I Just Can't.

296 5 0
                                    

08/08/17 8:14pm

Why won't you hurt me? Just tell me again that you don't like me. Just tell me that I don't have any chance with you. Just tell me that I'm being stupid and I should stop all of this. Please?

Kasi nahihirapan na ako. Nasasaktan na ako. Hindi ko naman 'yon masabi sa'yo... Kasi alam kong iintindihin mo pa 'yung nararamdaman ko. And I don't want you to worry.

Pansin mo bang wala akong pakialam sa'yo? Pansin mo bang wala lang sa'kin kapag napapalapit ka sa'kin? Pansin mo bang hindi na ako lumilingon tuwing tinatawag ang pangalan mo? Pansin mo bang tuwing may nag-uusap nang may kinalaman sa'yo, nananahimik lang ako?

If yes, well, what can I say? I'm a good actress? A great pretender. Na pinipilit kong huwag gawin 'yang mga bagay na 'yan para kunwari naka-move on na ako. Para kunwari wala na. Para kunwari lumipas na 'yung nararamdaman ko.

At ang hirap. Kasi mukhang naniniwala ka. Siguro akala mo, wala lang sa'kin, kaya ayun mas masakit pala. Alam ko naman na ang swerte ko kasi kahit papaano iniisip mo kung anong mararamdaman ko at thankful na ako 'dun. That's why I can't hate you. I can't dislike you. I can't unlove you. I can't say I loved you. Because I still do.

Ewan ko ba. Kahit ilang beses ko pang sabihin na ayaw ko na, patuloy pa rin 'yung puso ko sa pagsigaw ng pangalan mo. Kahit hanapan kita ng mali o ng hindi maganda, nakikita ko pa rin 'yung mabuti sa'yo. Na kahit ilang beses ka pang husgahan ng ibang tao, hindi ko makita 'yung nakikita nilang 'yon sa'yo.

Kaya nga nag-momove on na ako kasi malala na ako. At 'di pwede 'to. Ayoko ng ganito, masasaktan lang ako. Ngunit kahit alam ko na ang kalalabasan ng lahat nang 'to, alam ko man ang kahahantungan ng katangahan kong 'to, hindi ko talaga kayang umusad sa'yo.

MonologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon