When Truth Lies

326 7 0
                                    

12/21/16 10:29 pm

Napakadaming katotohanan sa mundo ang hindi pa nabubunyag. Kung masaya ka, baka nabubuhay ka pa sa kasinungalingan. Isn't that the bitter truth is much better than a sweet lie?

Mas ayos na siguro kung palagi mong madama ang sakit para naman masanay ka na at mamanhid dahil mas masakit 'yan kung biglaan. Paano kung biglaan mong malaman na hindi pala iyon ang totoo? Na ang kinatatakutan mo pala ang totoo? Na hindi ka pala talaga niya mahal? Na ayaw ka nilang masaktan pero doble-doble na ang sakit na iyong nararamdaman? Na ang bawat hiling mo sa langit na akala mo'y natutupad ay kasinungalingan lang pala? Na pinapaasa ka lang sa wala?

Masakit. Parang gusto ko nang sumuko. Pakiramdam ko lagi na lang akong hinahabol ng katotohanan, na kahit anong gawin ko may malalaman akong masakit na mahirap tanggapin. Na dapat ay sinusulit ko ang mga panahon para maging masaya pero ang hirap talaga. Parang gusto ko nang sumuko sa paghinga. Nakakapagod nang mabuhay.

I really want to give up breathing. I wonder if my life would get better on the other side. I never thought living will cause much more pain than dying.

Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko, hindi ko na sana pinili pang mabuhay.

MonologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon