Avery's POV
After four months..
"Hoy mga gaga, bilisan na natin. Baka naghihintay na sila 'don!" singhal ni Madison sa amin.
"Sus, ang sungit mo! Hindi pa nga ako tapos sa pag-ayos ng buhok ko e, porket nanganak ka lang ang sungit mo na kaagad e!" sabi ni Kylie sa kaniya.
"Oo nga, akala mo kasal niya e!" natatawang sabi ni Elizabeth.
"Psh! Inggit ka lang, Kylie ano! Ikaw kasi, sinasabi ko sa'yo, magmake love na rin kasi kayo ni Kaiven! Kapag lumaki na talaga si Jade patay ka sa kaniya!"
Totoo iyon. One week ago, nagulat kami nang biglang sumigaw si Madison habang nasa mansion nila kami. At ayun, nanganak na ang bruha. Ang weird lang dahil ako naman ang naunang nabuntis pero hindi ko alam na dati na palang buntis si Madison noong niligtas nila ako sa kamay ni Liza Chan.
At hindi lang iyon, nung bago pa pala ako iligtas nila ay buntis na talaga si Madison pero nilihim niya sa amin. Jusko! Ako naman, kelan nga ba ako manganganak? Medyo malaki na rin kasi ang tiyan ko.
Jade Zeth-Lopez ang pangalan ng anak nila Madison at Russell. At bago palang manganak si Madison ay kinasal na sila. Sila Abigail at Calvin ay kinasal na rin. Hay. Ako, ngayon palang.
Kinakabahan ako na naeexcite. Ano kayang pakiramdam na maging Mrs. Miller ano? Excited na rin ako makita ang kambal ko. Hay.
"Pero infairness ah, ang ganda ni Jade. Ang ganda rin ng pangalan niya," comment ni Amber at Abigail. Maganda naman talaga kasi.
"Pero, tara na! Ikaw Abigail porket isa ka nang Arellano. Sus!"
"Oh tara na, tapos na rin ako e. Kinakabahan na ako," sabi ko at tumayo na. Nakasuot na ako ng wedding gown ko ngayon. Si Ethan, hindi ko alam kung nasaan. Pero siguro nasa simbahan na silang lahat.
"You look gorgeous, Avery," sabi ni Audrey na sinang-ayunan ng lahat. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.
"Thanks, guys. For being here on my side all along," nakangiting sabi ko sa kanila. Ngumiti rin sila sa akin pabalik. "Yieeee, excited nang maging Mrs. Miller!"
"Sira ka talaga, Mina. Pero salamat talaga sa inyo. Hindi mabubuo ang next generation kapag wala kayo," sabi ko sa kanila. Sigurado akong ang mga anak rin namin lahat ang magkakatuluyan.
"Sige. Tama na ang drama, girls! Let's go na!" sigaw ni Scarlett. Lumabas na kami ng dressing room namin sa mansion at bumaba na papunta sa salas at papunta sa labas ng mansion. Pumasok na kami sa sasakyan.
--
Pagbaba ko ng sasakyan, kinakabahan parin ako. Pero nang makatungtong na ako sa simbahan, nalula ako sa kadamihan ng tao na pumunta sa kasal namin. Mostly mga kaklase namin nung third year at fourth year.
Lahat sila ay nakatingin na sa akin. Napatingin ako sa side ng mga kaibigan naming lalaki at babae. Sila Scarlett, Mina, Madison, Abigail, Audrey, Elizabeth, Amber, at Kylie naman nakangiti sa akin. Proud na proud talaga ang mga bruha.
Sunod naman ako napatingin sa nakatayo mula sa malayo na nasa altar. Nakangisi na nakatingin sa akin si Ethan. At dahil nga wala na si Papa, si Kuya Keaith mismo ang naghahatid sakin papunta sa dulo.
Nang makarating na kami ni Kuya Keaith sa dulo ng altar, tinapik niya ang balikat ni Ethan at nagsalita. "Ethan, alagaan mo si Avery ah. Pati rin ang kambal niyo sa tiyan niya."
"I will, Keaith. Kahit hindi mo naman sabihin 'yan gagawin ko naman talaga. And for your information, I am already protecting and taking care of her and our babies in her womb," sabi ni Ethan na nakapagbigay sa akin ng kilig.
Hanggang sa mapunta na ng exchanging of vows. Pati ang rings. hanggang sa makapunta na ng "you may kiss the bride". Hinalikan naman ako ni Ethan with full of love.
"I love you wife, I love you Mrs. Avery Smith-Miller," he said. And that's it! Kinilig na naman ako.
This day, I am not Miss Smith anymore. Because I am now Mrs. Avery Smith-Miller.
And me and Ethan will be having our baby, soon.
--
"Averyyyyy! Tara dito, magpicture tayo!" hyper na sabi ni Abigail habang nagpopose sa harap ng camera. "Ang hyper mo ngayon ha, Mrs. Arellano!" pang-asar ko sa kaniya. Sumimangot siya pero alam ko namang kinikilig na siya sa loob-looban niya.
Ito talaga si Abigail gustong-gusto na inaasar siyang Mrs. Arellano, e.
"Pwe! Sige na, Mrs. Miller! Punta ka na dito!" inasar ako pabalik ni Abigail. Epal rin 'to e. Lumapit na ako sa kanila nang dahan-dahan. Delikado na.
"Okay okay andito na si Mrs. Miller. Okay, 1, 2, 3, smile, girls!" Mina exclaimed and we all posed to the camera. Perfect. Kompleto kaming lahat na babae. Complete sisters.
"Celebrate natin 'to!"
"Alright girls!"
And that's it. Picture picture lang hanggang sa magsawa kami. Natapos lang ang pagpipicture nang tawagin ni Yohan si Audrey. Lumapit kami sa table kung nasaan sila Yohan at Jade. Nasa braso ni Yohan si Jade habang nakaupo. They look cute together.
"Mom, Jade is really cute." Nagulat ako sa narinig ko. Did Yohan just complimented baby Jade? Oh my. Pero mukhang normal naman talaga.
"Talaga, Yohan? Paano mo naman nasabi?" natatawang sabi ni Madison habang kinukuha niya si Jade mula kay Yohan.
"She giggles a lot. I like her smile," sabi ni Yohan habang nakatingin kay Jade. Oh my god.
"Baby Yohan, do you like her?" tanong ni Audrey sa anak niya. "Yes, Mom."
"Oh my god, baby Yohan! Seryoso ka ba?" tanong ni Elizabeth kay Yohan kaya napaismid ito.
"Isn't it obvious, tita Elizabeth? Yes. I really like Jade."
"Ang sungit talaga ni Yohan," comment ni Kylie.
"Yeah. Nagmana siya sa amin ni Renze e. Haha," sabi ni Audrey.
Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap nang makita ko si Elizabeth na nag-iba ang expression ng mukha. Tinawag niya bigla si Lawrence at may binulong.
Since malapit lang ako banda sa kaniya, narinig ko ang sinabi niya. "Manganganak na yata ako, Lawrence.."
Nanlaki ang mata ni Lawrence. Pati rin ako, siyempre. "Wife, wait."
Bakas ang hirap sa mukha ni Elizabeth. "Manganganak na ako, Lawrence!"
Lahat kami ay nagpanic. Bakit mas nauna pa silang manganak kesa sa akin? Oh my god!
**
Epilogue na next.
BINABASA MO ANG
MMB 2: Comeback Is Real
RomanceAfter her comeback, she decided to go back to the country where her second heartbreak happened. And now... She came back for a sweet revenge. Pero iba na ang Avery Mia Smith ngayon. Changed for the better. Mas tumaray, gumanda pa lalo, fie...