Stop.

284 6 0
                                    

07/25/17 10:25pm

Kahit paulit-ulit pang ipamukha sa'kin ng lahat na wala lang ako sa'yo, umaasa pa rin ako. I just can't stop myself from hoping. Kahit pa paulit-ulit na akong nasasaktan dahil sa'yo, umaasa pa rin ako. You're the pain I'm willing to feel for the rest of my life. Kahit masakit, aasa pa rin ako. Kahit alam kong wala, aasa pa rin ako.

Oo, sabihin niyo na sa'kin na tanga ako. Anong magagawa ko? Mahal ko siya. Kahit ilang beses pa akong umayaw, wala din, gusto ko pa rin siya. Kahit ilang beses ko pang pagmukhaing tanga 'yung sarili ko, titibok at titibok pa rin ang puso ko para sa kanya. Na kahit ako pa ang manakit sa sarili ko, ayos lang.

Pathetic much? Alam ko. Desperada? Oo na. Pero bawal ba? Bawal bang ako ang unang lalapit? Bawal bang ako 'yung magbibigay ng regalo? Bawal bang magmahal? Pasensya na. Di ko napigilan.

Ang gusto ko lang naman, matapos na 'tong katangahan na 'to dahil alam kong nahihirapan ka din at ayaw mong makasakit ng iba. Oo, kahit paasahin mo pa ako ng isang milyong beses, uunahin ko pa ring isipin ka, kahit hindi mo 'ko naiisip.

Ganoon ako katanga. And I'm willing to be a fool for you. I'm willing to write eternal stories of you. I'm willing to give you everything I can. Even though I know she's the one you want...

MonologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon