Chapter 23 ~ Kidnap

99 3 0
                                    


Sumuka ako sa sink at huminga ng malalim. Grabe naman. Pangalawa ko nang suka ito at kailangan ko na talagang malaman kung may sakit ako. Pero sabi ni Ethan, posibleng buntis ako. Pero totoo nga ba? Baka nga.

Nagulat ako nang may makita akong pregnancy test na nasa taas na lalagyanan. Kinuha ko iyon at tiningnan, hindi pa pala nagagamit. Triny ko iyon at nagulat ako.

Positive. Buntis. Talaga. Ako.

Hindi ko akalaing nakabuo kami! Shit! Pero hindi ko pinagsisihan.

Nilinis ko yung sink at lumabas na ako ng cr. Kumuha ng baso mula sa table na nasa gilid, at binuksan ang fridge at nagsalin ng tubig at ininom iyon.

Saka ako napatingin sa phone ni Ethan dahil tumutunog iyon. Kinuha ko iyon at nagulat dahil number lang iyong tumatawag, at may message pa. Buti nalang at nalaman ko ang password dahil sinabi niya sakin yun nung isang araw. Sinagot ko iyong tawag.

"Hello, Ethan? Please help us! We're imprisoned! Kasama ko ngayon si Tita sa kulungan right now. Tulungan mo kaming makawala dito! Ayoko na dito!"

Napangisi ako nang marinig ko na boses pala iyon ni Scarlett. Napatingin ako kay Ethan na natutulog na ngayon at topless pa. Jusko! Topless oh.

"Hey! Ethan! Sagutin mo ko! Tulungan mo kaming makalabas dito!"

Hindi ako sumagot at nakinig parin.

"Sagutin mo ko Ethan! Please! We really need your help!"

Aha. So hindi nila alam na si Ethan ang nagpakulong sa kanila? Hah. Dapat lang sa kanila yun, masyado nila kaming pinahirapan ni Ethan.

Am I being bad? Tama lang 'yun sa kanila.

"So hinahanap mo na pala yung EX-fiance mo?" I said and I smirked, as if she can see me doing that.

"Avery?" Bakas sa tono ng pananalita niya ang gulat dahil ako ang sumagot sa tawag pero number ni Ethan.

"Oo naman, ako ito." sabi ko at ngumisi ulit, at tumingin kay Ethan na natutulog parin sa kama.

"Anong gagawin mo kay Ethan?! Are you harassing or raping him?! Kailangan namin si Ethan dito at arghhh! I swear, kapag nakuha ko siya sa'yo ay hinding-hindi ko na siya ibabalik sa'yo!"

Uminit ang dugo ko. I gritted my teeth dahil sa sobrang inis. "Gaga! Anong rinarape at hinaharass? Hinding-hindi ko gagawin kay Ethan 'yun. Tanga ka ba? Anong tingin mo sa akin, rapist? Seriously, bitch?"

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "Oo, mukha kang bitch rapist. Hinding-hindi ka talaga madadala 'no? Ako nga talaga ang mahal ni Ethan! Dapat dito talaga siya mag-iistay sa amin! Dapat ikakasal na kami pero um-extra ka lang!"

"Edi wow. Push mo yan, Scarlett. Kahit anong gawin mo hindi mo magagawang pigilan si Ethan na mahalin ako. Okay?" plain na sabi ko. Bruhang 'to! Na-realtalk ko na nga nung past few days, hindi pa rin natauhan. Bitch talaga, hindi papatalo!

"Makikita mo talaga, makakalabas rin kami dito! Magdudusa ka! Ak-"

"Ma'am, akin na po yung telepono, kailangan na pong ibalik." ani lalaking boses. Siguro yung isa sa pulis, kinukuha na yung telepono.

"Tigilan mo ko! Kailangan ko pang makausap ang bitch na 'to! Alam kong-" sigaw ni Scarlett at naputol na ang tawag. Nilagay ko na ang phone ni Ethan sa table at nakita kong gising na pala si Ethan.

"Sinong tumawag?" tanong niya at nag-inat. Lumapit naman ako sa kama kung saan siya nakahiga at umupo doon.

"Si Scarlett." I answered.

MMB 2: Comeback Is RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon