumangon sa kama upang pumasok sana ng banyo para maghilamos at magsuot na rin ng damit ng hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay napaupo ako ulit dahil sa matinding sakit at hapdi ng aking pagkababae. Di ako halos makakilos ng mabuti dahil sa kirot na nararamdaman ko sa tuwing sinusubukan kong gumalaw paalis ng kama kaya imbis na magpumilit ay nakasimangot nalang akong sumandal sa headboard ng kama at hinintay na pumasok si Drake sa kwarto.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto sa silid at bumungad sa akin ang topless kong asawa na tanging boxer short lang ang suot sa katawan habang may dala'dalang tray na puno ng pagkain. Nakasimangot pa rin ako ng tumingin ito sa akin na may magandang ngiti sa labi ngunit ng makita ang itsura ko ay agad rin napalitan ng pagkunot ng noo ang mukha nito at mababakas ang pagtataka.

What's wrong, babe?
Malambing na tanong nito sa akin matapos mailapag na nito ang tray sa bedside table at makalapit

Masakit ang ibaba ko. Hmmpp! Kasalanan mo 'to eh.
Wari naiinis na wika ko sa kanya

HAHAHA. Akala ko pa naman kung ano na yun lang pala.
Tatawa'tawa nitong saad na mas lalong kinainis ko

Anong yun lang, ha?! Mahapdi ang pagkababae ko na halos kumilos man lang kahit papano ay masakit na ni hindi nga ako makatayo ng maayos dahil kumikirot sa tuwing sinusubukan ko tapos ganoon lang ang sasabihin mo sa akin? Kasalanan mo 'to kung nakakalimutan mo.
Mataray kong pahayag

Easy, babe. Chill lang wag highblood, okay? I know ako may gawa niyan pero diba sabi ko naman sayo kagabi habang ginagawa natin yun na hindi kita titigilan hangga't hindi kana makakalakad. So, dapat hindi kana sumimangot diyan dahil kagabi palang alam mo na ang mangyayari sayo ngayon tsaka isa pa nasarapan ka naman sa ginawa natin buong magdamag right? Kaya smile kana diyan dahil pinagluto kita ng isang masarap na agahan este pananghalian na pala dahil late kana nagising. Ihahanda na rin kita ng isang maligamgam na tubig panligo maya'maya para naman mabawasan ang sakit diyan sa ibaba mo. But, I'm not sorry for what happened to you babe dahil hinding'hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit sayo yan at mas lalong hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko sayo. Kaya kumain kana dahil lalamig na ang mga iyan o di kaya'y susubuan nalang kita? Okay, I'll feed you nalang. Pambawi ko na rin sayo.
Mahabang sabi nito sabay bigay sa akin ng isang matamis na ngiti

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon