Chapter 6 ~ Mystery Girl

135 4 0
                                    


Aveen's POV (A/N: Aveen na siya muna sa ngayon)

NAKANGISI akong tumingin sa phone ko at tumingin sa comment ko.

Haha. Hindi nila ako kilala? Ha! Syempre. I need to hide my identity.

May pasok ngayon kaya pumunta ako ng school. Nagdrive na ako ng kotse papunta sa school.

At pagkapasok ko ng gate, ako agad ang napagtuunan ng pansin.

"Hell! Sino yan? Si Avery ba yan?"

"God, she looks like a goddess now."

"Kakauwi niya lang ng Japan diba?"

"Psh. Gumanda lang, nagpi-feeling reyna na ngayon. Hoy Avery!"

Hindi ako lumingon sa babaeng tumawag sakin bagkus ay nagpatuloy pa rin na maglakad.

"Hoy Avery! Tinatawag kita! Bingi ka ba?" sabi sakin ulit nung babae. Hinarangan niya ang daan ko saka pumameywang.

"I'm so sorry. Ako ba ang tinatawag mo?" mataray na sabi ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya.

"Ikaw nga. Hindi ba obvious? Bakit Avery naman ang pangalan mo ah? Hindi ba?" mataray rin na sabi niya. Hm. Napangisi naman ako.

"I'm not Avery because that name used to be me when I am with him. At ngayon hindi na ako si Avery. Gets? Kaya wag mo kong tawagin na Avery." sabi ko. Napasinghap naman yung babae at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

"Hoy Avery! Gumanda kalang naging mataray ka na ha! Akala mo maganda ka!" sigaw niya sakin at napatigil ako sa paglalakad at binalikan ko ulit siya.

"Maganda naman talaga ako eh. Eh ikaw? Hindi." sabi ko at tuluyang nagwalk-out.

That's it. Kung kakalabanin mo ako, kailangan may masabi ka.

*flips hair*

--

Madison's POV

"I'm sorry I'm late, Ma'am."

Napatingin kaming lahat dun sa babaeng maiksi ang buhok na kakarating lang sa room. So siya pala yung last naming classmate.

"Good to see you, Miss Aveen Mia. Go to your desired seat now.  But, tnaggalin mo 'yung sunglasses mo Miss Mia." utos ni Ma'am. Pero wait, Aveen daw?

"I will, Ma'am."

Sino siya? Sino si Aveen Mia? Pero nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa katabi ng upuan ko. Saka siya ngumiti sakin. God, this girl gives me shivers!

"I'm Aveen. And you are Madison, right?" tanong niya sakin. O.o Bakit niya ako kilala? Sino ba siya?

Tinanggal niya ang shades niya at nagulat ako sa nakita ko.

"Ako talaga si Avery. Itinitago ko talaga ang identity ko." sabi niya.

Tumango naman ako sa kanya. Medyo nakakapanibago lang siya dahil maiksi na ang buhok niya, tapos yung mata niya medyo may pag kablue, na hindi mo na talaga siya makikilala.

Nagsimula na ulit magturo si Ma'am kaya nakinig na kami.

--

Russell's POV

LUMABAS na ako ng room nang marinig ko ang bell na magring. Pumunta ako sa room nila Madison at naglakad papunta doon.

Pero napatigil ako nang may makita akong babae may short hair at medyo blue ang mata. Teka, mukha siyang pamilyar.

Hinarangan ko ang daan niya saka nagkibit-balikat. "Sino ka? Hindi pa kita nakikita dito."

Nagulat ako nang bigla niya akong hilain sa isang lugar na hindi matao.

"I'm Aveen Mia. Pero ako talaga si Avery. Russell wag kang maingay." sabi niya. O___O So siya pala si Avery? Nagdidisguise lang siya?

Naguguluhan ako. "Avery bakit--este Aveen bakit ka nagdidisguise?" tanong ko sa kanya.

"Dahil kailangan kong maitago ang identity ko at para hindi nila ako makilala." pag e-explain niya. Ganun pala?

Hinila niya na ako ulit pabalik sa place namin kanina. "Alam na rin ni Madison at Calvin kanina nung nakita nila ako. They kept it as a secret, kaya kung pwede itago mo rin ito? For me?"

Tumango ako. "Oo. Hindi ka nila makikilala. Trust me."

"Thank you." sabi niya. Lumabas ng room sila Madison at Calvin at lumapit sa amin.

--

Ethan's POV

Aveen Mia..

Hindi ko pa ring maiwasang mag-isip tungkol sa kanya. Sino ba talaga si Aveen Mia? At bakit siya nagcomment ng ganun sa status ko?

"Babe, bakit ang layo ng tingin mo? Are you still thinking about that mystery girl?" tanong sakin ni Scarlett at ininom ang kanyang juice. Nandito kami sa cafeteria ngayong recess.

"No," pagsisinungaling ko. Hindi na rin siya sumagot at tumuloy sa pagkain niya.

Isang taon lang ang nakalipas, pero namimiss ko pa rin siya. Pero hindi na dahil natabunan na ng galit ang puso't isip ko.

Habang nagmamasid-masid ako, hindi ko napagilang tumingin nang matagal doon sa babaeng naka-short hair na may pagka-blue ang mata. Bakit parang mukha siyang pamilyar sa akin?

Sinusundan ko pa rin siya ng tingin hanggang sa lumapit siya sa mga kaibigan niya. Teka? Sila Madison, Russell, at Calvin ang nilapitan niya? Kilala ba siya noon?

Tsk. -__- Bakit ba ang dami kong tanong? Tch.

"Babe? Sino ba yung tinitingnan mo?" inis na sabi ni Scarlett pero hindi ko iyon pinansin. Tiningnan niya na rin yung tinitingnan kong direksyon.

"Sino yun? At bakit kasama niya sila Madison? Ang ganda naman nung girl." sabi ni Scarlett.

Ako naman ay nakakunot parin ang noo. Sino ba iyong babae na iyon? Tch.

MMB 2: Comeback Is RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon