Rebound No More.

298 5 0
                                    

10/26/16 11:00pm

Ako? Hindi ba't ako 'yung palaging nasa tabi mo kahit anong mangyari? Naaalala mo pa ba? Ako 'yung walang sawang nakadikit sa'yo kung sakaling kailanganin mo 'ko. Ako lang naman 'yung nagpakatanga sa isang katulad mo.

I gave you everything I can give yet you made me feel so worthless. I did all I can to give you happiness but all you did was left me in darkness. Kahit pa alam 'kong wala lang ako sa'yo ginawa ko pa rin ang lahat mahalin mo lang ako. And that is one of the stupidest thing I had ever done.

Ang tanga mo kasi binalewala mo lang ako. Ang tanga-tanga mo kasi ako na nga 'tong kayang ibuwis ang lahat para sa'yo pero sa iba pa rin nakatingin ang mga mata mo. Bahala ka na sa buhay mo.

Masaya ka ba ngayon na kasama mo siya habang nasasaktan ako? Sana nga masaya ka dahil alam kong balang araw hahanapin mo ako at magsisisi kang pinakawalan mo ang isang katulad kong nagmamahal sa'yo. At sa balang araw na 'yun, wala na akong pakialam sa'yo. Sa balang araw na 'yun, hindi na kita mahal.

Sa balang araw na 'yun, nakahanap na ako ng taong mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo. Ngayong araw na 'to titigilan ko na ang magpakatanga sa'yo, dahil simula pa lang panakip butas mo lang ako.

MonologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon