Crush?

714 12 0
                                    

1/18/17 2:14 pm

Ang layo mo. Kahit nasa harap lang kita ang layo mo pa rin. It seems impossible for our world to meet. Kasi sobrang magkaiba tayo eh. Mayroon pa tayong sariling mundo. Pakiramdam ko nga invisible ako sa paningin mo na kahit malapit lang ako hindi mo pa rin ako nakikita.

Ang hirap mong lapitan eh. It feels like everything will change. At sa tingin ko hindi ko magugustuhan ang pagbabago na 'yun. But I know I'll remain here at the same place if I won't do anything. Kaya madalas nagdadalawang isip ako kung kakausapin ba kita o kung lalapitan ba kita kasi talagang ang hirap.

Pansin mo bang hindi kita tinitignan kapag inaasar ka sa iba? Pinapakiramdaman ko kasi 'yung puso kong parang unti-unting pinapatay. Pansin mo bang nasasaktan ako kapag tinutukso ka sa iba? Siguro hindi kasi wala ka namang paki sa'kin at hindi mo naman alam ang tunay kong nararamdaman.

Bakit kapag iba pinapansin mo? Bakit ako hindi? Bakit sa iba malapit ka? Bakit sa'kin hindi? Ang unfair mo eh. Pakiramdam ko pati friendship wala tayo, lalo lang walang pag-asa eh.

Oo, crush lang kita pero palalim ng palalim 'yung nararamdaman ko para sa'yo at ayoko na nito. Kasi nahihirapan na 'ko. Kasi nagmumukha lang akong tanga. And I know you'll never end up liking me. At 'yan ang tinatatak ko sa isip ko kesa umasa ako sa wala. Kesa umasa ako na magkakagusto ka din sa'kin. Crush pa rin bang matatawag ang nararamdaman ko para sa'yo?

MonologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon