Hi! Ako ng pala si Kate Villegas. 19. A simple com arts student. I love acting and taking pictures as well. Right now andito ko sa pool area ng tower kung nasan ang condo unit ko. Dahil wala akong pasok ngayon at free time ko I decided to take a look at this beautiful part of the tower. Ang ganda talaga dito sa pool area but the sad part is that naiwan ko yung camera ko sa unit, cellphone lang dala ko. No choice ako so yun na yung ginamit ko. I took pictures of the pool, it is like a beach kasi may sand din then may spa sa gilid and then sa tabi non is the kiddie pool and the jakusi.
Selfie.
Selfie.
Selfie.
Nagselfie lang ako ng nagselfie kung saan saan nang biglang....
SPLAAAAASSSHHH ! ..............
Ohmygee ! I fell into the pool at may nadaganan akong tao. Oh no! Yung cellphone ko nabasa at wala din akong dalang towel.
“Miss ano ba naman! Bulag ka ba?! Hindi mo tinitingnan kung may tao ba sa babagsakan mo! Ano ka ba?! Muntik na kong malunod nang dahil sayo! Alam mo ba yun!?” sigaw ni kuyang nadaganan ko.
“S-sorry. Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog na pala ko sa pool eh. Hindi ko sinasadya.” Paliwanag ko. Ang sungit naman ni kuya nakakatakot yung itsura.
“Tss.” Lumayo na siya sakin “kapag nga naman minamalas ka.” Sabi niya pa bago umahon. Hay nako kuya hindi ko din ginusto to ah. Hindi naman kasi ako nainform na babagsak na pala ko edi sana tinaymingan ko ng wala ka diba? Psh. Umahon na din ako at dumiretso sa unit ko.
Pinagtitinginan ako ng mga tao na nakasabay ko sa elevator. Hay nakakahiya. Nakakainis naman kasi eh. Bakit ba kasi hindi nagsalita yung cellphone ko na mahuhulog na ko. Tss. Nang makarating na ko sa unit ko ay dumiretso na ko sa banyo at naligo ulit. Chineck ko yung phone ko kung gumagana pa kaso hindi na. Papaayos ko na lang mamaya.
Tinawagan ko yung bestfriend ko gamit yung telepono dito sa unit ko.
“Hello Jash! Wala kang pasok ngayon diba? Samahan mo naman ako sa mall.”
“Bakit? Anung meron? Magshoshopping ka na naman?”
“Hindi. Nahulog kasi sa pool yung cellphone ko. Papaayos ko lang.”
“Ahh. Osige sige. Magkikita din kami ni Kent ngayon eh.”
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...