Chapter 24 ~ Tragedy

88 2 0
                                    

Note: School duties kaya late update.

Ethan's POV

Kanina pa ako naghahanap kay Avery pero wala siya. Tsk. Asan na kasi yung babaeng 'yun? Hinanap niya lang naman yung kwarto namin pero nasaan na siya ngayon diba?

Hindi ko alam pero nakaabot na ako sa entrance sa labas. Saka ako napakunot ng noo dahil may lumabas 'dun na babaeng naka-mask at may dalang babaeng nakasako pa ang ulo.  Sino ba namang baliw ang magbubuhat ng babaeng may sako sa ulo at wala pang malay diba? Tch. Weird. Napailing nalang ako nang magkasalubong kami ng tingin nung babae at ngumisi siya.

Isang pamilya na ngisi. Umalis na din siya at pumasok na ako sa loob ng cr.

Kumunot ang noo ko nang may papel na nasa sahig at may tsinelas pa na floral. Teka, pamilyar yung tsinelas na 'to ah?

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na kay Avery pala 'to. Shit! This pair of slipper belongs to her! Siguro siya yung babaeng walang malay na nakasako ang ulo.

Saka ko tiningnan ang sulat. Uminit agad ang dugo ko nang makita ang nakasulat dito.

You're too late. Come here immediately at our place or I will kill her with her baby.

Fuck! That damn Scarlett girl is so frustrating. Kelan pa siya naging ganito kadesperada sakin? Damn. Patay siya sakin kapag may nagawa siya kay Avery!

I get my phone out of my pocket the dialled Scarlett's number.

"Hahahahaha! Wag na! - Ohh, Ethan? Bakit?" Rinig ko mula sa kabilang linya. It was Scarlett, it's her voice. Sa sobrang galit ko ay parang mapipi pa ata ang phone ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko dito.

"Where the fuck is my wife?" I angrily asked. Makita ko lang talagang may galos yung asawa ko, baka hindi ko lang siya ipakukulong, baka ipapatay ko na. Tsk. 

Magiging asawa ko rin naman siya. Dun narin naman babagsak 'yun. Tch.

"Ohh! Hinahanap mo yung asawa mo Ethan? At hindi mo ba alam? Alam ko na, na ikaw ang nagpakulong samin ng mama mo. Akala mo hindi ko malalaman? Matalino ako, Ethan. Kayang-kaya k-"

"Shut up. May tinanong lang ako, hindi mo sinagot tas andami mo pang sinasabi. Where the hell is my wife?" 

"Bakit ko naman sa'yo ipapaalam? Hindi ako tanga, Ethan! Bahala ka maghanap. Hahaha. And oh, by the way.." 

"Ano yan?" pagalit na tanong ko. Honestly, I'm really nervous whatever Scarlett will do to my wife. Pero ayokong mahalata niyang kinakabahan ako. Baka sabihin niyang mahina na ako at wala akong laban sa kaniya. Tch.

"Kapag hindi mo siya mahanap dito, wala ka nang makikita pa dito. Tanging dugo niya lang ang nandito at wala na ang katawan niya," sabi niya at pinatay na ang tawag. 

Fuck it! Kinakabahan na ako. Kailangan ko nang mahanap si Avery. I will do everything just to save her.

--

Avery's POV

Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Malaking kwarto. Kanina pa ako nakakarinig ng mga sigaw, baka 'yun ang dahilan kung bakit ako nagising. 

"Hahaha! Tita, wag naman natin masyadong pahirapan. Alam kong mahal na mahal pa 'to ni Ethan e." 

"Love, Scarlett? Unbelievable! Kailangan nating pahirapan yang babaeng yan! I really hate her from the very start!" 

Mas lumapit pa ang kinaroonan ng boses na iyon. Naaninag ko ang dalawang pigura ng tao sa dilim hanggang sa makalapit sila sa akin. Nakatingin sila sa akin ng masama na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa akin. 

And that is Scarlett and Ethan's evil mother, Liza Miller.

"Anong tinitingin mo? Hindi ka makakatakas dito! Hindi ka na maliligtas ni Ethan dito. Aww, kawawa ka naman 'no?" sabi ni Scarlett na para bang inaasar ako. Napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. May tiwala ako kay Ethan, alam kong hindi niya ako hahayaang mamatay.

Not this time. This is not my time to die. Kahit pahirapan ako ni Scarlett, okay lang. Wag lang madamay yung baby ko, gusto ko pa siyang mabuhay. 

Ipipikit ko pa sana ang mata ko nang matigilan ako dahil sa lakas ng tunog na narinig ko. Mukhang nabingi pa nga ako dahil sa lakas nito. I felt my right cheek turned red. 

"Anong karapatan mong irapan ako?! Wag na wag mo kong gaganyanin! Tandaan mo, hawak ko ang buhay mo ngayon! Hindi na pupunta si Ethan dito para iligtas ka, hindi ka niya mahal!" 

This time, nainis na ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim bago ako bumuwelo. Inangat ko ang ulo ko at..

*PAK*

Umalingawngaw sa buong kwarto yung tunog ng malutong na pagsampal ko sa kaniya. Ganito ba talaga kapag buntis? Nagiging bipolar at masungit?

Tumingin ako kay Liza Miller na na-shocked sa nangyari. Si Scarlett ay nakahawak sa kaliwang pisngi niyang sinampal ko. I just can't take it anymore.

Sometimes, I can't control myself to lessen my anger. I have to fight, cause if I don't, I will be the one who will be the loser of their 'game'.

Napaatras ako nang sumugod sakin si Scarlett. Shit. Hindi ako nakapaghanda 'dun ah. "Walanghiya ka talagang  bitch ka! Wala kang karapatang sampalin ako!" Bigla siyang inawat ni Liza at maya-maya ay may pumasok na lalaking matangkad na sa tingin ko ay kasamahan nila.

"Ma'am Liza, nakabukas na yung gate paglabas ko." Halata sa tono ng lalaki na kinakabahan siya. Pero wait, nakabukas daw yung gate? Biglang nagdiwang yung sistema ko dahil alam kong andito na sila. Nandito na si Ethan para iligtas ako.

Thanks Lord. 

"Bakit?! Diba nagbabantay kayo sa gate para matingnan niyo kung may papasok?!" sigaw ni Scarlett sa bantay. Pinagpapawisan na yung lalaki dahil siguro sa kaba.

"M-Ma'am, nag-banyo muna ako pati si Henry umalis din po para i-check yung pusang nag-ingay kanina." 

"Pusa?" nagtatakang tanong ni Liza. 

"O-Opo, may pusa po kanina na nag-ingay at pagtingin ko sa gate pagkatapos naming i-check, nakabukas na ang gate," pagkukwento ng lalaki.

"Bullshit! Dapat hinayaan niyo nalang yung pusa!" sabi ni Scarlett at napaupo sa siya puting sofa na nasa tapat lang namin.

Nanatili pa rin akong nanonood sa kanila hanggang sa may pumasok na isa ding lalaki, sa tingin ko siya yung Henry na binanggit nung lalaki kanina. Napatingin ako kay Scarlett nang tumayo siya.

"Ano Henry? Anong balita?" tanong ni Liza habang nakakibit-balikat.

"Ma'am, may nakita po akong mga lalaki na nagtakbuhan kanina, sa tingin ko po ay-"  Hindi na natuloy ng lalaki yung sasabihin nang bigla siyang bumagsak sa lupa nang hindi namin alam kung paano. Hindi na ako mapakali dahil sa nangyayari. 

What's going on? What the hell is going on? 

Mga lalaking nagtakbuhan? Siguro ay sila Ethan 'yun. 

"Sundan niyo na rin sila ngayon! Wag niyong palabasin ang mga lalaki na 'yun dahil sila ang isusunod nating patayin!" 

"O-Opo ma'am," sagot ng dalawang lalaki saka sila umalis.

Pagkatapos umalis ng dalawa, kumuha si Scarlett ng isang plywood saka lumapit kay Liza. "Tita, habang maaga pa, kailangan na nating tapusin ang buhay ng babaeng 'to. Ang babaeng nagbigay ng kamalasan sa buhay ko."

Natawa ako sa sinabi niya. "Kamalasan? Kahit kailan hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan, Scarlett. Ikaw lang ang gumagawa ng mga hadlang kaya ngayon, hindi ka masaya."

Nakita kong napaiwas siya ng tingin dahil sa sinabi ko. "Hadlang? Talaga. Hindi kayo bagay ni Ethan, kami ang bagay, tandaan mo yan."

Inangat niya ang plywood na hawak niya pagkatapos niyang sabihin iyon. "Magsimula ka nang mamaalam kay Ethan, bitch! Dahil katapusan mo na ngayon!"

Help me Lord, sana dumating na si Ethan. 

MMB 2: Comeback Is RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon