Chapter 31 ~ She's Back

93 1 0
                                    


Avery's POV

"Wife? Kanina ka pa nandiyan?"

"O-Oo," sagot ko kay Ethan at napatingin ulit ako sa paligid. Ang ganda talaga ng malaking kwarto na 'to. Wooden floor pa at nakakarelax din ang mata katulad nung design sa labas ng basement.

"I told you, dapat hindi ka nalang naglakad-lakad kasi mahihirapan ka pa. You're pregnant," sabi ni Ethan at tumayo at naglakad papunta sa akin.

"Malay ko ba kung nasaan ka nung paggising ko. Siyempre na-curious ako kasi wala ka. Nakakapagod kang hanapin," masungit na sabi ko sa kaniya. He chuckled then he kissed my forehead. "Sorry. Don't stress yourself, wife. At wag mo na ulit uulitin 'yon."

"Huh?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"I mean, come on, wife. Wag kang magpapagod masyado at wag kang maglakad-lakad. You need rest."

Napangiti ako sa sinabi niya. Sige na, ako na kinikilig. Aish.

Inakbayan niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Ipapakilala kita sa basement na 'to," sabi niya na nagpatawa sa akin. Seriously? Ipapakilala talaga ako sa basement na 'to? Baliw talaga.

Magkakasunod yung mga rectangular objects na may cover ng white cloth. Nacurious ako sa mga ganon kaya bigla akong napalapit sa mga ganon at hinayaan lang ako ni Ethan.

I gasped after removing the white cloth. Napanganga ako dahil painting pala ang nakalagay doon na nakatago sa puting tela. Pero napatitig ako sa painting.

Isang magandang babae na nakangiti habang may hawak na bulaklak ng sunflower. I don't know why but this painting seems familiar.

"It's you, wife," sabi ni Ethan at tumabi din siya sa akin at tumingin sa painting. "Stolen shot of yours. Naisipan kong picturan ka habang nakangiti ka. You look beautiful when you're smiling."

Sabi na e. Nakakarelate 'tong painting. Namumukhaan ko kasi. Pero bigla akong napaiyak dahil sa papuri niya. And this painting.. Damn. It's so beautiful.

"Wife, don't worry. Wag ka nang umiyak. There's more," sabi ni Ethan at pinunasan ang luha ko at hindi naman talaga ako sobrang napaiyak. Napangiti pa nga ako e.

Sunod naman akong napatingin pa sa katabi ng painting ko na may takip din na puting tela. I removed the white cloth and then I was amazed again.

Painting naman na may isang magandang babae at gwapong lalaki na magkahawak ang kamay. Namangha din ako sa painting kasi sobrang ganda. Pero, wag mo sabihing..

"It's us." Napatingin ako kay Ethan dahil sa sinabi niya. Did he just read my mind? Ngumiti siya sa akin kaya napayakap ako.

"Hindi mo sinabing nagpapaint ka pala," sabi ko. Hindi ko naman talaga siyang nakitang magpainting. Never in my entire life.

"Oo. Namana ko 'to kay Dad. He loves to paint."

May katabi pa yung painting na may nakatakip din ng puting tela. Siguro ito na yung last na painting dahil wala nang nakasunod dito.

And there, when I removed the white cloth I was stunned by the painting.

May isang magandang babae ulit na nasa left side, then sa right side, may gwapong lalaki ulit. Pero yung nagpacurious sa akin ay yung dalawang maliit na babae na nasa gitna nila na magkahawak ang kamay.

"Sino 'tong dalawang babaeng maliit?" tanong ko kay Ethan habang nakaturo doon sa dalawang babae na nasa painting.

"I know that we're not really sure but I painted those two adorable girls and they are our daughters," sabi ni Ethan habang nakatingin sa akin at sa painting. Napaluha nalang ako dahil doon dahil masyado nang sweet si Ethan.

MMB 2: Comeback Is RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon