Chapter 26 ~ Set Free

83 2 0
                                    


Avery's POV

Pagkatapos ng isang putok ng baril, idinilat ko na ang mata ko. Bumagsak sa sahig ang katawan ni Liza na hawak lang kanina ni Ethan. 

"Tita!" sigaw ni Scarlett at lumapit kay Liza na nakahandusay na sa sahig ngayon. Kenji let her go to Ethan's stepmother.

Inaamin ko, ay natuwa ako dahil sa namatay na si Liza. Dahil nakamit na din ng totoong nanay ni Ethan sa biglaang pagpatay sa kaniya.

At inaamin ko din, na natuwa akong buhay parin kaming lahat, hanggang dito.

"Paano mo nagawa 'to sa sarili mong nanay?! How could you?!" sabi niya at hinarap si Ethan. Nagpokerface lang si Ethan sa kaniya at nagkibit-balikat.

"Sinabi ko na kanina na hindi ko siya totoong nanay, witch. Tch."

Napatingin kaming lahat sa pinto na pinasukan kanina ni Ethan dahil bumukas ito. Iniluwa niyon sila Russell at si Kuya.

"Teka, singkit na feeling gwapo?! Bakit ka nandito?" sabi ni Scarlett sa dumating. Nanlaki ang mata ko nang makita kong namumula siya.

What the?!

"None of your business witch," sagot naman ni kuya kay Scarlett.

"We need to get out of here now," sabi ni Ethan.

"Paano tayo makakalabas? Kailangan nating dalhin 'tong babaeng 'to," sabi naman ni Krei.

"At bakit niyo naman ako dadalhin?! Baka naman may gawin ko sakin bigla! Hindi ako papayag!"

"Tingin mo may mag-rarape sa'yo? Asa ka," banat ni Kuya. 'Tong si Kuya Keaith talaga, gustong-gusto asarin si witch e.

"Bakit nag-assume ba ako? Walanghiya ka talaga!"

--

"Now, we're all set. Ngayon, kailangan mong sabihin kung bakit mo nagawa 'to lahat sa asawa ko." 

"Psh. Kahit ako naman e alam ko kung bakit," I said and I rolled my eyes.

I'm thankful that I'm still alive. Whoo! Parang kanina lang, nasa loob ako ng lumang apartment pero ngayon, nasa mansion na kami ngayon lahat.

"Wag niyo nalang kulitin si witch, ang mahalaga nandito na si best," sabi ni Madison habang nakangiti.

I'm thankful too that they saved me. May tiwala naman talaga ako kay Ethan, pero wala talaga akong tiwala kay Scarlett.

Buti nalang at buhay pa ang anak ko hanggang ngayon. He or she survived. Pero teka, kailan ko ba malalaman kung babae 'to o lalaki?

I can't wait to see my child.

"Ginamit lang naman ako ni Liza Chan para sa pera. Ginawa niyang ipakasal tayong dalawa Ethan para lang sa pera. Pinakasalan niya ang Dad mo para lang sa pera." Nagulat ako nang biglang magseryoso si Scarlett. Napatingin ako kay Scarlett na nakatulala at seryoso ang mukha. 

"Paano mo naman nalaman yan lahat?" sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng seryoso parin. 

"Dahil nag-imbestiga din ako sa kaniya. Akala ko talaga na hindi totoo ang results ng pag-iimbestiga ko, pero 'yun pala totoo. Matagal na akong pinaplastik ni Liza Chan." 

Oo nga pala, buntis ako at hindi alam ng lahat. Paano ko ba sasabihin sa kanila? Aish. 

"Guys may balita pala ako.." nahihiya kong sabi sa kanilang lahat. 

"Ano iyon best?" sabi ni Madison na willing makinig sa sasabihin ko at nakatingin sa akin ngayon. 

"B-Buntis ako.." utal na sabi ko sa kanila habang nakayuko. Pero nang iangat ko ang aking ulo, wala silang reaskyon. 

-_-

"Alam na namin, Avery. Sinabi ni Ethan sa amin nung nakaraan pa," nakangiting sabi ni Kenji.

Alam nila? "Bakit mo sinabi Ethan? Excited ka? Psh. Gusto ko ako magsasabi eh." 

Natawa silang lahat sa sinabi ko. Mga baliw talaga 'tong mga kaibigan ko. Napatingin naman ako kila Elizabeth at Lawrence na magkahawak ng kamay. Aha! Tingin ko sila na ulit, ah. 

"Elizabeth kayo na ulit?" sabi ko sa kanila. Ngumiti si Elizabeth sa akin bago magsalita, "Oo. Nagpopropose na nga si Lawrence sa akin kahapon." 

"Ikakasal na kayo?!" sigaw ng mga kaibigan ko. Grabe! Magpapakasal na sila agad? Ang aga pa ah, pero ano namang magagawa ko sa kanila diba? Best wishes nalang sa mga kaibigan ko. 

"Yes," nakangiting sagot ni Lawrence. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Haysssss. Napaisip ako, kelan kaya din ako ikakasal?

"Congrats pre! Ako din e. May papakasalan na rin ako dito," cool na sabi ni Russell habang nakapamulsa. Napunta ang tingin ko kay Madison na pulang-pula ang mukha. 

"Hahahaha! Marami na ring ikakasal dito. Katulad ni ako pati ni Abigail," cool din na sabi ni Calvin at inakbayan si Abigail na pulang-pula ang mukha, "Calvin naman!" 

"Ehem paano naman si Captain diba? Hahaha," sabi ni Krei. Napatingin din ako kay Amber na hawak-hawak niya ang kamay. Mukhang nagkaka-mabutihan na 'tong dalawang 'to ah. 

"I will think of that. Basta ako, ready na akong pakasalan siya," sabi ni Ethan nagbigay sa akin ng goosebumps. Damn this guy! Alam niya talaga kung paano ako pakiligin.

Sunod-sunod na "yieeee" ng mga kaibigan namin ang narinig ko. Hiyang-hiya na ako ngayon dahil ako na ang nahot-seat ngayon.

"Teka makakalimutan ba natin si Keaith? Ehem. Alam kong may gusto yan kay Scarlett eh," natatawang sabi ni Kenji. Sinamaan siya ng tingin ni Kuya. 

"Tch. Hindi ko pa man siya pakakasalan ngayon, pero soon, okay na," sbai ni Kuya at kinindatan si Scarlett. Naks! May lovelife na. Hahaha.

--

"Saan ka na titira niyan?" tanong sa akin ni Kuya. 

"Sa tingin ko dito nalang dapat ako Kuya," sagot ko sa kaniya at tipid na ngumiti, "Saa ka na titira Kuya? Sa mansion ka pa rin ba natin mag-iistay?"

"Oo. Ako na bahala sa mga kumpanya natin, at oo nga pala, imemerge ko ang company ng mga Smith at Miller."

"Take care, Kuya," sabi ko sa kaniya at ngumiti siya. Lumabas na siya ng gate at lumabas din ako para sundan siya. Pumasok siya sa kotse niya at pinaandar iyon. 

"I will, little sister, best wishes sa inyo ni Ethan," he said and drove.

"Ehem." 

Napangiti ako nang marinig ang tikhim na iyon. Hinarap ko siya at niyakap. "I love you Ethan."

"What's with the drama wife? I love you more," sabi niya at niyakap din ako. Masasabi kong ako na ang isa sa pinakaswerte na babae dito sa mundo dahil nakasungkit ako ng isang Ethan Liam Miller, ang lalaking mamahalin ko ng habang buhay.

"Okay na ang lahat ngayon. Hindi ko parin marealize na dahil sa isang bunggo ko lang sa'yo, doon na magsisimula yung istorya natin. Ang korni man na pakinggan wife, pero 'yun ang totoo."

"I know, Ethan. I know," I said and he kissed my forehead.

"Kasal na lang ba ang kulang? Don't worry wife, that will happen soon," he smirked. and I know what's the meaning of his smirk, only Avery Mia Smith knows what his smirks' meaning are. 

MMB 2: Comeback Is RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon