Aplaya.

22 0 0
                                    

04/07/22 7:38pm

TRIGGER WARNING! 

(suicidal thoughts)

Para bang isang dagat ang buhay. May mga araw na lumalangoy ako upang umusad at magpatuloy, at may mga araw na pinipilit ko lang iangat ang ulo ko sa ibabaw ng tubig para hindi ako malunod; para hindi ako maubusan ng hininga. Kung minsan nga'y sumasabay na lang ako sa agos ng tubig dahil pagod na akong lumangoy, umaasang dadalhin ako nito sa baybaying magbibigay ng ligaya. Sa tagal kong sumabay sa agos at paghampas ng mga alon, hindi ko alam kung paano ako tumagal mabuhay nang ganito. Nakakapagtakang buhay pa nga ako.

Ni wala man lang nagturo sa akin kung paano lumangoy sa dagat na 'to. Paano na ako ngayon? Paano kung mapagod na ako sa paglangoy? Paano kung ang simpleng pahinga ay hindi na magbigay lakas sa akin upang magpatuloy? Paano kung gusto ko na lang magpahila sa kawalan na nasa tubig?

May mga araw na pinipilit kong ayusin 'yung sarili ko. Umaasa akong babalik pa ako sa dating ako. Sumusubok ako ng iba't-ibang mga bagay, nagbabaka sakaling makaramdam ng pananabik at naghahanap ng bagay na magiging dahilan para manatili ako at magpatuloy. Pero saan ako dinala lahat ng 'yon? Dinala ako sa wala. Ngayon, nawawalan na ako ng pag-asa sa lahat.

Hindi ko na ipagkakailang pagod na ako. Hindi 'yung pagod na ang sagot ay tulog at pahinga kung 'di 'yung pagod na sawang-sawa ka na sa lahat. Sawa ka nang umasa, sawa ka nang masaktan, sawa ka na sa araw-araw na nabubuhay ka, sawa ka na mabuhay. Pwede bang tapusin ko na lang lahat?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MonologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon