Chapter 28 ~ Everybody's Stories Part 2

65 1 0
                                    

A/N: This was edited. Dapat 4th year na sila kasi one year din si Avery sa Japan at doon nag-aaral. 2nd year sila sa book 1 so 4th year na dapat ngayon. Sorry sa maguguluhan. 

Abigail's POV

Inayos ko na ang sarili ko dahil pupunta pa ako sa company ni Calvin para bisitahin siya. Ilang months nalang ay graduation na. 

Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto kay Calvin. Naalala ko pa nga, nung may program sa school noon. Doon ko siya nakilala. Kahit si Elizabeth, doon niya rin nakilala si Lawrence.

Yung mga panahong binubully pa ni Elizabeth si Avery. Pero kahit ganon, naging magkaibigan rin sila.

Those were the days.

Lumabas na ako ng mansyon at sumakay sa loob ng kotse ko at nagdrive. I looked at my own reflection at the rear mirror. 

I planned to surprise Calvin. Two days na kaming hindi nagkikita at wala man lang text or call na natatanggap ko sa kaniya. Kaya ngayon, sinubukan kong puntahan siya mismo.

Ipinark ko ang kotse ko na di kalayuan sa building ng company ni Calvin. Bumaba ako ng kotse at napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Calvin na may kasamang babae. 

Nag-init agad ang dugo ko dahil doon pero hinayaan ko muna. Sinundan ko sila ng tingin at nagtago ako para hindi agad ako makita ni Calvin. Pumasok sila sa loob ng company at sumunod ako.

Nakangiti siya habang kasama ang babaeng iyon. Sino naman ang babaeng 'yon? Ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko naman laging nakikita na may kasamang babae ang lalaking 'yon. Ngayon lang. 

Dire-diretso lang akong pumasok sa loob dahil kilala naman ako ng mga guards. Nakita kong umakyat na sa taas ang babaeng kasama ni Calvin. Nakita kong pumasok si Calvin ng elevator kaya hinayaan ko munang mauna at nag-elevator na rin ako.

I immediately get out of the elevator as it lands on his office's floor. Agad kong hinanap ang office ni Calvin at huminga ako ng maluwag nang wala siya sa harapan niyon. Pumasok kaagad ako 'don.

Naabutan kong nagchecheck ng papeles si Calvin nang pumasok ako. Lumapit agad ako sa kaniya at inangat niya ang ulo niya. 

"Abigail," sabi niya at tumayo. "Bakit ka nandito?" 

"Masama ba?" pangbabara ko sa kaniya at natawa lang siya. "I tried to call you but you're not answering any of those. What's the matter?"

"I'm busy, as you can see. I have a lot of things to do," sagot niya saka umupo ulit siya.

I sighed. Busy dahil sa mga gawain? Oh baka naman busy siya sa babae niya kanina?

"Pero sana naman nag-effort kang magtext o tumawag," I seriously said to him. Napabuntong-hininga siya saka siya tumingin sakin. 

"Demanding? O sige na, labas tayo," sabi niya at tumayo at hinalikan ako sa labi. Napayakap ako dahil sa ginawa niya. Tatalikod na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. 

Biglang pumasok ang isang babae at nagulat ako dahil siya ang babaeng kasama ni Calvin kanina. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa- yung tingin na binibigay ng mga malditang girlfriend sa kung sinong babaeng pwedeng umagaw sa boyfriend niya.

"Sir Calvin, may meeting po kayo with Mr. Fajardo," sabi niya at napatingin sakin. Tinaasan ko na agad siya ng kilay para sabihin sa kaniya that I hate her whole existence.

"Cancel all my appointments for today. My girlfriend is here and I will go out with her today."

Nakita kong sumimangot ng onti yung babae pero ngumiti naman kaagad. I think this girl is Calvin's secretary. 

MMB 2: Comeback Is RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon